Chapter 9

29 22 1
                                    

Andito kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Pero syempre bago ako pumasok sa restaurant ay piniprepare ko muna sarili ko sa acting-actingan mode kasi nga hinalikan niya ako kanina diba?

Nakahanap na kami ng maupoan ni Alexander at maya-maya lang ay may waiter na lalaking nag-approach samin. Gwapo yong guy cute kaya mahahawa ka talaga sa napakalaking smile niya.

"Excuse me sir,ma'am what's your order?" At talagang ngiting-ngiti siya pagdating saakin.

Pinasadahan ko ng tingin si Alexander at kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang mga kulay niya. Tiningnan ko nalang ang menu'ng nakalapag sa mesa para makakain narin ang mga boarders sa tummy ko.

"Tatawagin ka nalang namin pagnakapili na kami ng oorderin." Dining kong sabi niya sa waiter.

"Ok po." sagot naman nong guy.

Masarap ang mga desserts nila dito. May Cake Batter,Cinnamon Sundae,Red Velvet Cake at Blue Berry--- teka! Tinitigan ko ang presyo ng mga pagkain,pagtingin ko nashocked talaga ako kaya agad kong sinabihan si Alexander.

"Alexander hindi tayo dito kakain!" At di ko talaga makakalimutan ang sarcastic tone of voice ko.

"At bakit naman? Akala ko ba gusto mo ng kumain?!" Aba! Mas sarcastic pa ang loko!

"Ang mahalmahal ng pagkain dito eh! To'ng Berrylicious Sundae nga nila ₱1,500 na eh pano pag pagkain na natin ang oorderin?!Para malaman mo HINDIPA'KOHANDAMAGHUGASNGPINGGAN!" bulyaw ko sakaniya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong malapit lang sa pwesto namin.

"Itikom mo nga yang bibig mo! Ngayong di kita pinapagsalita nagbubunganga ka diyan pero kanina habang nagbebyahe tayo ang tahi-tahinik mo! Umayos ka nga! At isa pa libre ko ngayon dahil ako nagyaya ng date sayo kaya wag ka ng maraming reklamo diyan!" Wow! Ako pa talaga napagsabihan ng magaling kong kasama! "Kahit kailan ang kuripot talaga! Di na nagbago!" Dinig kong bulong niya.

So ngayon,naniniwala na siyang ako talaga si Bella na kasama niyang lumaki sa bahay ampunan? Ayyye! Napangiti naman ako ng palihim nito.

"Anong gusto mo?" Maya-maya'y tanong niya. Nagkatinginan kami sa mga mata.

Wag mo ngang itanong kung ano gusto ko, baka madulas pa ako at ikaw ang masabi ko!

"Talaga bang gusto mo ako?" Aniya'ng seryoso pero mahinahon.

Hala! Napalakas ata pagkakasabi ng isip ko non?! Umiwas ako ng tingin at di sumagot. Buti nalang dumating yong waiter na cute.

"Ah! Sir,ma'am nakapili napo ba kayo ng oorderin?" Anang cute guy. Ng nakangiti.

Nginitian ko rin siya. "Ah! Oo,mmhhh. Rice nalang and beefsteak then juice."

"Ok po,sainyo po sir?"

"Kagaya nalang din sa order niya." walang ganang usal niya sa waiter.

"Ok, just wait a minute to serve your orders." At tumalikod na siya.

Habang naghihintay sa order namin ay pinili ko talagang di umimik at nagkukulikot nalang sa cp ko. Ng maopen ko na may nakita akong text ni Maxrill.

Maxrill_kulit..
message:
Bella sorry kung di ko nasabi sayo na this week pupunta akong Cebu kasi dadalawi ko ang Lola don. Pero nakauwi na naman ako kahapon lang. Sorry talaga.
Receive 11:50

Napangisi ako sa effort na nilaan saakin ni Maxrill. Talagang may tama talaga to sakin no?Kaya pala hindi ko siya nakikita this pass few days.

Nagtatype na ako ang erereply ko ng hinablot ni Alexander ang cellphone ko at binasa ang message.

"Hoy ano ba? Bat mo ginawa yun?! Akin na nga yang cellphone----." pinigil niya ako.

"Si Maxrill lang pala! Eh bat ang wagas kong makangiti ka diyan?!" Bulyaw niya. "Hindi mo mababawi tong cellphone mo pag dipa tapos date natin!" Talagang ibinulsa niya ang cp ko! Ahhhhh! Nakakainis kang kumag ka!

"Ikaw huh sumusobra kana! Pag-ako napuno sayo talagang iiwanan kita dito!" Protesta ko!

Palagi nalang bang panira ng mode ko ang role niya sa buhay ko?

"Kaya mo ba?" Hala bat biglang may nakakalokong ngiti sa mga labi niya? Aysh! Talagang sinusubokan ako ng lalaking to!

"Oo naman. Anong akala mo sakin subarang bait?" Walang ganang sabi ko.

Natigilan ako ng may narinig sa gilid namin. "Honey look. Yang magboyfriend girlfriend kahit napaka sarcastic nila magsalita ang sweet sweet parin nilang tignan!" Sabi ng matandang babae.

Nahiya naman ako sa magboyfriend girlfriend thingy.

"Excuse me. Here's your order ma'am sir." Nilapag niya ang mga pagkain at umalis na rin.

At kami rin ay kumain na. Sabi pa nga niya kumain ako ng marami kasi nong hinampas ko raw siya kanina ang hinahina raw. Di ko nalang siya pinansin para di na mag-uusok ang ilong ko sa kaniya.

*≈*≈*≈
TBC.

Until Love Will Return (UnEdited)Where stories live. Discover now