Ch.10 P.2

9.5K 195 29
                                    

"I'M SORRY that I hurt you.  It's something I must live with every day.  And all the pain I put you through, I wish that I could take it all away and be the one who catches all your tears.  That's why I need you to hear...  I found a reason for me, to change who I used to be.  A reason to start over new.  And the reason is you."

Malakas na palakpakan ang sumalubong kay Atasha nang matapos niya ang kantang 'The Reason' by Hoobastank.  Pero sa iisang tao lang nakatuon ang atensiyon niya.  Kay Niko.  Nakaupo ito sa unahan, kitang-kita niya ito mula sa kinatatayuan niya.  At kagaya niya, sa kanya lang din nakatuon ang atensiyon nito.

Kinuha niya ang mic mula sa mic stand.  Oras na para gawin niya ang tunay na dahilan kung bakit nag-guest siya sa variety show na 'yon.  At kung bakit niya inimbitahan na manood doon sina Niko.

"Hi everyone!  Dedicated nga pala ang kantang 'yon sa isang napakaespesyal na tao na nandito ngayon.  Siya na yata ang pinakamabait na tao na nakilala ko.  He accepted me even after knowing all my flaws and imperfections.  And for that I will always be grateful.  You showed me what it means to love someone completely.  Ang mahalin ang isang tao ng buong-buo nang walang hinihinging kapalit.  That's what you did.  Loving me so selflessly na wala ka nang pakialam kahit na nasasaktan ka na."

Naglakad siya patungo sa kinauupuan ni Niko, who was currently staring in awe at her.  Aware din siya na lahat ng pares ng mga mata do'n sa studio, pati na rin lahat ng camera ay nakatuon sa bawat galaw niya. 

"But I don't want to hurt you anymore.  Heck, I'm wishing na hindi na nga dumating yung pagkakataon na muli kitang masasaktan.  Pero sa ngayon, isang bagay lang ang gusto kong malaman mo.  Isang bagay na dapat ay noon ko pa sinabi sa 'yo, but I was just too stupid to realize my own feelings.  To realize that I was falling for you."  Hinawakan niya ang kamay ni Niko at hinila ito patayo.  Nang makatayo na ito ay tiningnan niya ito sa mga mata at nagwika, "I love you, Nikolo Montreal."

A wave of different emotions crossed his face, from shock, to wonderment, and finally to something like happiness, bago tuluyang mamula ang mukha nito.  Hindi naman niya mapigilang mapatawa.  Ang mga manonood naman na nakasaksi sa pangyayari ay walang tigil sa paghiyaw.

Inilapit niya ang mic sa bibig para marinig pa rin ang boses niya sa kabila ng hiyawan.  "I might not have loved you the moment we met, I might not have even loved you the days after that, but believe me now when I say that I love you.  We might not have that heart-stopping kind of love that everyone wants, maaari ngang sabihin ng iba na napaka-boring ng love story natin.  Pero wala akong pakialam.  Ikaw na ang buhay ko ngayon, Niko.  And I will spend everyday of my life proving to you that I deserve your love."

Ngumiti naman ito, waring hindi na alintana ang mga taong nanonood sa kanila.  "You don't have to proove anything.  Sapat na sa 'kin yung sinabi mong mahal mo ako.  I love you, Atasha."  Ikinulong siya nito sa mga bisig nito.  Mas lalo pa tuloy naghiyawan ang mga tao.  "You do know that this is being telecast nationwide, right?" bulong nito sa kanya.

"Yup.  Kaya nga dito ko ginawa ang grand confession ko.  Baka kasi hindi ka maniwala kaagad kapag sinabi kong mahal kita.  At least here, in front of all these people, wala kang choice kundi tanggapin ang nararamdaman ko," ganting bulong niya.

Napatawa naman ito.  "Believe me, when you say you love me, I don't have any other choice but to believe you.  Sa mga katagang 'yon lang naman nakasalalay ang kaligayahan ko."

"Kiss!  Kiss!  Kiss!" malakas na sigaw ng audience.

Tumingala siya kay Niko.  "Narinig mo 'yon?  Kiss daw."

"Then I'll gladly oblige."  Binagtas nito ang pagitan nila at sinakop ang kanyang labi.

At kapwa na lang sila nagkatawanan nang bigla na lang silang sugudin ng yakap ni Trishia.

WAKAS

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I Liedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن