Chapter 8

37 6 1
                                    

I sat down at the nearest bench trying to refresh myself from all the negativities. Lumabas muna ako para magpahangin. Hindi mahagip ng aking mata sina Raven at Khash, busy ang dalawang 'yon dahil part sila ng SSG sa school namin. Magkakaroon kasi ng Leadership Camp kaya abala ang dalawa para sa paghahanda.

Hindi ko naman pwedeng gisingin si Jake, sa tingin ko'y puyat talaga siya kay mainam nang wag ko muna siyang guluhin.

Patingin tingin lang ako sa mga taong dumadaan habang inililipad ng hangin ang aking buhok. Ipinikit ko ang aking mata at dinadamdam ko ang sariwang hangin na dumadapo sa aking balat.

Ako lang ang magisang naka upo rito kaya wala masiyadong distorbo.

Muntik na akong maidlip nang biglang may humawak sa aking balikat.

"Wag kang matulog dito. Hindi 'to ang kwarto mo." garalgal ang kaniyang boses. Boses lalaki.

Tiningnan ko siya ngunit ngunit nasisilawan ako. I rubbed my eyes to adjust my vision. Ah! Siya 'yong lalaking nakabangga ko sa hallway!

"Anong kailangan mo?" malditang sabi ko sa kaniya. I crossed my arms.

"Wala." tipid niyang sabi.

Imbes na sumagot ay inirapan ko na lang siya. Tumingin na lang ako sa ibang direksiyon. Tinanggal ko ang earphones sa aking tenga at iniligay ito sa bulsa ng aking palda.

Tiningnan ko ang aking relo, 5 minuto na lang at magsisimula na ang sunod na klase. Oh no! Kailangan ko pang tumakbo ngayon dahil medyo malayo layo ang room namin.

Agad akong tumayo at kumaripas ng takbo. Dinig kong tinawag ako ng lalaki ngunit hindi ko siya nilingon. Wala na akong oras para makipag usap!

Dumating ako na hingal na hingal. Dumeretso ako sa aking upuan at agad na uminom ng tubig.

"Oh? Anyare sayo?" tanong agad sa akin ni Jake na wari mo'y nagtataka kung bakit ganoon ang itsura ko.

"Mind your own business." hingal ko pang sabi. Pupunasan ko sana ang butil ng pawis sa aking mukha ngunit hindi mahagip ng aking kamay ang aking panyo. I groaned. I guess i dropped it somewhere.

I swiped off the sweat on my forehead using the back of my hand. Lahat ay natahimik nang dumating na ang aming guro.

---

I placed my things inside my bag. I stretched my arms until my bones pop. Nakakapagod ang araw na 'to!

Pasalampak akong umupo at matamang tiningnan ang aking mga kaklaseng lumalabas sa aming silid hanggang sa ako na lang at si Kisha ang natira. Hindi kami magkasama ni Jake sa kadahilanang ayaw ko siyang makasama.

Inaayos niya ang mga upuan at tinatanggal ang mga kalat. Inayos niya ang mga papel sa kaniyang desk.

Akmang tatayo na siya ng biglang lumipad ang mga papel. Nakita ko ang bahid ng inis sa kaniyang mukha. She bend to reach the papers on the floor at isa isang pinulot ang mga papel na nakakalat.

Nakakaawa siyang tingnan kaya lumapit ako sa direksiyon niya at tinulungan siyang pulutin ang mga papel. Mga hindi ko maintindihan na mga sulat, test at quiz namin ang nilalaman ng mga papel. Talaga ngang weirdo ang babaeng ito.

Babasahin ko pa sana ang papel sa itaas nang bigla niya itong hablutin sa akin.

Nakataas pa ang kaniyang kilay. Weirdo na, maldita pa!

"Walang utang na loob!" Sabi ko sa isip ko. Tatalikod na sana ako nang biglang pumasok sa aking isip na kasali pala si Kisha sa listahan ng iinterviewhin ko.

CIPHERWhere stories live. Discover now