AGKB 30: Saturday

3.5K 108 2
                                    

Prince Ivan's

Nandito kami ngayon sa National Book Store kasama ko si Keichi, Cheska at si Ice. May bibilin daw kasi si Keichi and Ice para sa pagrereview namin kaya napasugod kami dito.

Naghiwalay din kami, Kasama ko si Keichi tapos kasama ni Ice si Cheska, Hanap lang ako ng hanap nung sinasabi ni Keichi pero siya parang may hinahanap.

"Oy! Ano ba yung hinahanap?" tanong ko, napatingin naman siya sakin "Nahanap na daw nila Ice tara duon tayo sa restaurant, gutom na ako eh" sabi niya tapos tumalikod na

Tapos na kami kumain pero wala parin sila Cheska, Hay. Nasaan ba yung babae na yun? Tss. Kay Ice pa kasi sumama eh bwisit! "Malapit na daw sila, Nag Arcade daw kasi sila" sabi ni Keichi, Ano? Arcade?

"Tss" ayan nalang lumabas sa bibig ko sa sobrang inis ko, Bwiset naman

"Tara na? Dun tayo sa Arcade?" tanong ni Keichi kaya tumango nalang ako

Lakad lang kami ng lakad pero 'tong si Keichi pumapasok pa sa mga shops kaya ending wala na sila Cheska at Ice sa Arcade! Para akong tanga dito sa labas ng shop na pinasukan ni Keichi kasi kanina pako padyak ng padyak kainis kasi.

Ayaw kasi sagutin ni Cheska yung phone niya, Ring lang ng ring! Nako! Bahala na nga sila! Magsama sila! magdate pa sila! "Sir! Pakihawak daw po to sabi ng Girlfriend mo" sabi ng sales lady na lumapit sakin, Tinignan ko naman si Keichi, Enjoy na enjoy lang sa pagpipili ng dress

"Diko siya girlfriend okay?" inis na sabi ko sabay kuha ng mga shopping bags

"Prince!" rinig kong sigaw galing sa likod ko, Pagtingin ko naman si Darren pala "Kamusta na pre?" tanong ko, Tagal ko nading hindi nakakasama 'to eh

"Gwapo parin" cool niyang sabi kaya tumawa nalang ako "Ulol! Mas gwapo parin ako sayo" pagbibiro ko.

"Hahaha! Pantay lang tayo pre! Kaso mas magaling ako sayo pagdating sa basketball" natatawa niyang sabi,

Si Darren kasi yung dati kong kagrupo, Dati ako lang 3rd year sa kanila kasi lahat sila 4th year sa team namin. Co-varsity ko din siya, Napakabait niyan minsan tinotopak nga lang, "Mas magaling na ako ngayon pre! gusto mo one on one?" pagmamayabang ko .

Tinap niya yung balikat ko tapos tumawa "Hahaha! Baka hindi ka lang manalo" sabi niya kaya napakamot ako sa ulo, Siya kasi yung nagturo sakin mag basketball

"Oo na! Umaasenso naba lovelife mo pre?" tanong ko wala na kaso akong balita sa kanya

"eh? hahahaha" natawa nalang ako,

"Gago ka pre! Wala parin? Baka bakla ka hindi mo lang sinasabi?" pagbibiro ko kaya binatukan niya ako.

"Fuck you! pupunta nga pala kami sa Xavier" Darren

"Kailan? Teka teka, kami?" tanong ko

"Diko pa alam eh, Oo KAMI, Kasama ko bestfriend ko! Alumni din siya"

"Ah i see, Ano tara bar tayo?" aya ko

"Hahahaha hindi ka padin nagbabago, may gagawin pa ako pre next time nalang. Una na ako, Kamusta mo nalang ako sa barkada mo" sabi niya tapos nakipag apir nalang ako.

Sakto naman lumabas na si Keichi sa shop "Tara na, Uwi na tayo pagod na ako"sabi ko sabay lakad, Sumunod lang siya sakin hanggang makarating kami sa parking lot,

Hinatid kona si Keichi sa kanila tapos dumiretso ako kila Cheska, Baka hindi pa inuuwi ni Ice eh, masasapak ko talaga yun tss. Pagdating ko nagdoorbell agad ako siguro mga tatlo

"Pogi, Pasok" ngiting sabi ni Nanay Rosing kaya pumasok na ako, Dumiretso agad ako sa sala nila pero walang tao. Patay ka talaga sakin Ice

"Hinahanap moba si Cheska pogi?" ngumiti nalang ako bilang sagot

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon