Nerdy 6

5.4K 147 1
                                    

NERDY 6
[ EDITED ]

MAXINE's

Papunta ako ngayon sa bahay nila Mark kasi Anniversary namin ngayon at ibibigay ko lang sana itong pinagawa ko shirt nung nakaraan na parehas ang design sa akin.

" Good Morning, kayo po diba yung nobya po ni Sir Mark? " sabi ng kasambahay nila na dating nagbukas ng gate sa akin pagkatapos ko magdoorbell.

 

" Opo, ako nga po, anjan po ba sya? " tanong ko kay manang.

" Opo, nasa kwarto nya po. "sagot ni manang agad.

" Uhm, pwede po bang pumasok? " tanong ko, baka mamaya magalit pa sakin si Mark kapag 'di ako nagpaalam bago pumasok.

" Ah— eh, pwede naman po ata, wala naman po atang ginagawa si Mister. " sagot ni manang.

" Sige po, salamat. " sagot ko kay manang at pumasok sa loob.

Pumasok na ako sa kanilang bahay o sabihin ko nang pumasok na ako sa kanilang MANSION.

At napamangha ako sa laki nitong bahay na ito. Siguro ang kalahati nito ang laki ng bahay namin.

Tinanong ko ang isa sa mga kasambahay nila kung saan ang room ni Mark, sabi sa ikatlong palapag daw, sabi ko saan doon kasi napakalaki ng palapag na yun, at ang sabi ay lahat daw ng kwarto doon ay kanya.

Pagkarating ko dun ay hinanap ko kung nasaan sya, iniisa-isa ko ang nga kwarto dun nang may narinig akong boses, pumunta ako sa isang kwarto  kung saan may nakasulat na opisina niya raw ito. Taray ha.  At kung saan ko narinig ang boses. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng kanyang Opisina kuno ay kumatok ako, ngunit walang nagbukas ng pinto, kakatok pa sana ako nang may narinig akong boses ng babae mula sa loob kaya pinakinggan ko. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero talagang nacucurious ako.

" By, buy me some doughnut, i'm starving to hell. " narinig kong sabi ng isang babae. Parang familiar sa'kin ang boses na yan at parang narinig ko na ito.

" I'll buy you some later kapag nasa kwarto ko na tayo. " sagot naman ng lalaki na parang ka boses ni Mark. Hindi kaya si Mark 'yon? Siya siguro kasi sakanyang opisina ito e— pero bakit may kausap siyang babae sa loob? Siguro baka sa telepono lang, tama.

" Fine. " sabi ulit ng babae.

" Come here, by. Para hindi ka magutom, eto mas sweet pa sa gusto mo. " sabi naman ng lalaki na parang si Mark talaga yung boses.

Nacurious ako kaya kinapalan ko na ang mukha ko na buksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko, si Mark at Janine, anong ginagawa nila, bakit, akala ko magpinsan sila?

Napaluha nalang ako sa nakita ko. Humiwalay na sila sa isa't-isa ng makita ako habang gulat na gulat na parang nakakita sila ng multo.

" Max? " sabi ni Mark nang nakita ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, nangangatog ang tuhod ko, hindi ako makahinga. Kaya nang humakbang siya ay akin namang tinakbo. Tumakbo ako palabas ng opisina niya. Pero hindi pa ako nakakalayo nang may humablot sa kamay ko, at si Mark iyon.

" Napakawalang hiya mo, lahat ginawa ko para sayo, gagantuhin mo lang pala ako!  " sabi ko kay Mark habang hinahampas ang dibdib niya.

" S-sabi mo mahal mo ako, bakit ganto? " dugtong ko habang humihikbi.

" By, mahal daw, diba ako ang mahal mo? " sabi ni Janine. Nakita kong ngumisi si Mark sa'kin at hinalikan ni Janine si Mark sa pisnge.

" See, ako talaga ang mahal ni Rony kaya eto ang bagay sayo, Desperada! "
Sabi niya at nakita ko na ang pagtaas ng kamay niya at handa ng itama sa sa akin.




" Hindi!  " sigaw ko at napabangon ako sa higaan ko.

" Ma'am Xine may problema ba? "
tanong ni Manang Chens na nasa pinto ng kwarto ko at may dalang pagkain.

" W-wala ho, pasensya na. " sagot ko kay Manang kaya ipinatong na niya ang dalang pagkain at saka umalis.

Buti nalang panaginip lang, pero mukhang totoo talaga. Pero hindi, hindi gagawin ni Mark sa akin 'yon. May tiwala ako sakanya.

" May naghahanap po sainyo sa baba, si Miss Cheska po. " sabi ni Manang Chens at umalis na ulit.

Agad akong pumunta sa palikuran para gawin ang mga ginagawa ko tuwing umaga. Pagkatapos kong gawin ang mga yun ay bumaba na ako. Nasa hagdan palang ako ay nakita ko na si Cheska na parang excited, kaya lumapit ako agad sakanya.

" Cheska, anong ginagawa mo dito? " nag-aalangang tanong ko kay Cheska. Maayos na kaya ang lagay niya? Sana naman.

" Okay ka na ba? " Tanong ko.

" Siguro nagtotong- its ako dito. " pamimilosopo niya. Umiling nalang ako.

"Aren't you glad that i'm here? Sige, alis nalang ako— " aktong tatayo na sya nang hinila ko ang kamay nya.

" Kidding. Hindi naman talaga ako aalis, hindi ako pwedeng umalis hangga't di ko 'to nasasabi sayo. "   sabi nya sakin sabay ngiting nakakaloko.

" Oh, ano na nga yun? " tanong ko.

" Beshie, hindi kana magtatagal sa Italy. " sabi nya na ikinataka ko.

" Ha, ano ang ibig mong sabihin? " nagtataka kong tanong sakanya.

" Kinausap ako ng tita mo! "sabi nya at niyugyog ang balikat ko.

Busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa bag nang may tumawag na unknown dialer sa phone ko.

[" Hello, is this Cheska Tan, Maxine's bestfriend? "] sabi ng nasa kabilang linya.

" Speaking, "

[" Uhm, I'm Jenny Vasquez. Maxine's Aunt, i know that you know me already, yeah? "]

" Ay, kayo po pala, Tita,  napatawag po kayo? "

[" Hindi kasi sumasagot si Maxine sa mga tawag ko kaya naisipan ko na ikaw nalang ang tawagan ko. "]

" Ganun ho ba, ano po ba 'yon?  "

[" Pakisabi kay Maxine na napag-isipan ko na, na hindi na sya magtatagal dito sa Italy.  Dito nalang siya magbabakasyon after ng graduation nyo, kasi naawa ako sakanya dahil may mapag iiwanan sya jan at ikaw daw 'yon. Kaya pakisabi nalang, I'm hanging up na. "]

" Now you understand. " sabi ni Cheska matapos magkwento.

" Oo. " sabi ko sabay yakap sakanya.

" Pero beshie, kahit saglit kalang dun, wag na wag mo akong kakalimutan ah? " sabi nya with sad voice and pouty lips.

" Syempre hindi nuh. " sabi ko sabay yakap sakanya.

" I love you beshie!." sabi nya kaya ginantihan ko.

" I love you too. " sabi namin sa isa't isa habang nakayakap sa isa't-isa.

CHESKA's

" Oops, " sabi ko nasanggi ko ang isa sa mga vase nila Maxine dito sa sala. 

" Okay lang Cheska. "  she said while smiling. Ibang Klase, nabasag ko na nga yung gamit nila nakangiti pa'rin siya. Siguro hindi naman kamahalan yang gamit na 'yan or kaimportante.

" Sorry, didn't mean it. " Sabi ko habang naka-peace sign.

" Ma'am Xine, Miss Cheska, kain na po kayo. " sabi ng  isa mga kasambahay nila Max at tumango kami. I'm gonna miss my buddy.

Her Return ( EMPIRE SERIES #1 ) - Completed ✅Where stories live. Discover now