Part 26

17.8K 487 26
                                    

AGAD ITINAAS ni Charlie ang mga kamay nito na tila sumusuko ito. Kapapasok lamang ni Dylan  sa kaharian ng pinsan—ang kusina ng restaurant.

"Hi, Kuya Dylan," anitong nakangiti. Bagama't alerto ang mga mata nito sa maaari niyang gawin—bilang ganti—sa panloloko nito sa kanya. Ikinaway ng pinsan ang kamay na para bang isa itong kandidato sa eleksiyon. Kung alam lamang nito na ipinagpapasalamat pa nga niya ang pag-a-arrange ng biyahe niya sa isla ay siguradong sisingilin pa siya ng hudyo.

Nilapitan niya ito. Hinablot niya ang towel nito at ipinukpok sa balikat nito. Pagkatapos ay naupo na siya sa isa sa mga high stool na naroon. Nakita niya ang putahe na kasalukuyang inihahanda ng pinsan, kinuha niya iyon, at pinakialaman. 

Matamang pinakatitigan siya ni Charlie na para bang pinag-aaralan nito ang anyo niya. Gusto niyang matawa nang maningkit pa ang mga mata nito sa pagtingin sa kanya.

"Tell me, what is it, Dylan. Bakit may pakiramdam ako na dapat mo pa akong pasalamatan sa pag-a-arrange ko ng bakasyon mo sa isla? May iba sa aura mo eh..." inilagay nito ang kaliwang hintuturo sa gitna ng noo nito na animo nagko-concentrate sa pag-iisip. Pagkatapos ay bigla naman itong pumitik sa hangin. "Tama! Jesus!"

He chuckles. "What?"

Lumigid si Charlie sa kabilang counter, sa mismong harap niya. Itinukod nito ang mga siko sa counter pagkatapos ay sinalo ng mga palad nito ang sariling mukha habang nakatingin siya. Natawa siya ng malakas sa iginagawi nito. Ang ibang empleyado naman nito na naroon sa kusina ay natatawa rin. Sanay na ang mga ito sa kulitan nilang magpipinsan.

"You're in love!" Charlie exclaimed.

Umangat ang sulok ng labi niya. "You think so?"

"I'm certain! Uh-oh..." ang pagkinang ng mga mata nito ay biglang nawala, pagkatapos ay umiling iling ito, at umasim ang mukha. "Dylan, sabihin mo na hindi ka kay Rizza in love."

"Ano naman ang masama kung sakaling sa kanya nga ako in love?" Sa ilang buwan na relasyon niya kay Rizza ay tanging si Charlie lamang sa mga pinsan niya ang nakakaalam ng tungkol sa dalaga.

Umiling iling si Charlie para ipakitang hindi aprubado rito si Rizza para sa kanya. "Kuya Dylan, mag-isip isip ka muna. Hindi ako nagkokomento dati kasi akala ko fling mo lang si Rizza. Pero ngayon, kailangan ko na talagang magsalita. Hindi kayo bagay!" walang gatol na litanya nito at ipinagdiinan pa ang huling pangungusap.

"You are overreacting Charlie."

"Of course not. Hindi talaga kayo bagay. You're too good for her. Oh, don't get me wrong. Hindi ko siya minamaliit o inaalipusta. Wala iyon sa dugo natin." He grinned. "And she seems nice, too. It's just that...well, parang hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa. Walang magic sa pagitan ninyo. Isa pa, you never brought her to Catalina."

Napaunat siya ng upo sa huling sinabi ng pinsan. Oo nga pala, napag-usapan nga pala nilang magpipinsan na dadalhin nila sa Hacienda Catalina ang sinumang babae na gusto nilang makasama sa habang buhay. And to think na binalak talaga niyang alukin ng seryosong relasyon si Rizza. Samantalang si Lorraine ay halos hilahin na niya ang oras madala lamang ito sa hacienda. God, mabuti nalang pala at hindi tinanggap ni Rizza ang proposal niya. Dahil isang malaking pagkakamali kung sakaling tinanggap nito iyon.

"Kuya!" ani ni Charlie na tinapik pa ang kitchen counter para kuhanin ang atensyon niya. "Sabi ko, hindi mo minsan man dinala si Rizza sa Catalina, tapos ngayon in love ka na sa kanya?"

"Puwede ko naman siyang dalhin roon anomang oras," pakikipaglaro pa niya rito.

Tumutol si Charlie. "No! N-O. No!"

Natawa na siya ng malakas. "Relax, Chef. I'm not in love with her."

Tila nakahinga naman ng maluwag ang binata. "But you are in love, right?"

Bahagya siyang napangiti. The signs were all around him. Mga senyales na nagpapalito sa kanya dati. He thought she was just attracted to Lorraine. Isang pisikal na atraksiyon na mawawala sa pagdaan ng mga oras at araw. Pero hindi iyon nawala sa halip ay tila lumalalim iyon. Unang kita pa lamang niya rito ay nakuha na agad nito ang atensiyon niya. To his eyes—or was it his heart?—she was the prettiest, the fairest of them all. Isang tingin at ngiti lamang mula rito ay kumakabog na ang dibdib niya. At ngayon lamang niya napagtanto na masaya siya sa presensiya nito. Isang kasiyahan na malalim ang pinanggagalingan. Ngayon anga grabe na niya itong nami-miss.

Alam niya kung ano ang mga senyales na iyon. Nagmamahal siya. Tumitibok ang puso niya. At inamin na niya sa sarili niya na pagmamahal ang damdaming pinukaw ng dalaga sa kanyang pagkatao. At nakahanda siyang harapin iyon. Gagamitin niya ang sitwasyon ng dalaga para turuan itong mahalin din siya.

Dylan nodded in reply. "Thanks to you."

"Tell me about her." Charlie demanded; the eagerness in his eyes.

Umiling siya. "Bahala ka munang manghula, Charlie. Iyon ang parusa mo sa pakikialam sa gamit ko." Tumayo na siya mula sa kinauupuang stool. "Bye."

"Huh! Akala mo naman mahihirapan akong alamin kung sino siya? Tatawagan ko agad sina Enteng at kuya Brandon, and I'll do it now, and I mean now!" pahabol na wika nito na ikinahalakhak niya.




:D Yes, tungkol sa magpipinsan at magkakapatid na Valencia ang series na ito. :)


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon