Part 44

16.8K 343 0
                                    

"CEDRICK, kumusta si Lorenzo?" Agad na tanong ni Dylan ng tanggapin ng pinsan ang kanyang tawag. Nasa NAIA siya noon—sa departure lounge—at naghihintay ng kanyang flight papuntang New York.

"Heto, binubutas talaga ang bulsa ko. Kung ano ano ang ipinapabili, imagine pati sina Charlie, Vicente, at Brandon ay gustong bilhan ng pasalubong!" palatak nito.

Natawa siya. "Well, he just took your word for it. Pinangakuan mo pala na bibilhin mo lahat ng magustuhan niya kapag naging top one siya sa klase nila. " Top two lamang kasi ang kapatid niya. Nalaman niya ang bagay na iyon sa mga magulang niya ng tumawag siya roon.

"Hindi ko naman inakala na seseryosohin pala ni Lorenzo ang hamon ko. Oh well, it's worth it. Babawian ko nalang ito kapag kumikita na ito ng milyones."

Humalakhak siya. "I doubt kung magagawa mo siyang mapaglanlangan. He's very bright. Eh, sina Connor, kumusta?"

"In all fairness, hindi naman nagpapasakit ng ulo ang mga kumag."

"Good. Siya nga pala, pupunta ako ng New York ngayon. Pagbalik ko, dadaan na ako riyan sa Hongkong, then sabay sabay na tayong umuwi ng Pilipinas, okay ba iyon?"

"Oh, great! Ikaw ang bahala sa business class tickets, okay? Makabawi man lang! Whew! Bigla akong namulubi sa mga pinsan natin."

He chuckled. "Aminin mo, masarap naman sa pakiramdam kapag kasama sila at inililibre. And don't forget na binutusan rin natin ng bulsa ang mga tiyahin at tiyuhin natin."

"Oh, yes. I agree. Lahat tayo may dumadaan sa mga panahon na tayo ang nagpapalibre at tayo ang nanlilibre. The feelings and the memories are quite priceless. Pero teka, anong gagawin mo sa New York?"

Napangiti siya. "Tiffany and Company."

Narinig niya ang pagsinghap nito. "Tiffany's? Bibili ka ng alahas? Wait let me guess...singsing? Tama! Singsing ang bibilhin mo? Magpo-propose ka? Pero teka, hindi mo pa pormal na ipinapakilala sa amin si—"

Napailing iling nalang siya sa sunod sunod na taong nito. At kung hindi niya iyon puputulin, siguradong marami pa iyong kasunod. Hindi talaga tahimik na tao si Cedrick."Tama ka, singsing ang bibilhin ko at magpo-propose ako kay Lorraine." Bago pa man may mangyari sa kanila ng dalaga ay plano na niyang alukin ito ng kasal. Magpo-propose siya sa isang resort sa Batangas—sa harap ng magulang nito at mga magulang niya na uuwi para lamang sa okasyong iyon.

Narinig na niya ang pagtawag sa mga pasahero ng sasakyan niyang flight. "Tinatawag na ang flight ko. I'll call you again. Okay? Bye."

"Wait. Sabih—"

"Bye," nangingitingputol niya rito. 

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ