Extended Chapter

554 18 5
                                    

Feel free to listen to the song. Sa dulo pa sana to pero nevermind~


Saika's POV
12:45 nn

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang cafe malapit sa isang ospital ni Xiel. Pasimple kaming kumakain ng lunch at umiinom ng frappe habang naghihintay ng signal mula kina Blanche at Gavin. Bago pa kami pumunta dito ay kinausap namin si Blanche at Gavin para sa isang interesting deal.

Flashback

''Sounds great! alright, we'll take the deal!''

''Talaga?! maraming salamat Blanche!''

''Mas mabuti nang makatulong kami. Same group tayong lahat kaya tulungan! kami na ang bahala sa doctor na papalitan ni Xiel. Leave the kidnapping to us. Total naman It's like killig two birds in one stone at pairs natin ang makikinabang.''

''Thank you!''

Back to reality

Sisignalan lang daw kami ni Blanche via text message. Isesend niya ang lahat ng information tungkol sa surgeon na balak nilang kidnapin at pagkatapos ay ipaprank habang si Xiel at ako ang mag oopera sa pasyente niya. Sa totoo lang, natatakot ako dahil first timer ako sa ganito. Napailing ako at tumingin sa kalendaryo. (Today's date...I wonder if mag co-cooperate ang lahat sa pinaplano ko mamayang gabi.)

''Bakit tulala ka?'' tanong ni Xiel.

''W-wala!'' napaharap ako sa kanya. Ang cute niya na naman ngayong araw. Naka white button down long sleeve at black pants. Sinamahan pa ng relo niyang Axis at pabango niyang Drakar. So perfect! Marahan niyang hinimas ang ulo ko at nginitian ako ng malambing.

''Hey...I'm here to guide you. Count on me.''

Nakakare-assuring talaga siya. Alam niya kung paano ako pakalmahin. Mas lalo tuloy akong na motivate into helping in any way I can para matapos namin agad ang Day 1 activity para mapahinga ko si Xiel at siyempre ang demonyo niyang kambal.

Ilang sandali pa, nag vibrate ang mga handphones namin. It was a the signal from Blanche. Agad naman naming binasa ito.

From: Blanche

Yohooo couple! kidnapping complete! Check his details!

Name: Kim Ju Min

Age: 38

Occupation: Doctor

Name of patient: Park Soo Yeon

Age: 15
Surgery time: 1:00 pm

---------------------------------------

---------------------------------------

PS. Nag-iwan na kami ng 3D-printed mask na kagaya sa mukha ni Doctor Kim kaya good luck couple!

Nakasaad na lahat ng data doon pati na rin ang problema ng pasyente at kung saan siya dapat operahan. Ang bruhang si Blanche at Gavin nag selfie pa na nasa likuran nila yung kinidnap na doctor at may piring ang mga mata at bibig. Agad kaming nag tinginan at napatango sa isa't-isa sabay tayo at pag hablot ng coats namin. Napakalamig dito sa Korea. We dashed to the hospital dahil 15 minutes nalang ang prep time namin.

Dumiretso kami sa lugar na tinutukoy ni Blanche na pinag-iwanan niya ng mask ni Xiel at mga hospital clothes namin.

Pagpasok namin, agad kaming nagbihis sa loob ng isang pribadong kwarto na puro nakatangkas at kinartong files ang naroroon. Sinigurado naming walang nakakita sa amin.

Vasilika Academia: Elite AcademyWhere stories live. Discover now