Part 48

15.8K 333 1
                                    


Buong lakas na pinadapo ni Lorraine ang palad niya sa pisngi ni Dylan, dahilan para matigilan ito. Ang ulo nito ay napabaling pa sa kanan, marahil ay sadyang naipon lahat ng galit niya sa kanyang palad kaya ganoon kalakas ang naging sampal niya. Agad namula ang mukha nito at ilang saglit lang ay bakas na ang palad niya.

Unti-unting ibinalik ng binata ang paningin nito sa kanya. Blangko ang ekspresyon sa mukha at tikom ang labi.

"How dare you! How dare you! Anong karapatan mo para lokohin at saktan ako!" Namumuhing wika ni Lorraine sa binata bago nilapitan ito at pinagsusuntok ang dibdib nito. Hindi ito gumagalaw, ni hindi nito sinasalag ang mga atake niya. Siguro dahil guilty ito sa panloloko sa kanya. Kaya naman mas lalo siyang namumuhi rito.

Itinuloy niya ang pagsuntok rito at wala siyang pakialam kung nakakatawag na sila ng atensiyon. Subalit kahit anong gawin niya ay hindi naglulubag ang naninikip niyang dibdib. Nasasaktan pa rin siya. Naghuhumiyaw pa rin sa sakit ang puso niya. She loves him. Mahal na mahal niya ito at hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag wala na ito. Sinanay siya nito sa paglalambing nito at sa pagmamahal na akala niya ay totoo. Papaano pa siya magsisimula ngayon? Saan siya magsisimula? At paano niya bubuuin ang pusong nawasak?

Hanggang sa siya na rin ang mapagod. Itinigil niya ang pag-atake rito. "I—I l-love you so much Dylan. So much na sa bawat sandali ay ikaw ang iniisip ko. Ma...m-may ideya ka ba kung gaano mo ako winasak ngayon? A...a-ang mga pangarap na binuo natin, ang pagmamahal na sinasabi mo, kasinungalingan lang pala..." Mapait niyang wika, ang mga luha ay patuloy sa pagpatak. "Gusto kitang isumpa ngayon. I wanted to hate you!" sumigok siya. "But I just can't. Mahal pa rin kita, shit! Mahal na mahal kitang gago ka! P-papaano ako magsisimula ng buhay ko ngayon? Where do I go now when all I want to be is in your arms? Ang lupit mo...S-sana...s-sana hindi mo nalang ako tinuruang mahalin ka. S-sana hindi ka nalang—"

Sa gulat niya ay hinapitsiya nito at ikinulong sa mga bisig nito. "B-bitiwan mo ako. Let me go!Hu...huwag mo akong pahirapan, please. L-let me go..." Walang lakas na nagpipilitsiyang kumawala. Pero hindi natinag ang binata at mas humigpit ang pagkakayakapnito sa kanya. Hanggang sa tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Now she couldonly close her eyes and feel the warmth of his embrace. Sa huling pagkakataon, pagbibigyanna niya ang sarili niya.    

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon