Nerdy 11

4.5K 116 0
                                    

Nerdy 11
[ EDITED ]


MAXINE's

Kasalukuyan akong nandito sa bahay nila Mark para sana kamustahin siya at para itanong kung bakit 'di siya pumunta nung birthday ko, antagal nadin naming hindi nagkikita, ipapakilala ko pa naman sana siya sa mga bisita namin at kay Tira para maging legal na kami kaso 'di naman siya pumunta. 



Nag-doorbell ako sa labas ng bahay nila at ang kasambahay na naman nila ang nagbukas.



" Magandang hapon po. " masiglang sabi ko sa babaeng medyo nasa edad na at nasa harap ko ngayon.



" Magandang Hapon rin, hija. " Tugon ni Manang.



" Anjan po ba si Mark? " tanong ko habang sinisilip ang kwarto niya pero nakita kong nakasara ang mga bintana at nakatakip ang kurtina.



" Anjan siya, hija. Halika tuloy ka, ipaghahanda ko kayo ng makakain. " Masayang wika ni Manang at pinapasok ako sa loob.



" Maraming salamat po," sabi ko pagkasara niya ng gate.









PAGKAPASOK ko sa loob ng bahay nila ay bumungad sa akin ang napakalaking sala at nasa likod nito ang hagdan paakyat.



Pinaupo ako ni Manang sa sala at saka siya kumuha ng kung ano sa kusina at ako naman ay iniikot-ikot ang paningin sa napakalaking bahay nila Mark.



Nang napansin kong antagal ni Nanang ay pumunta ako sa kusina. Nakita ko siyang dire-diretso lang ang tinahak na daan kanina kaya ginaya ko at saka ko siya nakita na naghahanda.



" Manang, tulungan ko na ho kayo." sabi ko at kinuha ang hawak niya at ako na ang nagtuloy noon.



" Naku, hija. Bisita ka, maupo ka na lamang doon at kami na ang mag-aasikaso sa mga bisita ni MM. " sabi ni Manang nang subukan niyang bawiin sa akin.



" Manang, ako na po, kayo nalang po ang maupo. " ani ko nang nakangiti, hindi rin ako natinag ni Manang kaya ako na ang pinagawa niya.



" Hay naku, hija. Sige na nga, buti pa ikaw matulungin,eh yung si Ja— ang bait mo talaga hija, ano nga ulit ang pangalan mo? " Tanong ni Manang. May sinabi pa siyang pangalan pero hayaan na lang.



" Maxine po, Maxine Isabelle. " Sagot ko kay Manang habang nakangiti.




" Max nalang po. " dugtong ko kay Manang.



" Oh siya, ako na riyan at iaakyat ko na ito kay MM. " Sabi ni Manang at inilagay na sa isang plato ang mga sandwiches.



" Tulungan ko na po kayo buhatin yan. " alok ko ng tulong kay Manang. Pampa-goodshot na rin. 



" Ay nako, maraming salamat, anak. " Sabi ni Manang at binigay sa akin ang tray na hawak niya.



Pagkalabas namin sa kusina ay laking gulat ko nang kumaliwa siya sa halip na dire-diretso lang.



" Manang, saan po tayo pupunta, hindi po ba naro'n ang hagdan?" nagtatakang tanong ko kay Manang. Sa halip na sagutin ako ni manang ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad kaya sinundan ko nalang siya.



Huminto siya sa paglalakad sa tapat ng isang maliit na pinto kaya huminto narin ako.



" Manang, ano pong ginagawa natin dito, dito po ba ang kwarto ni Mark? " tanong ko kay Manang.



" Oo nga pala, 'di ko pa pala nasasabi sayo na may elevator sila dito dahil 'di mo lang alam ay may..." huminto si manang saka tumingin sa kaliwa't kanan na parang bang sinusuri kung may makakarinig samin at saka humarap sakin at tinakpan ang kabilang gilid ng pisngi na para bang may chini-chismis sakin.



"May itaas pang floor ang bahay na ito, hindi lang ito ganyan kalaki mas malaki pa ito kapag nakarating kana sa 4th Floor, kaya pupunta tayo ngayon dun dahil andun ang kwarto ni Mister, tatlong kwarto ang sakop ni MM at sa palapag na mas mataas pa sa Pang-apat ay mas malawak, mas malaki, mas maaliwalas at mas mis— " hindi na natuloy ni Manang ang kasunod niyang sasabihin dahil may nagsalita mula sa likuran namin.



" Hoy Yna, ano na namang chini-chismis mo. At sino naman yang babaeng yan? " Pagsusungit ng isang babae. Sino rin ba sya para taasan ng boses si Manang na parang hindi ito nakatatanda sakanya.



" M- Ma'am, wala po akong chini-chismis, sinasabi ko lang po yung mga paborito ni MM na mga pagkain at iba pa. "



" Oo nga po pala, Ma'am, si Maxine nga po pala, yung kasintahan po ni MM. " Pagpapakilala sakin ni Manang sa babaeng nasa harap namin.



" Magandang Hapon po, M-ma'am, ako po pala si Maxine, nobya po ni Mark. " nauutal na sabi ko sabay abot ng kamay pero inirapan niya lang yung kamay ko sa halip na makipag-kamay siya.



" Girlfriend? Ikaw? Magiging Girlfriend ni Rony? Ang isang katulad mo, girlfriend niya? " hindi makapaniwalang sabi nito. Aray ha. Alam ko namang hindi ako kagandahan pero mabuti naman ang puso ko.



" What a nice joke, nerdy. I'm pretty sure laruan ka lang niya. " sabi niya at umirap sa akin.



Hindi niya ako laruan.



" Would you mind getting out of my face? You're making me throw up with your look. "  dugtong pa niya. Get out of my face? Wala naman ako sa mukha niya. Alam kong mukha akong tigyawat pero hindi ako kabilang sa mga alaga niya.



Imbes na makipagsagutan ako sakanya ay 'di ko nalang iyon pinansin at yumuko nalang sakanya. Naglakad na ako palapit kay Manang, medyo umatras kasi Manang Yna kanina. Pero bago pa ako makalapit kay Manang ay nagsalita pa siya.



" Wag mo 'kong yuyuko-yukuan jan at talikuran dahil kinakausap pa kita. " sabi nito. Alangan namang tumingala ako.



" Ma'am, mawalang galang na po. Kahit tanggap niyo man o hindi ay wala hong magbabago. "



" At tsaka, ginagawa ko lang naman po ang mga tamang bagay na ginagawa sa mga nakatatanda sa'kin. " Dugtong ko sabay yuko ulit, ewan ko kung bakit ang hilig kong yumuko ngayon, hindi naman masakit balakang ko.



" Isa pang yuko mo sa harap ko ay tutumba kana jan sa yinuyukuan mo." seryosong sabi nito sa akin.



" Pasensya na po, Ma'am. " sabi ko at aaktong yuyuko nang maalala ko yung sinabi niya.



" Sorry ka jan. Lumuhod ka sa harapan ko ngayon. " Sabi nito habang tinuturo ang sahig kaya napalaki ang mata ko.



" M-ma'am, " sabi ni Manang na parang pinapakiusapan ito.



" What? Pipigilan mo 'ko? Go, as if you can. " Mataray na sabi niya kay Manang. Grabe naman, wala ba siyang manners?



" Ma'am, baka makita po kayo ni Master, " sabi ni Manang.



" Fine. Pasalamat ka at andito ang future husband ko. " sabi niya at inayos ang buhok.  Habang naglalakad siya palayo ay nagsalita muli siya at humarap.



" Una sa lahat, ayoko ng may yumuyuko sa harap ko o tinatalikuran ako 'pag kausap ko, pangalawa, hindi kayo bagay ng soon to be son ko dahil nerd ka, panget at hampaslupa. At dahil meron na si Mark na— " Sabi niya sabay irap sakin. Napataas lang ako ng kilay.



" Ma'am. " Pagpuputol ni Manang sakanya.



Kailangan pa bang sabihin, halata na nga diba. At tuluyan na siyang naglakad palayo,at ako naman,napapa-isip sa mga sinabi niya,hindi lang sa sinabi niya na nerd ako kundi dahil sa sinabi niya na meron na daw si mark na hindi ko alam.









NANG pagkalabas namin sa ' elevator ' ay laking gulat ko sa bumungad sa akin.

Her Return ( EMPIRE SERIES #1 ) - Completed ✅Where stories live. Discover now