Chapter 2

70 8 0
                                    

3 years ago..

It was already 5:00 am when my alarm clock rang. First day of class ngayon. Worse. Transferee ako. Worse. I sighed.

New friends? I don't need them tho. why? kasi kaya ko ang sarili ko. And the fact that they would just come and go.

I got my towel and headed straight to my bathroom. I stared at myself in the mirror. Dark circles under my eyes, Messy hair, round dark eyes.

"Hindi ka maganda!"

"You're so ugly! I hate you!"

"Nerd! Nerd! Nerd!"

"Hindi ka bagay sa school na 'to!"

"Ginagamit ko lang siya pare! HAHAHAHA!"

I remembered it again. Those hateful words coming from their evil mouths. I shrugged the thought. Magbabago rin ang lahat. This would be a new life.

After I took my shower I wore my new uniform. Black skirt na hanggang tuhod, polo na long sleeves, isang blue necktie na may seal at long white socks.

Inihanda ko na ang aking gamit at pumunta na sa kitchen kung saan nagluluto ang aking nanay. Naamoy ko ang aroma ng adobo na paborito ko.

"Oh honey, ang aga mo yata." medyo gulat na sabi ni mama.

"Masama po ba?" I asked politely.

"Nakakapanibago lang." She answered with a smile.

Sinimulan ko nang kumain. Masarap talagang magluto si mama. Habang kumakain ako, hindi ko mapigilan na imaginin kung ang mangyayari sa akin sa bago kong school. Ano kayang first impression sa akin ng mga bagong kaklase ko? Mababait kaya sila? May lalapit kaya sa akin? May----..

"Ang lalim yata ng iniisip mo." Mom said.

"No..um.. I was just wondering." Pa utal kong sabi.

My mom sighed.

"Hon, I know you're strong enough to be independent. Be strong. Kung may masama man silang sasabihin sayo hayaan mo na lang. Kasi pag dinamdam mo, masasaktan ka lang." advice niya sa akin.

I just smiled at her. Gumanda tuloy ang umaga ko dahil sa advice niya.

It was already 7:00 nang dumating ako sa school. Nakaka amaze ang school na 'to. 2x bigger sa school na pinapasukan ko noon.

"Oy miss, nakaharang ka sa daan!" singhal ng babaeng dumaan. Aba't tiningnan pa ako ng masama. Tanggalin ko 'yang mata mo eh. Pfft.

Naglakad na ako dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Buti na lang at alam ko kung saang section ako mapupunta. Ang swerte ko dahil ang unang building na nakita ko ay ang building A.

Binagtas ko na ang daan at buti naman nakita ko na ang 1-A. Sumilip muna ako sa bintana, malay mo may surprise sila sa 'kin. Pfft.

Pinihit ko ang door knob at bumungad sa akin ang mga maiingay at magugulong estudyante. Sigaw dito. Sigaw doon. Tumigil sila nang napansin nila ako.

"Um. Hi?" sabi ko.

Ang awkward naman nito. Bumalik sila sa dati nilang estado. Hmm~ kailan kaya sila titigil?

Inilapag ko ang aking bag sa upuan na nasa likod. Mas maganda na sigurong dito na ako maupo.

Dumating na ang adviser namin at pinakilala ako sa mga kaklase ko.

"Good morning class! As you can see, there's a young lady sitting at the back at hindi familiar sa inyo." She said.

She gestured me to join her infront. I stood up and went forward. Magpapakilala na ako.

"Good morning po. I'm Jasmine Faith Navarro." I bowed then i looked at them awkwardly.

"Bumalik ka na sa upuan mo iha." the teacher whispered.

I nodded. Nag simula na ang klase pero ipinagtataka ko ay may bakante pang upuan sa left side ko. Dalawa lang kasi ang upuan dito sa likod. And I prefer to sit beside the window.

Malapit nang matapos ang unang klase nang may dumating na lalake. Hingal na hingal pa siya na ani mo'y galing sa karera.

"Di ka talaga nagbabago Jake! Late ka pa rin!" Hiyaw ng lalaki kong kaklase.

Sinundan pa ng tawanan ng buong klase. Habang ako naman ay matamang tinitingnan lang sila.

Dumeretso naman 'yong Jake sa upuan sa left side ko. He sat there and he looked at me intensely. Para bang kinikilatis ang buong pagkatao ko.

"What?" i said with a cold low tone voice.

He smiled tapos sumeryeso agad ang mukha tapos ngumiti na naman siya tapos sumeryeso na naman.

"Baliw yata 'to." sabi ko sa sarili ko.

Nang umalis na ang teacher namin ay nagulat ako sa inasta ng Jake na 'to. He laughed hysterically na ani mo'y wala nang bukas.

I looked at him na parang sinasabing 'may dumi ba ako sa mukha?'. Ngunit tumatawa pa rin siya. 

I rolled my eyes at hindi na lang siya pinansin. But then, papansin talaga 'tong Jake. Kinalabit niya ako na ikinainis ko.

"Ano ba?" inis na sabi ko sa kaniya.

"Ang sungit mo naman. Gusto ko lang namang magpakilala." sabi niya sabay kati sa batok.

"I'm Jake Miguel De Leon." he said with a genuine smile.

"I supposed bago ka dito kasi never pa kitang nakita." ani niya.

Hindi ko na siya pinansin dahil dumating na ang susunod na guro namin.

--
Lunch break na kaya nag-tour muna ako sa campus. I'd like to check their library, baka kasi may magagandang books sila not like sa dati kong school na luma na ang mga libro.

I found their library and sobrang tahimik, you'll observe how discipline the students are. Kasi sa school ko noon ginagawang tambayan 'yong library. Pfft.

I got a book and I started reading it. I was about to turn the next page nang nakarining ako ng kaluskos. I think galing 'yon sa likod ng bundok ng mga libro na nasa harapan ko.

Akmang tatayo na ako upang I-check kung anong meron doon nang tumunog na ang bell. Senyales na magsisimula na ang unang klase sa hapon.

I packed my things at binalik ang libro. I ran as fast as I could kasi medyo malayo-layo ang building namin from here.

When I got into the room ay wala pa ang aming guro.

"Hayst. Buti na lang." I swiped off the sweat on my forehead using the back of my hand.

--

Time went so fast at nakarating na ako sa bahay. My first day isn't bad at all. Even though wala ni isang tao ang kinausap ako, well except for that 'crazy guy'. I don't know if he likes to talk to me or he just wanted to annoy me.

After I ate dinner with mom, I went upstairs and brushed my teeth. Matapos kong gawin ang kailangan kong gawin, I flopped myself in the bed. Bumigat na ang talukap ng aking mata and I got into a deep sleep.

~
A/N
Okeh ba? First time kong mag write ng story sa wattpad kaya alams na. Hahahaha. Sorry sa wrong grammars and such. Hindi ako amateur sa pagsusulat. I just tried. Chariot. Kamsarang 💕

CIPHERWhere stories live. Discover now