Part 51

19K 385 9
                                    

"IN MY room." Wika ni Dylan ng makarating sila sa condo unit nito. Si Lorenzo ay idinaan muna nila sa restaurant ni Charlie. Habang nasa biyahe ay naging madaldal ito kaya nalaman niya na ang singsing na iyon ang sinadya ng binata sa ibang bansa. Nalaman rin niya mula rito kung ano talaga ang kuwento sa likod ng nakita niya sa airport.

"D-dito nalang tayo sa sala mag-usap," aniya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa daliri na niya ang singsing ng binata. It fit perfectly.

"No. Mas gusto ko sa room ko," anito bago nagpatiuna ng lumakad. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod rito afterall siya ang may kasalanan rito.

Pagpasok niya ay nadatnan na niyang naghuhubad ng suot na pang-itaas ang binata. Exposing one perfect example of masculinity.

Nag-init ang buong mukha niya nang maalala ang mainit na sandaling naganap sa pagitan nila ng binata. Lahat ng iyon ay ipinapaalala ng mga mata nito. Damn his eyes for being so expressive.

Thank God, hindi naghubad ng pantalon ang binata. Tinungo nito ang kama at nahiga roon. But he was far from being asleep. Ang ulo nito ay sinasalo ng magkasalikop na palad nito. Ang mga labi nito ay nakangiti at ang mga mata nito ay nanunukso habang nakatingin sa kanya. Hindi siya makatingin rito ng deretso dahil sa tuwing gagawin niya ay sa hubad na katawan nito dumadako ang paningin niya. She couldn't concentrate. Ang mga mata nito ay nagpapakabog ng dibdib niya. At Bakit tila napakaromantic ng silid ng binata?

"Sorry..." aniya. Tinipon niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya para lapitan ito. Bahagya namang umusog si Dylan ng higa kaya nakaupo siya sa gilid ng kama. "K-kanina, gusto sana kitang sorpresahin na ako ang susundo sa'yo. P-pero ako ang nasorpresa...I...N-nakita ko kayo ni Lorenzo at saka 'yung buntis na kakambal pala ng ex mo. I thought...I thought—"

Nagpakawala ng malalim na hininga ang binata. "Akala mo niloloko lang kita?"

Kagat-labing tumango siya. "I c-couldn't help it. Masyado kitang mahal na pakiramdam ko, ikamamatay ko kung mawawala ka sa akin."

"Bakit hindi mo ako kinompronta? Kung hindi pa kita nakita, aalis ka nalang ng basta basta. And I'm sure magtatago ka sa kung saang sulok ng mundo para lang umiwas sa akin. Tapos ako maloloko sa kaiisip kung ano ang nangyari."

Hindi siya makasagot. She was guilty. Nagyuko siya ng ulo. "I...I'm sorry. Masyado lang kita mahal, masisisi mo ba ako? The thought of losing you is killing me. Kahit sino naman siguro hindi makakapag-isip ng lohikong rason ng oras na iyon."

"Nauunawaan ko," wika nito bago marahang hinila siya pahiga sa tabi nito. Hindi siya tumutol. Umunan siya sa ibabaw ng dibdib nito. Maya maya pa ay ramdam na niya ang marahang paghagod ng palad ng binata sa buhok niya. "You know what? If you love someone, never let go. Letting go doesn't always mean that you love best. Instead fight for your love, that's what true love is. Sa hinaharap ay mas mabibigat na pagsubok pa ang haharapin natin. Ang hiling ko lang ay maging bukas ka sa akin, honey. Share your thoughts and doubts; ask your questions because questions are meant to be answered."

    She could only bite her lip as guilt began to sink in.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin