AGKB 50: Intrams

2.4K 81 3
                                    

Francheska's

Lumipas ang mga araw at ngayon friday na ulit. Sobra kaming naging busy this past few days dahil sa Intrams na yan at dahil sa two rooms na pinapalinis samin ni Mrs. Angeles

"Girl? Galingan mo ha? Yung sa question and answer. Kailangan kabog yung sagot mo" sabi ni Sheena habang hinahawak hawakan yung buhok ko. Nandito kasi kami sa dressing room. Actually last 3 minutes na ng pag aayos pero ewan koba dito kay Alliah ayaw pa ako palabasin

Ang masasabi ko lang talaga ngayon. ANG GANDA KO!!!!

Si Mokong kaya? Magagandahan din sakin?

"Let's go girls! Pumila na dito!" sabi nung Robert kaya lumabas na kami

Paglabas ko hinanap ko agad si Mokong. Ewan ko pero gusto kong sabihin niyang ang ganda ganda ko. Bakit ko ba iniisip yun? Tss.

"Brixx? Si Ivan?" tinanong ko pa din kay Brixx kahit na nahihiya ako. Wala pa kasi yung magaling kong boyfriend

"Ang ganda ganda mo cheska" sabi niya kaya napangisi nalang ako "Hintayin mo na lang si Ivan. lalabas din yun" sabi niya kaya tumango nalang ako at pumila na

"Wag kang kakabahan" bulong sakin ni Arran na nasa harap ko "Ang ganda mo cous" sabi niya kaya ngumiti nalang ako at pinuri din siya,.

Nagsimula ng magtawag pero wala pa din si Ivan hanggang sa tawagin na kami ng MC pero wala pa din siya kaya mas dumoble yung kaba ko

Nasan kana ba Mokong?

"Contestant Number 19" tinawag na ulit yung number namin pero wala padin si Ivan, Ugh damn.

"Contestant 19! Nasan partner mo?" naiinis na tanong ni Robert

"I'm sorry I'm late" biglang sulpot ni Ivan na pawis na pawis

Hindi kona siya hinintay na makalapit sakin at naglakad na ako papunta sa stage. Ilang sandali lang naramdaman ko yung kamay niya sa kamay ko. Na kadahilanan ng pagbilis ng tibok ng puso ko pero ewan ko, ombis na kiligin ako. Naiinis ako

Kasi naman, hindi man lang niya akong sabihan na maganda. Nakakainis lang. Alam mo ba yung siya yung dahilan ko para ituloy yung contest na 'to pero siya parang walang pakialam
Hindi ko alam kung boyfriend ko ba 'to o nagti-trip na lang

Pagkalabas namin nasimula ng magingay ang crowd. HINDI dahil sakin kundi dahil sa katabi kong gwapo na sobrang daming fans. Tumingin ako sa mga audience. May mga banner pa sila na "Go! Prince! Go" "We Love you Prince Ivan" "Prince of our life" "Ivantics"

Narinig ko naman na nag smirk 'tong katabi ko kaya rumampa na ako sa abot ng makakaya ko at iniwan siya. Ang hambog kasi.

"Ang ganda mo pala Cheska! Wohoo!" and this time nasa tabi kona si Ivan at tinitignan ng masama yung lalaking nagsabi na maganda ko. Buti nga yung iba naa-appreciate eh. Siya hindi

"Sexy mo pa!" rinig kong sigaw pa ng isang audience kaya medyo tumaas yung confidence ko. Nakita ko din si Mommy dito pero wala si Daddy

"Go anak!" sigaw ni mommy kaya napangiti ako

Pagbalik namin sa backstage para akong tinubuan ng tinik. Hindi kasi ako marunong maglakad ng naka high heels pero thanks god sa kinuha ni Mokong na tao.o Dahil sa kanya natuto ako

Dumiretso na ako sa dressing room ng hindi tumitingin kay Ivan. Makita kong pumasok din sila Alliah ng tumatalon talon kaya natawa ako sa loob loob "Ganda mo best!" natatawa niyang sabi

"Ang galing mo grabe! Parang natalo mo Si Arran!" natawa ako sa dinagdag niya. Kahit naman na magaling ako hinding hindi pumasok sa isip ko na mananalo ako dito sa contest na 'to. Nandiyan kaya si Arran maganda, model, matalino. Saan kapa diba?

Ang Girlfriend kong BoyishNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ