Ch.1 P.1

11.2K 154 4
                                    

ISANG ngiti ang awtomatikong sumilay sa labi ni Atasha nang imulat niya ang kanyang mga mata.  Ibinaling niya ang mukha sa kabilang panig ng kama at dagling naglaho ang ngiti sa kanyang labi nang hindi niya masilayan ang taong inaasahan niyang nando'n lang sa tabi niya.  Tumayo siya at dinampot ang isang nakakalat na poloshirt sa carpeted na sahig.  Isinuot niya 'yon para kahit paano ay matakpan ang kanyang kahubdan.

She was immediately engulfed by his scent and just like that, muli na namang nagbalik ang ngiti sa kanyang labi.  Lumabas na siya ng kwarto at agad niyang nakita ang hinahanap.  He was standing in front of the window which was overlooking the city of Makati.  Wala itong suot na pang-itaas, she could perfectly see the firm muscles of his back.  Hindi na niya napigilang lapitan ito at ipulupot ang mga braso sa beywang nito.

"Trey, bakit gumising ka kaagad?  May ilang oras pa naman bago ka bumalik sa trabaho.  Let's go back to bed, or," sinimulan niyang igalaw ang mga kamay and started tracing circles on his stomach, "do you want to do something else?" wika niya, in a teasing tone.

Pinigil nito ang kamay niya at humarap sa kanya.  "As much as I want to sweetheart, may gusto muna akong sabihin sa 'yo."

Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito and stared at his handsome face.  Kahit siguro gaano katagal na panahon pa ang lumipas, hinding-hindi siya magsasawa na pagmasdan ang mukha nito.  A face that can immediately make her heart beat like crazy.  "Hindi ba pwedeng mamaya na lang?"

"Asha," wika nito, calling her by her nickname.  "I'm getting married."

"Ano?" aniya, hindi sigurado kung tama ba ang narinig.

"I'm getting married," ulit pa nito na para bang isang napakakaswal na bagay lang ang sinabi nito.

Bumitaw siya dito, kasabay no'n ay ang unti-unting pagrehistro sa kanya ng sinabi nito.  Ang kasiyahang nadarama niya kanina ay agad na napalitan ng matinding galit.  Ubod nang lakas niya itong itinulak.  Nagbabadya nang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Damn you, Treyton!  So ano pala 'to, farewell sex, gano'n?"

"It's only a marriage of convenience.  Pareho kaming makikinabang sa kasal, kaya pumayag na 'ko.  At isa pa, kahit siguro makasal na ko, I will still keep coming back to you."  Bumaling ito sa kanya and his lips formed a sly smile.  "You know how much I love your body."

Lalo lang nag-igting ang galit na nadarama niya dahil sa sinabi nito.  Para kasing sinabi na rin nito na ang katawan lang talaga niya ang habol nito sa kanya.  "I hate you."

Hinigit siya nito, making their bodies collide.  "Oh come on, Asha.  Alam naman natin pareho na mahal mo 'ko," ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito.  "At kahit na gustuhin mo pa, you can never get rid of that feeling."

At siniil siya nito ng halik sa mga labi.

Gusto niyang magwala, gusto niya itong itulak palayo, pero hindi niya magawa.  Sa halip ay tinugon niya ang halik nito, kissing him with every bit of anger and pain she was feeling.  Dahil kahit na ano pang gawin niya, hindi niya magawang itanggi ang mga sinabi nito.  She loved him.  No matter how much she doesn't want to, she loved him.  And she hated him more for that.  

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin