Chapter 27 (B): Jealousy?

487 20 8
                                    

Chapter dedicated to @Satsuki064

Yohan's POV

Nagmadali akong hanapin si Senri at Xiel at tamang tamang naabutan ko si Senri sa courtyard na nagtatraining.

"Oh, young master. Nakabalik ka na pala."
"Akin na ang mga kamay mo," seryosong sabi ko.
"Po?"
"Ang mga kamay mo, akin na," I demanded.

Binitawan niya ang espadang kahoy niya at tiningnan ako na tila nagtataka. Itinaas niya ang dalawang kamay niya. Agad kong hinawakan ang mga kamay niya.

"Y-young master?"

That's strange...di parin nawawala ang uneasiness ko, walang nangyayari.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at namula siya.

"Y-young master, A-anong ginagawa mo-"
"Be quiet."
"Lalaki po tayong dalawa-"

"PASENSYA NA PO, MGA BABAE PO ANG GUSTO KO!"
Kumawala si Senri sa pagkakahawak ko at tumakbo palayo na hiyang hiya sa ginawa ko.

(What's up with him?)
Tuluyan na siyang naglaho sa dilim. Napahawak ako sa panga ko at na cross out si Senri. That leaves...Xiel. Di kaya nagseselos ako dahil mas pinagtutuunan ng pansin ni Xiel ang asong yun kesa sakin?

Nagtungo ako sa condo ko dahil malaki ang tsansang nandun siya.
Pagkarating ko sa labas ng condo, napalunok ako at binuksan ang pinto.

Xiel's POV

Napalingon ako sa may bandang likod ng marinig ko ang pag bukas ng pinto. Inalis ko ang headphones at nag pause ng nilalaro kong game sa screen.

"Nakauwi ka na pala. Kamusta si Azmaria?" tanong ko.
Nag buntong hininga si Yohan at tinanggal ang scarf niya st itinapon sa sofa.

Nagkibit balikat ako at bumalik sa paglalaro. Baka pagod lang siya kaya di siya nagsasalita.

Ilang sandali pa umupo siya sa tabi ko. "What's wrong? you want to eat cake?" tanong ko habang nakafocus sa screen.
Bigla niyang dinampi ang kamay niya sa kamay ko. (Huh?)

Napatingin ako sa kanya. "ayos ka lang ba?" tanong ko.
"Xiel..." hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at inilapit ang mukha niya sakin.
(A-anong ginagawa niya?)

Umurong ako ng kaunti. "H-hey, what's wrong? anong nangyari?"

Hindi kaya naging bakla na ang kapatid ko?! Napalunok ako.

"Wala namang nangyayari..." mahina niyang sabi.
I narrowed my eyes. "Anong sinasabi mo?"

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo. "Wala, may sinubukan lang ako..." sabi niya.
"Wag mo naman akong gulatin. Mapagkakamalan kang bakla," sabi ko.
"Ah...kaya pala si Senri kanina..."

(Ano?! pati si Senri?! nako naman ano ba tong ginagawa ng kapatid ko.)

Napakamot siya sa ulo niya at nagtungo sa pinto.
"Lalabas ka na naman?"
"Magpapahangin lang..." he shut the door closed.

Yohan's POV

Bakit ganun? none of them lifted any of my uneasiness. Naglakad lakad ako sa hallway nang bigla akong nakaramdam ng napakainit na sensasyon sa loob ko.

"A-ano to...? hnnnnng..." napaluhod ako at napahawak sa dibdib ko. Nasundan pa ng napaka sakit na pakiramdam sa ulo ko.
(Is this....? knnng...)

Napaubo ako ng dugo at nanginginig sa sobrang sakit. Parang damang dama ko na malapit nang maubos ang oras ko. (Hindi...hindi ako papayag...hindi pa ako-)

Biglang tumunog ang ringtone ng hand phone ko. Sumandal ako sa pader at napaupo habang hinihingal at nilalabanan ang sakit. Binunot ko ang hand phone ko at tiningnan ang text message.

Vasilika Academia: Elite AcademyWhere stories live. Discover now