Chapter 7

29 5 0
                                    

Pinagpag ko muna ang aking palda at inayos ang sarili. I went straight to Alver's direction. Kinakabahan man ngunit pilit kong hindi iyon ipakita lalo pa't maaaring makausap ko nang harap harapan ang salarin.

I cleared my throat hoping that Alver would notice me. Fortunately, he did. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin.

"Can we talk... for a while?" tanong ko sa kaniya. Itinabi niya ang kaniyang gitara at humarap muli sa akin.

"Sige." matipid niyang sagot.

Umupo ako sa tabi niya at ibinukas ko ang aking maliit na notebook dahil isinulat ko roon ang aking mga tanong.

"Maaga ka bang dumadating?" una kong tanong sa kaniya. Alam kong lame ang tanong na 'yon ngunit kailangan kong maging sigurado.

"Oo." Napakatamad niya namang magsalita. I mentally rolled my eyes. Isinulat ko ang kaniyang sagot sa aking notebook.

"Ano naman ang rason at maaga kang dumating?" sinulyapan ko siyang muli. Bahagyang namula ang kaniyang mukha at parang nagdadalawang isip pa siyang sagutin ang aking tanong.

"Amm ano kasi... May ka-meet kasi ako ..." he said while scratching his nape.

"Ng ganoon ka aga?" tanong ko sa kaniya.

"Ah oo. Ganoong oras lang kami maaaring mag usap." nakayuko niyang sagot. Smells fishy.

"Sino ba 'yong ka-meet mo?" agad kong tanong. Paano ba 'yan, curious ako eh.

"Si... amm... si Caela." naka yuko niyang sabi. Kaya pala panay ang tingin niya kay Caela.

"One last question, may napansin ka bang kakaiba noong mga nagdaang araw?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako dumeretso agad dito kaya wala naman akong napansing kakaiba." kibit-balikat niyang sabi.

"Sige. Salamat." sabi ko at tuluyan nang umalis.

1 down, 4 to go. What if si Caela na ang isunod ko para mapatunayan ang sinabi ni Alver kanina? Hm.. Sounds good.

I scanned the whole room and saw Caela laughing and giggling with her friends. I went straight to their direction.

"Hey, Caela? Pwede ba kitang maka usap?" pambungad na tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kung wala lang talaga akong kailangan sa kaniya siguro natusok ko na ang mata nito.

"What do you want?" maarte niyang tanong. Totoo ngang maarte talaga ang babaeng ito. Ang sarap niyang upakan.

"May itatanong lang sana ako sa'yo." mahinahon kong sagot sa kaniya.

"At para saan?" takang tanong niya sa akin. Ang dami niyang tanong urgh!

I held her wrist and dragged her through the corridor. She glared at me.

"What are you doing?" she asked as we reached an empty spot.

"You forced me to do this." i said while crossing my arms. "I just wanna ask some questions." dagdag ko na nagpakunot ng kaniyang noo.

"Tungkol saan nga kasi?" tanong niya na may bahid ng pagka inis.

"Maaga kang dumadating, right?" tanong ko sa kaniya.

She simply nodded.

"And you're with Alver?" tanong ko na labis niyang ikinagulat.

"Teka!? Paano mo nalamang magkasama kami ni Alver?!" takang tanong niya na may bahid ng pagkagulat. Nakakatawa ang itsura niya para siyang nabuhusan ng malamig na tubig.

Kung totoo nga na magkasama ang dalawa kaninang umaga ay hindi nagsisinungaling si Alver sa kaniyang salaysay.

"One last question Caela, may napansin ka bang kakaiba sa ating silid noong nagdaang araw?" huling tanong ko.

"Matagal tagal kapag bumabalik ako sa room dahil ayaw kong makita ng mga kaklase natin na magkasama kaming dalawa ni Alver kaya wala akong napansing kakaiba bukod sa madami na ang nagsi datingan." she said. I nodded as a response.

I thanked at her and bid goodbye. Wala na akong paki sa isasagot niya kaya umalis na agad ako.

Tatlong tao na lang ang kailangan kong kausapin. Kailangan kong mag madali at maging mapagmatiyag sa kakaibang kinikilos ng aking mga kaklase.

Hindi man ako kasing talino ni Conan (detective conan) ngunit gagawin ko pa rin ang aking makakaya.

I got my phone from the pocket of my skirt and plugged my earphones. I went to 'iKon playlist' and played Just Go.

Tatlo na lang at matatapos ko na ang aking interview. Nakakapagod man ngunit gagawin ko pa rin sa ngalan ng hustisya. It may sound exaggerated but justice must be served in any cases, maliit man o malaki.

Ever since I was a kid, I always think about justice. Justice to my fathers death. Up to now, wala pa ring clue kung sino talaga ang pumatay kay dad. I was so innocent by that time. Who only thinks that her family would stay happy forever. But reality, came in and crashed my dreams.

That night, I forced him to go home since I want to tell him that I was the top 1 of our class. Ayaw kong sabihin sa kaniya through phone. Napakaarte ko. Kung sana ay nag stay na lang muna siya sa office niya at di na muna umalis pa ay sana hindi iyon ang mangyayari sa kaniya.

Ayon sa report ng mga pulis, hinold up raw si Dad. Nanlaban pa raw ito kaya nabaril sa ulo. After that incident, I blamed it all to myself. Nawalan ako ng gana sa buhay. Got bullied and everything. Buti na lang Mom was there to guide me. To love me and to fight with me. She was the one who stood beside me noong mga panahong hopeless na talaga ako.

And here I am now, recovering little by litte. Try'na protect the people that sorrounds me at any cost.

Maliit na case man ngunit hayok na hayok akong malaman kung sino ang tunay na may pakana nito.

Lumabas muna ako ng room dahil gusto kong magpahangin.

CIPHERWhere stories live. Discover now