Chapter 6

26 6 0
                                    

Nakatingin lang ako sa baba para hindi ako matawag ng guro namin. Nakalimutan kong may recitation kami ngayon. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ako nag aral kagabi! Pwede naman kaming mag plano sa school eh! Sinayang ko lang ang oras ko!

Ayaw na ayaw kong hindi ako makasagot sa mga tanong, lalo pa't para sa akin ay nakakahiya 'yon.

Since sa likod ako naka upo, I tried opening my notes. Confident akong hindi ako makikita ng aming guro.

"Pssst!"

Who the heck was that?

"Hoooy!" mahina ngunit pasigaw na sabi ng asungot sa tabi ko. "Tulongan tayo uh."

"Tulong mo mukha mo." sabi ko sabay labas ng dila ko.

Pahirap nang pahirap ang mga tanong na ibinabato ng guro namin. Kitang kita ang mga naka ngiwi na mukha ng aking mga kaklase. Paniguradong failing grades ang ibibigay niya!

"Ms. Navarro." kinabahan ako nang bongga ng ako na ang tinawag ng aming guro.

Namumuo na ang butil ng pawis sa aking mukha. Dinig ko ang bawat matinding pintig ng aking puso.

"What is th---" hindi na natuloy ang kaniyang tanong nang biglang tumunog ang bell. "Good bye class. See you around." pamamaalam ng aming guro.

Saved by the bell! Salamat sa aming bell na sinagip ako mula sa kapahamakan!

"Oh naka busangot yang mukha mo?" tanong ko kay Jake habang inaayos ang aking mga gamit.

"Gutom na ako eh!" sabi niya sabay himas sa kaniyang tiyan. "Tara na nga sa canteen!" sabay hila sa akin.

We were sitting in the bench since wala ng upuan sa canteen. I haven't seen Khash by time dahil absent siya. Hindi muna siya pumunta nang school. I bet na trauma iyon mula sa nangyari sa kaniya.

"Sa tingin mo, sino kaya ang gumawa non kay Khash?" I said while glancing at my side.

"Sa palagay ko ay may galit 'yon kay Khashmee." he paused. "Oh di kaya sa atin?" he continued while massaging his temples.

Kung may galit nga 'yon sa amin, sure na akong iyong nag cha-chat sa akin ang may pakana ng nangyari kay Khash.

"You seemed so bothered. What were you thinking?" he asked and took a sip of his cola.

"Sigurado na akong siya nga ang may gawa non kay Khash!" determinado akong malaman kung sino talaga siya. At once na malaman ko kung sino siya, I would never hesitate to lay my finger on him or her!

"Teka, sinong siya?" He said. Emphasizing the word Siya.

"Kailangan nating mag imbestiga. Tara!" hinila ko siya pabalik sa aming room.

---

I told him everything. From the chats and threats.

"So you're telling me na itong nag cha-chat sayo ang may pakana ng nangyari kahapon?" he said. "Kung siya nga eh ano naman ang atraso natin sa kaniya?" segunda niyang tanong.

"Kaya nga tayo mag iimbestiga diba." nakapalumbaba kong sabi while crossing my arms.

"Sa tingin ko'y malapit lang siya atin." sabi ko.

"Paano mo naman nasabi?" tanong niya sa akin.

"Una, alam niyang maaga pumapasok si Khash. Naisagawa niya ang plano nang walang nakakapansin sa kaniya." sagot ko.

"Sino sino nga ba ang unang pumapasok?" tanong ko sa kaniya.

Hinimas himas niya ang kaniyang baba na ani mo'y nagiisip ng malalim.

"Hmmm.. sa pagkakaalam ko, may limang early birds kami dito. Sina Alver, Gio, Caela, Kisha at si Khash." tugon niya. "Hindi ko alam kung sino sa kanila ang unang dumadating pero alam kong maaga silang pumapasok." dagdag pa niya.

Maaring isa sa kanila ang nag cha-chat sa kanila at ang may pakana ng nangyari kahapon.

"Jake, maaari mo bang i describe sa akin sina Alver, Gio, Caela, Kisha at Khash?" ani ko.

"Sige. Si Alver, isa siya sa mga singer natin sa room. Magaling din siyang mag patugtog ng gitara." sinulyapan ko si Alver na nagpapatugtog ng kaniyang gitara. "Hindi kami masyadong close. Kaya kaunti lang ang alam ko patungkol sa kaniya." I simply nodded.

"Si Gio, mahilig siyang mag basketball. Kaya siya maagang dumadating kasi nag eensayo siya ng maaga lalo pa't wala pang masyadong tao sa court." sabi niya. "Nag karoon kami ng girian nang dahil sa basketball tournament last year, masyadong pabida itong si Gio, gusto niyang siya lagi ang star player at walang nakakalamang sa kaniya." may bakas ng inis niyang sabi.

"Si Caela naman, siya ang pinaka maarte sa klase. Maganda nga pero maarte naman. Turn off!" sabi niyang at inilabas ang kaniyang dila. "Nabalitaan kong may crush siya sa akin noong Grade 9 kami. Liligawan ko pa nga sana eh kaso na turn off ako sa ugali." sabi niya na ikina kunot ng noo ko.

"Eto namang si Kisha ang vice president natin. May pagka strikta at maldita siya kaya walang umaayon sa kaniya. Matalino siya kaya siya ang naging vice president at responsable rin sa mga bagay bagay. Nagiging weirdo rin siya minsan. Lagi siyang nag susulat ng kung ano ano sa kaniyang notebook o di kaya'y nag tatype ng kung ano ano sa kaniyang cellphone." sabi niya. "May crush din itong si Kisha sa akin. Bigyan ba naman ako ng mga love letters noong Valentines. Tsk. Ang gwapo ko talaga." pagmamalaki niya sabay pogi pose.

I crossed my arms and rolled my eyes. Ang hangin talaga!

"Last but not the least, Khashmee. Masayahin at bibo si Khash. Bestfriend niya si Raven kaya lagi silang magkasama." matipid niyang sabi.

Thanks to Jake at may nakalap na akong kaunting impormasyon tungkol sa kanila. Next step, kailangan ko na silang kausapin. Inihanda ko na ang aking mga tanong at isa isa silang lalapitan.

"Anong binabalak mo?" tanong sa akin ni Jake.

"Kakausapin ko sila." prente kong sabi. Inayos ko ang aking sarili at ang aking mga gamit.

Sinulyapan ko si Jake sa kaniyang upuan. "Hindi ka ba sasama sa akin?" takang tanong ko sa kaniya.

He stretched his arms and yawns. "I wanna sleep." tugon niya.

"Sigurado kang hindi ka sasama?" tanong ko ulit sa kaniya ngunit hindi na siya tumugon sa tanong ko, mukhang naka idlip na yata.

I took a final glance at him and decided to start my plan as soon as possible. I sighed and gained confidence. I need to find the culprit as soon as possible.

CIPHERWhere stories live. Discover now