Chapter 3

21 20 0
                                    

Brix Alexander Smith's (Jose) POV

Andito kami ngayon sa bar, kaarawan kasi ngayon ng kaibigan naming si Maxrill kaya nagpapaparty sa sarili rin nilang bar.

Pagdating namin sa bar ay maingay na at marami naring nagsayawan sa gitna. Late nakaming dumating kasi itong tropa kong si Damon lumandi pa kaya ayan tuloy late na kaming dumating. Ang usapan kasi sabay kaming lahat magbarkadang pupuntang bar.

Pagpasok namin sa loob ay agad kaming binati ng iba naming kakilala at sumulpot din si Maxrill kaya binati namin siya.

"Happy birthday!" bati namin sakaniya sabay kamay rin.

"Salamat mga bro kahit late nakayo welcome parin kayo dito!" biro paniya.

"Ito kasing si Damon pinapairal nanaman ang kalandian! Ayan tuloy nalate kami!" bulyaw ni Ken at ginatungan naman siya ng iba pa naming kaibigan.

"Ano tol masarap ba ang dinner mo kanina?" buyo naman Derick na nagpatawa saamin ng malakas.

"Hoy bat ako sinisi niyo? Kasalanan niyo rin no kasi di niyo ako ininform!" dipensa ni Damon sa mga pambubuyo ng mga kaibigan.

"Hahaha! Hoy dimonyo! Sinabihan ka kaya namin. Ang sabihin mo puro babae lang laman ng isip mo kaya nakalimutan muna lahat ng mga gagawin! Hahaha!" pang-aasar pa ni Ken.

"Guys inom lang kayo dito ha? Gawin niyo lang mga gusto niyo basta wag niyo lang kalimitan magsaya!" suhisyon naman ni Maxrill.

"Loko ka talaga Mr. Villegas! Hahaha! Wait,maiwan muna namin kayo dahil may gagawin lang kaming kababalaghan!" may nakakalokong ngiting usal ni Dave at umalis na silang apat.

Pero bago pa sila tuluyang mawala sa paningin namin ni Maxrill may sinabi pa si Damon. "Mga bro,di kayo sasama?"

"Hahaha! Pass muna ako bro!" nakangiting usal ni Maxrill.

"Hala! End of the world naba bukas? Nag-iba kasi ihip ng hangin eh! Nakakapanibago ka ngayon Maxrill huh? At di kapa lasing sa lagay nayan kahit pasado 10 pm na ah!" sabat ko naman.

Until Love Will Return (UnEdited)Where stories live. Discover now