AGKB 23: 18 Pink Roses

4.3K 116 9
  • Dedicated kay Ainna Marie Gonzales
                                    

Francheska's

Ilang araw narin akong nakakatanggap ng chocolates and flowers from Brixx, Sinimulan na niya kasi yung deal namin na liligawan niya ako this vacation pero pag di nagclick, Hahayaan na daw niya ako sa gusto ko pero susuportahan niya parin daw ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang mahalin si Brixx kasi siya na yung perfect guy para sa akin, Ang bait niya, Maparaan, Mapagmahal at alam kong hindi ako masasaktan sa kanya pero hanggang kaibigan lang yung tingin ko sa kanya hanggang ngayon.

Pinipilit kong mahalin si Brixx kasi 2 weeks and 3 days nalang ang natitira pero wala paring effect. Alam ko sa sarili ko na meron na akong nararamdaman kay Brixx pero onti lang at hindi ko pa nako-confirm kung ano yung feelings na yun kung mahal ko na siya o mahal ko siya bilang kaibigan. hay hahayaan ko na nga lang matapos yung plano

Ngayon aalis kami nila Alliah at Sheena balak kasi naming pumuntang park ngayon at sakto hindi daw pupunta si Brixx kasi may aasikasuhin daw siya mahalagang mahalagang bagay kaya sumama na ako kila Alliah. Si Ken kasi simula nung nalaman yung bahay nila Patricia palagi na siyang nandun

"Girl! Ready kana?" tanong ni Sheena sakin kaya binigyan ko siya ng 'naguguluhang-look'

"Sabi niya kung ready ka na daw bang umalis kasi kami ready na" sabi ni Alliah "Ah, Oo ready na ak—" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi biglang sumigaw si Sheena.

"NGAYON PALANG KINIKIL—UGH!" kaya napatingin kami sa kanya "Ang sakit nun Alliah ah!" Pagrereklamo niya, Sinamaan naman siya ng tingin ni Alliah "Eh? Ay sorry po! Tara na nga girls" Pag iiba niya ng topic.

Nawi-weirdohan na ako kay Sheena kanina pa kasi parang kilig na kilig siya tapos excited na excited, Nandun ata sa park si Marcky hahaha. Sinabi na niya kasi samin na crush niya si Marcky

Lumabas na kami ng bahay, Sasakay na sana ako sa kotse ng mapansin kong naglalakad yung dalawa "Dalawang babae! Bakit kayo maglalakad? may kotse naman!" sigaw ko sabay lapit sa kanila "Mas masarap mag lakad promise" sabi ni Sheena na halatang kinikilig. 

Naglakad na sila este kami ... para akong kriminal, Nakakapit kasi silang dalawa sakin tapos nasa gitna pa nila ako -_- "Best! bibile lang kami ah, Dirediretso ka na lang diyan. Ayun na naman yung park eh" sabi ni Alliah, magsasalita na sana ako ng mawala na yung mga bestfriend ko sa tabi ko

"Nasan na yung nga yun?" Umikot ikot pa ako para makita yung mga kaibigan ko na bigla nalang naglaho, Sht bakit parang may mali?

Nagulat ako ng may kumalabit sakin "Ayy Kabayo!" Sigaw ko at napaatras "Bakit? Ano kailangan mo?" tanong ko sa batang lalaki na nakasalamin at naka white T-shirt tapos may naka tatak na malaking 'I'

Ang cute nitong bata na to! Ngumiti lang siya sakin tapos binigyan ako ng pink rose, Tapos tinuro kung saan ako pupunta... Binigyan ko siya ng 'Anong-gagawin-ko-look' pero ngumiti lang siya sakin tapos umalis na

Ang cute ng bata tapos marunong pang pumorma, hahahaha buti pa siya. Naglakad lakad na ako tapos may lumapit sakin na isang batang babae na naka white T-shirt tapos naka palda. Ang cute niya din bagay sila nung isang bata. Inabot niya sa akin yung hawak niyang pink rose tapos tumalikod na.

Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan ko siya "Hey! Cutie kanino galing to?" tanong ko, Lumuhod ako para mag kasing height na kami pero ngumiti lang siya tapos kiniss ako sa pisngi. Pagtapos niyang gawin yun umalis na siya, mga pipe ba yung nga bata na yun?

Pinagpatuloy kona yung paglalakad ko and ganun pa din may mga nag bibigay sakin na pink rose hanggang sa maka 17 na pink rose na ako.  Napansin ko din na padami ng padami yung tao na nakapaligid sakin. Hay. kanino nanamang pakana to?!

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon