Ch.6 P.1

5.3K 123 2
                                    

HINDI mapuknat ang pagkakangiti ni Atasha.  Nasa bayan sila at tumitingin-tingin sa mga tiyangge.  It was the town fiesta kaya napakadaming mga nagkalat na maliliit na stall.  Kasa-kasama niya sa paglilibot sina Niko at Trishia.  Ito ang kauna-unahang beses na nakapunta siya sa isang piyestang bayan.  Kinailangan niyang magsuot ng saklob, transparent glasses, maluwang na t-shirt at jeans para lang hindi siya makilala ng mga tao.  Hindi lang sila makakapag-enjoy sa paglilibot kung pagkakaguluhan lang siya ng mga tao do'n.

Iyon na ang huling dalawang araw niya sa bayan ng San Lorenzo and she planned to make the best out of it.  Naging napakasaya ng mga nagdaang linggo para sa kanya.  Everyday was like a gift.  Hindi niya akalain na magiging ganito siya kasaya sa pagtigil niya dito but Niko and Trishia made it possible.  Walang lumilipas na araw na hindi siya tumatawa dahil sa kakulitan ni Trishia.  Busog na busog din ang puso niya dahil sa pag-aasikaso sa kanya ni Niko.  For the first time in so many years she felt like she belonged in a family. 

Matagal naman na silang ayos ng ina simula nung magdesisyon itong magpa-rehab.  But their relationship had never been the same as before.  Lagi ay nando'n ang awkwardness at tension.  They have been estranged for so many years kaya hindi na nakakapagtaka pa 'yon.  Pero sinusubukan naman nilang pareho na maging ayos ang lahat.  Sa tuwing may pagkakataon siya ay dinadalaw niya ito sa Cebu, ang probinsiya ng pamilya ng ina.  After being sober for a year ay nagdesisyon itong doon na manirahan.  Hindi na niya ito pinigilan dahil sa tingin niya ay makakabuti rin dito ang manirahan sa isang payapang lugar.

Kaya ngayon ay hindi niya mapigilang malungkot sa isiping aalis na siya sa makalawa.  Kung siya lang ang masusunod ay mas papahabain pa niya ang bakasyon.  But she's not that free, meron siyang trabaho na kailangang balikan, mga kanta na dapat kantahin at isulat.  Pagbalik niya sa trabaho ay tiyak na mapupuno na naman ang schedule niya.  Baka matagalan pa bago niya muling makasama ng ganito ang mag-tiyo.  At 'yon ang mas labis niyang ikinalulungkot.

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang hawakan ni Trishia ang kamay niya.  Hinawakan din nito ang kamay ni Niko at sabay sila nitong hinigit patungo sa isang grupo ng nagkukumpulang mga tao.  Tatanungin na sana niya ang bata kung bakit sila nito dinala doon nang makita niya ang isang mahabang kawayan na nasa gitna at pinapalibutan ng mga tao.  Merong isang lalaki na sinusubukang umakyat sa kawayan and the crowd was cheering for him.  Napatanga siya.  Hindi niya akalain na uso pa pala ang Palo Sebo sa mga piyestahang ganito.

Nasa gitna na ng kawayan ang lalaking umaakyat nang dumulas ito pababa.  Sinubukan pa ulit nitong umakyat pero nagtuluy-tuloy na ito pababa hanggang sa tuluyan nang lumapat ang mga paa nito sa lupa.  Kahit gano'n ay pinalakpakan pa rin ito ng mga tao.  Pumagitna ang isang matandang lalaki na waring nagsisilbing emcee ng palaro.

"Mga kaibigan!  Sino pang nais sumubok na umakyat sa ating Palo Sebo?" tanong nito sa mga taong nando'n.

Nagulat naman siya nang bigla na lang nagtaas ng kamay si Trishia.  "Manong!  Manong!" tawag nito sa matanda.

Bumaling naman ito sa bata at aliw na ngumiti dito.  "Masyado ka naman yatang maliit para sumubok na umakyat."

"Hindi po ako," sagot ni Trishia sabay tulak kay Niko pauna.  "Ang Tito ko po."

Napangiwi naman si Niko.  "Trishia--"

"Sige na, Tito.  Minsan lang naman 'to eh.  Pagkakataon mo na para magpasikat kay Ate Asha."

Tumingin sa kanya si Niko.  "Hindi mo ba ako tutulungan?"

"Kaya mo na 'yan," natatawang wika niya.

Napabuntung-hininga ito at wala nang nagawang lumapit sa mahabang kawayan.

"Mga kaibigan!  Meron po tayong bagong challenger!  Magagawa kaya niyang abutin ang tuktok?" malakas na sigaw ng matanda.

Naghiyawan naman ang mga tao bilang tugon.  Nag-inat sandali si Niko bago tinanggal ang suot na sapatos.  Kumapit ito sa kawayan at sinimulan nang akyatin 'yon.

"Go Tito!"

"Go Niko!"

Magkasabay na sigaw nila ni Trishia.

Nasa kalagitnaan na si Niko nang magsimula itong dumulas pababa.  Sinubukan nitong labanan ang pagdulas pero hindi talaga ito makalampas-lampas sa gitna ng kawayan. 

"Tito, kapag narating mo yung tuktok, hahalikan ka raw ni Ate Asha!" malakas na sigaw ni Trishia.

Napataas naman ang kilay na tiningnan niya ang bata.  "And when did I say that?"

Nagkibit-balikat lamang ito.  "He needed motivation."

At mukhang epektibo naman ang naisip na motivation ni Trishia.  Waring nagsilbi 'yong booster sa binata.  Huminto na ito sa pagdulas at sa wakas ay nakalampas na rin sa gitna.  Bumilis ang pag-akyat nito hanggang sa magdire-diretso na ito paakyat sa tuktok.  At nang makuha nito ang flag na nakatusok sa tuktok ng kawayan, nakakabinging hiyawan at palakpakan ang pumailanlang sa paligid.  Nagpadausdos na si Niko pababa na agad namang nilapitan ng matanda.

"Palakpakan po natin ang magiting na binatang ire!" sigaw nito na itinaas pa ang isang kamay ni Niko.
Ibinigay ng matanda ang isang basket ng sariwang mga prutas sa binata bilang premyo nito.  Matapos batiin ng mga taong nando'n ay lumapit na ito sa kanila.

"Tito, ang galing-galing mo," salubong dito ni Trishia.  "Hindi ko talaga ini-expect na mararating mo yung tuktok.  You must really want to be kissed by Ate Asha."

"Trishia," pinasakan nito ng isang buong mansanas ang bibig ng pamangkin, "don't talk anymore."

"I think it would be really unfair of me kung hindi kita hahalikan kahit sa pisngi man lang," pagbibiro niya.  "After all, you did a good job climbing that bamboo pole."

Bumaling sa kanya si Niko, bago pa ito makapagsalita ay itinulak na ito ni Trishia palapit sa kanya.

"Ito namang si Tito Niko, pakipot pa.  Magpahalik ka na kay Ate Asha," wika ng bata habang patuloy sa pagnguya ng mansanas.

Niko let out an exasperated sigh.  "Should I just let you kiss me?" halata namang nagbibiro lang na tanong nito.

Bigla naman siyang napatawa.  Kapag ganitong tinutubuan ito bigla ng sense of humor ay sobra-sobrang pagkaaliw ang nadarama niya.  "Yes, I think you should."

Tumingkayad siya para sana halikan ito sa pisngi pero bigla naman itong bumaling sa kanya.  Kaya sa halip na sa pisngi nito mag-landing ang labi niya, lumapat 'yon sa labi nito.  Kapwa sila nagkagulatan sa nangyari.  Dali-dali siyang lumayo dito.  It felt like all the cells in her body suddenly went into havoc.  Hindi siya dapat mag-react ng ganito.  Their lips merely grazed each other, for Pete's sake!  It's not as if he kissed her thoroughly.  Pero kung makapag-react naman ang puso niya ay daig pa niya ang paulit-ulit na hinalikan.

Sinulyapan niya si Niko.  He was no better than her.  Mukha itong na-estatwa at itinulos sa kinatatayuan.  He was also blushing furiously.  Noon niya naramdaman ang unti-unting pag-iinit ng pisngi niya.  Hanggang sa tuluyan na nga siyang mamula.  Hindi siya makapaniwala na pati siya ay namumula na rin.  She was not really the blushing type, kahit na anong klase pang sitwasyon ang kausungan niya ay hindi siya basta-basta namumula.  Then why was she blushing like a freaking virgin right now?

"Wow, amazing.  Kung mamula kayong dalawa parang 'yon ang first kiss niyo ah," komento ni Trishia na nasaksihan ang buong pangyayari.

Nagkatinginan sila ni Niko.  Tama nga naman si Trishia, they were acting like a pair of teenagers.  Mukhang na-realize din 'yon ng binata because he just started laughing.  Maski siya ay hindi na rin napigilang mapatawa.

"Next time, sabihin mo sa 'kin kung lilingon ka para naman makapag-prepare ako," pagbibiro niya.

"I don't know, I kind of like surprises," makahulugang wika nito bago siya nginitian.

Napangiti na rin siya.  Yes, she kind of liked surprises too.

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedWhere stories live. Discover now