Ch.9 P.1

5.7K 117 2
                                    

ATASHA woke up on the smell of fried bacon and eggs.  Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at ang unang tumambad sa kanya ay ang kisame ng kanyang kwarto.  She sat up at agad niyang naramdaman ang kawalan niya ng saplot.  As if on cue, unti-unting nagbalik sa kanya ang mga pangyayari nang nagdaang gabi.  Ang hindi sinasadyang pagkakasalubong nila kay Trey at Nadine, ang biglaang paglitaw nina Miya at Andres, at ang pagsisiwalat ni Miya tungkol sa naging relasyon nila ni Trey.

Pagkaalis niya sa restaurant ay sinundan siya ni Niko pabalik dito sa penthouse niya.  And then they made love.  Not only once, but over and over again.  Na para bang wala ng bukas.  Na para bang ang gabing 'yon na lang ang huling gabi na magsasama sila.  Napapikit siya.  She could still feel every touch, every caress of Niko's hands on her body.  As if they were still on the act of making love.  And she can't help but shiver due to the memory of it.

It was a bittersweet experience.  'Yon bang tipong ayaw mo na siyang matapos but at the same time, you just wanted it to be over with, to stop the torture and just reach your climax.  Pero kapag narating mo na ang kasukdulan, gugustuhin mo siyang ulit-ulitin pa.  And that's exactly what happened.  The both of them were insatiable, like two cats in heat.  Who would have thought that the blushing man she knew would possess such passion?  A passion that could rival her own.

At pagkatapos ng lahat nang nangyari, isang bagay ang naging maliwanag sa kanya.  Pero hindi pa siya handang aminin 'yon, not to herself and especially not to Niko.  Kailangan muna niyang makasigurado.  And for that to happen, she needed to talk to Trey.  

Bumangon na siya at kumuha ng oversized t-shirt mula sa closet niya.  Isinuot niya 'yon at lumabas na ng kwarto.  Pagkalabas niya ay agad niyang nakita si Niko.  Nakasuot ito ng apron at mukhang katatapos lang magluto.  Ipinapatong na kasi nito sa lamesa ang mga pagkaing niluto nito.  Nang makita siya nito ay awtomatiko ang pamumula ng mga pisngi nito.  Then he smiled at her and she felt like everything became right in her world again.

"Good morning," bati nito sa kanya.  "Mabuti gising ka na, handa na ang umagahan."

Lumapit siya sa may lamesa, fried bacon and eggs at fried rice ang nakahain doon.  Napangiti siya.  "You would make a very wonderful husband."

"I should hope so."  Pinaghila siya nito ng upuan, where she immediately sat.  Ito naman ay naupo sa upuan na katapat ng sa kanya.  Nilagyan nito ng sinangag ang plato niya.  "Kain ka na."

Kapwa lang sila tahimik habang kumakain.  Napakadami niyang gustong sabihin sa binata.  Mga bagay na gusto niyang ipaintindi dito.  Kahit pa nga tiyak niyang tatanggapin nito ang kahit na anong paliwanag na ibigay niya.  Because that's just how kind and understanding he is.  But she still, at least, wanted to explain herself.  Ang problema lang ay hindi niya alam kung paano magsisimula.

"I want to tell you a story, okay lang ba na makinig ka?" wika niya pagkatapos nilang kumain.  Kalalagay lang nila ng mga pinagkainan nila sa lababo at kasalukuyan na silang nakaupo sa may living room.

"Oo naman."

She might not know how to begin but she knew exactly where to start.  At 'yon ay kung paano niya nakilala si Treyton.  "Nabanggit ko na sa 'yo na matagal nang hiwalay ang mga magulang ko, 'di ba?"  Isang simpleng tango ang naging sagot nito.  "I was barely seventeen when they separated.  Hindi nakapag-cope up ng maayos ang nanay ko sa pakikipaghiwalay ng tatay ko and she became an alcoholic."

At sinimulan na niyang sabihin dito ang tungkol sa pakikipagbarkada niya sa mga maling tao, ang gabi-gabi niyang pag-inom at pag-party, even her slight addiction to drugs.  Sinabi niya dito ang lahat, wala siyang ni isang detalyeng iniwan.

"I was a wreck back then, yung matuturing mong basura ng lipunan.  Walang patutunguhan, walang hinaharap." 

Ginagap ni Niko ang palad niya.  "You made bad decisions, Atasha, but that doesn't make you a thrash.  Nagkataon lang na nung mga panahon na 'yon, walang tao sa buhay mo ang gumabay sa 'yo.  But the important thing is, nalampasan mo ang lahat ng 'yon.  Look at where you are now, isa ka nang matagumpay na singer na hinahangaan ng lahat."

Nilingon niya ang binata, wala man lang kahit katiting na bahid ng panghuhusga sa mga mata nito.  It was enough to make her want to cry.  Napakabait talaga nito.  Parang bigla tuloy nabawasan ang kagustuhan niya na sabihin dito ang lahat-lahat.  Natatakot siya na baka masaktan niya ito sa mga sasabihin niya.  Hindi, siguradong masasaktan niya ito.  Pero kung hindi pa niya sasabihin dito lahat ngayon, kailan pa?

"Nandito lang ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil nakilala ko si Trey, he was the one who fix me.  Binigyan niya ako ng pagkakataon na muling mangarap.  Inayos niya ang patapon kong buhay.  Siguro 'yon ang rason kung bakit minahal ko siya," nagbaba siya ng tingin, hindi magawang tingnan si Niko.  "That day when we first met, umiiyak ako no'n dahil sa engagement ni Trey kay Nadine.  Then I met you and I just thought that maybe this guy could save me from all the pain I was feeling."  Tuluyan na siyang nang nalaglag ang mga luha sa kanyang mga mata.  "I-I'm so sorry, Niko.  It's like I u-used you, I took advantage of your kindness.  Mapatawad mo sana ako.  N-niloko lang kita.  I don't even have the right to be with you."  

Lumuhod si Niko sa harapan niya.  He cupped her face at pilit nitong inangat ang mukha niya para magtama ang mga mata nila.  Maski pagkatapos ng lahat ng sinabi niya, puno pa rin ng pang-unawa ang kulay tsokolate nitong mga mata.  And that made her cry even more.

"Don't cry sweetheart."  Pinunasan nito ang mga luha sa kanyang pisngi.  "You did not use me, hindi panggagamit ang tawag do'n if I enjoyed every minute, every second that we're together.  Wala na yatang mas sasaya pa sa mga sandaling kasama kita.  At kung sinasabi mo na niloko mo lang ako, then sagutin mo ako, pawang kasinungalingan lang ba ang lahat ng nangyari sa pagitan nating dalawa?  Does everything you showed me just an act?"  Sunud-sunod na pag-iling ang tugon niya dito. 

"Kung meron mang dapat sisihin sa sitwasyong ito, ako 'yon.  From the start, I knew that you love someone else.  Pero hindi nagawang pigilan ng katotohanang 'yon ang nararamdaman ko para sa 'yo.  I still pursued you, not thinking of the consequences.  I don't even care if I'm just a rebound," pagpapatuloy nito.  "Because you made me believe in love at first sight."  Ipinatong nito ang noo sa noo niya.  "I love you, Atasha."

Pakiramdam niya ay parang sasabog na ang puso niya dahil sa huling sinabi nito.  It was only three words and yet nothing could bring more joy to her.  Sapat na ang mga salitang 'yon para muli na namang umagos ang mga luha niya.  Gustung-gusto niyang ibalik dito ang mga katagang 'yon.  But it would be unfair to him.  Nakapagdesisyon na siya na kung ibibigay niya ang puso niya kay Niko, dapat lang na ibigay niya ito ng buong-buo.  Pero alam niyang hindi niya magagawa 'yon hangga't hindi niya nakakausap si Treyton.

"How can you still say you love me after hearing all the things I said?  You deserve so much more, so much more than I can give you."

"You cannot be the person you are now if not for the person you were before.  And I love the woman you have become.  Hindi ako interesado sa kung anumang maibibigay mo sa 'kin, being with you is enough for me."

Humilig siya sa palad nito na nakapatong sa pisngi niya.  "I don't deserve you."

Marahan itong umiling.  "Ako lang ang makakapagsabi n'an.  And for me, I completely deserve you.  So that balances things."

Hindi na niya napigilan na yakapin ito.  "I wanted to say those three special words to you, Niko.  But I can't, not right now.  Kailangan ko munang harapin ang lahat ng bagay na dapat kong harapin bago ko magawa 'yon.  I know it's too much to ask this, but would you wait for me?"

He planted a soft kiss on the top of her head.  "Yes, I will.  Kahit gaano pa katagal."

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dto.  She truly doesn't deserve him.  Kaya naman gagawin niya ang lahat para lang maging karapat-dapat dito.  Even if it's the last thing she has to do.      

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedDär berättelser lever. Upptäck nu