AGKB 25: Alliah's Confession

4.3K 116 4
                                    

3rd Person's

Kanina pa nakatayo si Alliah sa harap ng bahay nila Cheska, Kinakabahan kasi ang dalaga na mag confess sa mga bestfriends niya, Umayos na siya ng tayo para makapag doorbell na "Kaya ko to" bulong niya. Pagkadoorbell niya biglang bumukas yung pinto kaya napa atras siya "Alli--" sisigaw sana si Sheena kaso biglang tinakpan ni Alliah yung bibig niya

Laking papasalamat ni Alliah nung nakita niyang si Sheena yung nagbukas ng pinto dahil kung si Cheska yun.. hindi niya alam ang gagawin niya .

"Anong ginagawa mo dito? Namimiss kana namin, Uuwi ka na ba? Tara pasok" sunod sunod na sabi ni Sheena kaya natawa si Alliah "Baliw! Nandyan ba si C-cheska?" nuutal na tanong ni Alliah, tumango naman si Sheena bilang sagot

Pumasok na sila sa loob, Dapat sa sala lang uupo si Alliah kaso nag aya si Sheena na dun nalang daw sa room ni Cheska kasi nandoon daw sila. Pagkapasok ni Alliah napatingin agad siya kay Cheska "Girl! Si Alliah nandito!" sabi ni Sheena, kaya agad na napatayo si Cheska at niyakap si Alliah

"Hoy! Babae Miss na kita! Uwi kana kasi dito eh!" parang batang sabi ni Cheska habang nagtatatalon.

"Ang OA mo girl!" sabi ni Sheena kaya umupo na sila sa kama

Napansin ni Cheska na hindi nagsasalita si Alliah kaya tinitigan niya ng mabuti, nung tumingin naman siya kay Alliah agad na umiwas ng tingin si Alliah "Nagpunta ako dito kasi may sasabihin ako" mahina pero siryosong sabi ni Alliah kaya natigil sa biruan yung dalawa.

"Ano yun?" sabay na sabi ni Sheena at Cheska, Tumingin si Alliah kay Sheena tapos tinignan si Cheska

"Alam ko na magiging masama ako sa mga paningin niyo pagtapos kong sabihin to pero kaligayahan ko yung pinaglalaban ko eh"sabi ni Alliah habang naka yuko, Kumunot naman yung nuo nila Cheska at Sheena

"C-cheska...S-sheena" mahinang sabi ni Alliah "Sinabi ko sa inyo na hindi kona mahal si Brixx diba?" tumango tango naman sila Sheena.

"S-sorry" mahinang sabi ni Alliah

"for?" tanong ni Sheena

"S-sorry kasi nag sinungaling ako sa inyo"

"M-mahal ko pa si Brixx" sabi ni Alliah

"Eh? S-sabi mo sa amin diba wala ka ng feelings kay Brixx? Kaya nga pumayag ako na ligawan niya ako kasi wala ka ng gusto sa kanya" naguguluhang sabi ni Cheska

"S-sorry" mahinang sabi ni Alliah, Hindi na niya napigilan yung mga luha niya at umiyak na siya.

"P-paano?" nauutal na tanong ni Cheska "P-pag ka gising ko nalang isang araw.. Nalaman ko na mahal ko pa pala siya, Pinilit kong mawala yun pero hindi eh! Lalo pang lumala"

"N-nung pinaplano namin yung s-sa park? Nasasaktan na ako nun, Lalo na nung pinapanood ko kayo ni Brixx na masaya habang ako.." tumigil siya saglit tas tumingin kay Cheska "Nasasaktan ako, sa bawat galaw niya para mahalin mo lang siya, gusto ko ngang sabihin sa kanya na sana ako nalang mahalin niya kaso diko magawa eh kasi masaya ka sa feeling niya, Sa company niya pero C-cheska. Mahal ko siya, mahal na mahal, I hope you"ll understand me" tumayo na si Alliah sa pagkakaupo niya sa kama ni Cheska at nagpunas ng luha

"That's all, Goodbye bestfriends! Sana magkakaibigan parin tayo" tumalikod na si Alliah at hinawakan yung door knob "Bestty, Sana wag mo siyang sagutin para sakin" pagkatapos sabihin ni Alliah yun, Lumabas na siya ng kwarto ni Cheska at tumakbo papunta sa kotse niya

Iyak lang ng iyak si Alliah sa kotse niya, Pero nagpapasalamat din siya kasi nasabi niya yung true feelings niya pero di niya alam kung anong reaction ng mga bestfriend niya

Ang Girlfriend kong BoyishWhere stories live. Discover now