Nerdy 8

5.5K 148 1
                                    

NERDY 8
[ EDITED ]

Kakarating lang namin galing sa school nang nakita naming nakahanda na ang mga handa. Kasama ko ngayon si Cheska dahil dito narin siya magbibihis. Siya nagpasimuno nito dapat lang na nandito siya.



" Cheska. " tawag ko kay Cheska na nasa kitchen at nagpapapak ng pagkain. Sabi niya pa mamaya na kakain kapag may bisita na.



" Ai burtdey gorl? " sabi niya, punong puno pa ang bunganga ng pagkain. Mabulunan ka sana.



" Halika nga dito, i-welcome natin yung mga bisita. " sigaw ko pabalik sakanya.



" Chaya mo na yan. " sabi niya at itinuon ang atensyon sa pag kain. Aba.



" Kapag hindi kapa pumunta dito ibubunyag ko ang secret mo. " dali- daling lumapit si Cheska sa akin habang may pagkain pa sa bunganga.



" Welcome na natin sila. " sabi niya na parang walang pagkain na kinakain. Tinuro ko ang bunganga niya pero tumawa lang siya.






" MAGANDANG hapon po. " sabi ko sa mga taong pumapasok sa gate.




Sabi ko kay Cheska na simpleng handaan lang ang gusto ko pero nagpumilit siya na imbitahin lahat ng kakilala niya, kahit hindi ko kilala para daw masaya. Siya masaya. Nagpaalam narin siya kay Mommy kaya pinapunta rin nito mga kaibigan niya na ninang ko kahit siya ay wala dito.



" Iha, happy birthday. " sabi ni Miss Gutierez sa akin at bineso ang pisngi ko. Kaibigan siya ni Mommy.



" Pagpasensyahan mo na ang regalo ko, biglaan namin kasi imbita ng Mommy mo. " dagdag pa niya at pinakita sa akin ang box na hindi ko alam ang laman pero alam kong mamahalin.




" Nako ho, nag- abala pa po kayo. Maraming salamat ho. " sabi ko habang nakangiti at tinuro ang mga bankanteng lamesa.



" Good Afternoon po. Enjoy. " masiglang pagbati ni Cheska sa mga pumapasok rin. Nakipagbeso rin siya sa mga kakilalal niya na inimbita niya.







NANG wala ng pumapasok ay pumasok narin kami ni Cheska pero bago pa ako makalayo ay may tumawag sa akin sa likod.



" Ate Maxine. " tinignan ko kung sino iyon at nakita si Naiyomi na may suot na bistidang floral at nakatali ang buhok, may bitbit din siyang regalo.



" Buti nakapunta ka, Naiyomi. Tara na sa loob, magsisimula na ata. " sabi ko at niyaya siya sa loob.



NANG nakapasok na kami ay pumunta kami sa reserbang lamesa para sa amin. Pinaupo ko nalang rin si Naiyomi sa lamesa namin kasi baka wala siyang kakilala dito.



" Ate, you look so gorgeous today. " sabi ni Naiyomi sa akin habang tinuro ang suot ko. Nakasuot lang naman ako ng Pastel color na Cocktail Dress at naka doll shoes. Pares ang suot ko at sapatos ko. Pinalitan ko rin ang salamin ko na malaki dahil binilhan ako ni Cheska ng panibago.



" Pleasant Afternoon to each and everyone of you. I will be your emcee for this night. I would also like to inform that there will be a band na magpe- perform. Feel free to request songs. Enjoy. " sabi ni Emcee at bumaba sa mini- stage.



" Hi, enjoy niyo yung food ah. " sabi ni Cheska sa mga bisita sa iba't- ibang table.



" Pst, happy birthday. " bulong ko kay Cheska na may halong sarkastiko.



Her Return ( EMPIRE SERIES #1 ) - Completed ✅Where stories live. Discover now