31.

3K 170 55
                                    

Dialing Operator Shana . . .

Call Connected.

"Uy Unnie! Bakit mo pinatay yung kanina?"

"Ah. Wala. Napindot lang."

"Uhm. . . unnie?"

"Hmmm?"

"Pwede ko na bang ituloy yung kwento ko?"

"Uh."

"Pleaseeeeeeee."

"Sige na nga."

"So ayun. . . pag-gising nung bakla, ay este, nung babae, niyakap niya nga ako. Parang ewan nga eh, yumayakap sa hindi niya naman kakilala."

"But I know you."

"Hah?! May sinabi ka po?"

"Ah wala."

"Ayy, okay."

"Okay, continue. . ."

"Tapos itinayo ko siya. Pinaupo ko siya sa upuan na nasa tabi ng table at kinausap ko siya para malaman kung totoong may malay na ba siya. She's responding to me but. . . in broken words. Siguro mga ilang oras ko din siya sinamahan hanggang sa matapos na ang ulan."

"Fudge. Ikaw nga."

"Hah?!"

"Ah, wala. Sige, tuloy mo lang."

"Alam mo po ba unnie? Ang cute po nung girl. Mas matangkad ako sa kanya pero. . . pero mas maganda. Tapos. . . uh. . . nung nag-salita na po siya nang maayos. . ."

". . ."

". . . medyo kaboses niyo po."

"Haha. Kaboses lang, 'di naman ako 'yun."

"Oo nga po. Haha. Pero alam niyo po ba? Ang gaan ng loob ko sa kanya."

"Really? Don't you consider that as gayish?"

"Hindi."

"Wow. Now that's what I call a miracle."

"Miracle?"

"Sa 'sobrang' straight mo nga diba?! You almost told me na hindi mo kayang mag-show ng affection sa same gender mo."

"Aisssh, unnie! Hindi naman affection 'yun eh!"

". . ."

"Adoration lang!"

"Hmmm. But adoration leads to affection."

"Edi hindi adoration!"

". . ."

"Infatuation!"

"Hahaha. Pinag-lololoko mo ba ako?"

"Uh?"

"Lumampas ka na nga sa adoration dahil diyan sa sinabi mo eh."

"Okay, binabawi ko na!"

"But our calls were all recorded, Tzuyu. Kaya kong i-save yung sinabi mo kanina at ulit-ulitin ko pa. Maybe, save that as my new ringtone. . . eh?"

"You're kidding."

"Mind if I tell you na yung tawa mo ay ringtone ko parin?"

"Hala. Embarrassing."

"Ako ang embarrassing sa harap ng mga ka-trabaho ko, fyi."

". . ."

"Ang rare ko lang kasing mag-palit ng ringtone."

". . ."

"Huli akong nag-palit ng ringtone? Siguro mga eleven months ago na."

"Unnie?"

"Oh?"

"Am I that special to you?"

"Mas lalo ka ngang naging special sa akin eh."

"Huh?"

"Simula nung nayakap na kita."

"Hah?! I don't understand."

"Good midnight, Tzuyu."

Call Disconnected.

"Ang ganda mo pala talaga. Bakit walang nagkakagusto sa'yo?"

Girlfriend Hotline » satzuWhere stories live. Discover now