Chapter 2

28 22 2
                                    

Wala na akong magagawa kundi ang makisama nalang sa kalokohang gagawin nila. Bumaba kasi si mommy galing kwarto niya kaya nakita niyang buhat-buhat ako ng mga pinsan ko kaya nagtanong agad at ng sabihin ni kuya Enzo na pupunta kaming birthday party kaya ayan tuloy pati si mommy nakikulit. Sabi pa ni mommy ay para daw maka experience akong pumonta sa mga party kaya mas lalong wala akong magawa kasi pagtinaggihan ko siya ay magtatampu-tampuhan. Pinagbihis pa ako ni mommy at nilagyan ng kong ano-anong kolorete is mukha.

Pagdating sa bar ay medyo may kalakasan na ang tugtugin. Marami nang umiinom at may mangilan-ngilan ng sumasayaw. Nang maglakad na kami patungo sa table na kinaroroonan nila Yvonne ay talagang kaagaw-agaw pansin ang paglalakad namin at may naririnig panga akng mga bulongan tungkol sa mga pinsan kong mga gwapo raw at yong iba naman ay sinisigaw ang pangaln nila na para bang mapunta sa kanila pag ginawa nila yon kaya di ko mapigilang magulat at mapahawak sa braso ni kuya Enzo na walang ibang ginawa kundi tawanan ako ng tawanan at yong ibang lalaki naman kung makatitig wagas.

"Bella,mag-enjoy kalang dito ah at yang pagkainis mo samin,ipagpaliban mo nalang muna," usal ni Gray

Bago paman kami makarating sa aming paroroonan ay sinalubong na kami ni Maxrill Buenaventura ng napakalaking ngiti.

"Mga dre! Musta?" sigaw niya kasi malakas ang music sabay bigay ng high-five sa mga pinsan ko.

"Happy birthday nga pala bro, sorry nalate kami,sinundo pa kasi namin ang prinsesa!" Turo ni Gray sakin,sinamaan ko siya ng tingin pero pinagtawanan lang nila ako kaya mas lalong nangunot ang noo ko't ngumuso at padabog na pipihit sana sa table nila Bebian ngunit pinigilan ako ni Maxrill.

"Honey, aren't you going to greet me a happy birthday?" usal niya na halatang nagpipigil ng tawa.

"Honey mo muka mo!" singhal ko sakaniya at binawi ang braso kong hawak niya. "Hoy! Baka nakalimutan mong may kasalanan kapa sakin pangit ka!" sigaw ko sa kaniya na dinuro pa.

"Honey naman e, kahit ngayon lang peace muna tayo pwede?" malungkot kunyaring pakiusap niya.

"Ano ka siniswerte? Ikaw nga parati mo akong binubwesit tapos ngayon hihiling ka ng peace? Huh!" singhal ko sakaniya.

"Hep! Hep! Bago pa kayo magkatuloyan uminom muna kayo. Oh itong beer sayo Maxrill and one glass of wine for you Crestiphany," sabat ni kuya Tyler.

Kinuha ni Maxrill ang isang baso ng beer. "Salamat dre ah," nanlulumong sabi niya at bumagsak ang dalawang balikat. "Huhuhu! Kita niyo tong pinsan niyo? Napakasama ng ugali," naiiyak kunyaring usal niya at niyakap pa si kuya Lance sa tabi niya.

Until Love Will Return (UnEdited)Where stories live. Discover now