AGKB 47: Cheska's Birthday

2.9K 101 6
                                    

Francheska's

Nagulat na masaya ako sa surpresa ng mga kaibigan ko sakin. Sa buong akala ko magiging simple lang 'tong birthday ko. Akala ko hindi nila ako babatiin AKALA ko lang pala lahat

Kasi lahat ng iniisip ko ay kabaliktaran ng mga nangyayari

"Happy Birthday bestfriend" bati ni Alliah sabay abot sa akin ng isang box na nakabalot ng light pink at may ribbon na Sky blue.

My favorite colors

"Hi Chesa girl. Birthday monaaaa! By the way take this" sabi ni Sheena sabay abot ng isang paper bag

Nakabati na silang lahat pwera lang sa kanya

"B-boyish" sa ganda kong 'to? Boyish parin tawag niya sa akin. Hmp "A-ang ganda mo"

"T-thank you" shit. awkward

"Tama nayan. Masyadong romantic" save by Budoy

Nagsimula na ang party na sinasabi nila, Kami-kami lang yung nandito pero masaya. Hindi ko alam pero biglang dinala na lang ako ng mga paa ko dito sa tabing dagat kung saan malayo sa kanila, kung saan ang tahimik, kung saan makakapag isip ka talaga, kung saan makakapag relax ka

"Cheska" pagkarinig ko nun, bigla nalang parang tumalon yung puso ko sa saya. Yung bigla nalang magkakaroon ng butterflies sa tiyan mo?

"Anong ginagawa mo dito?"

"M-mag rerelax lang" sagot ko, ewan ko pero ayokong ialis yung mata ko sa mukha niya. ayokong mapalagpas yung bawat detalye ng mukha niya

Matagal din na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa simula ng umupo siya dito sa tabi ko

"Cheska" napatingin ako sa kanya ng marinig ko pangalan ko. Nakatingin lang siya sa kawalan hanggang sa nagtama ang mga mata namin at ni isa walang gustong umiwas ng tngin

"Happy Birthday"

"Happy birthday din"

Napangiti ako ng may inilabas siyang box "Here's my gift" kunot nuo ko naman siyang tinignan ng maalala kong binigyan na niya akong gift kanina

"May regalo ka nang binigay diba?" tanong ko pero tumawa lang siya at binuksan yung box

Napangiti ako ng abot tenga ng makita ko yung laman ng box

"Francheska" basa ko sa nakaukit sa pendant. So pina-personalized niya pa 'to?

Sinuot niya sakin yung kwintas. Simple lang siya. Silver tapos may diamond pa sa gitna ng pendant na heart

"Thanks" sabi ko pero nakatingin parin sa kwintas

"No, Thank you" kunot noo ko naman siyang tinignan, Nakatingin lang siya sakin. Nakikipagsukatan ng tingin pero ako din yung natalo

"Thank you for?"

"Thank you for everything" hindi parin maalis yung kunot sa noo ko kasi 'di ko parin siya gets pero nginitian ko nalang siya

Gusto ko magsalita pero wala ni isa ang lumalabas sa bibig ko

Nagstay pa kami dun ng 20 minutes ata? I don't know

"Tara balik na tayo dun" aakmang tatayo na ako ng hawakan niya yung kamay ko

"B-bakit?" nakakalunod yung titig niya. yung tipong gusto mo ng humingi ng saklolo

"B-bakit 'di mo pa ako sinasagot?" nag iwas agad siya ng tingin pagkatanong nun. Paano ko siya sasagutin kung hindi siya nanliligaw?

"Nanliligaw ka ba?" napatingin siya sakin. Yung tingin na disappointed

Ang Girlfriend kong BoyishDonde viven las historias. Descúbrelo ahora