Chapter 4

21 21 1
                                    

CRESTIPHANY'S POV

Dahil sa subrang katakawan ko sa alak yan tuloy nalasing ako,first time ko kasi kaya natakam ako. Eeeh! Ang sarap kasi...tapos sinabayan pa ng dyaming like tawanan kulitan tapos sasalinan ka ng alak sa baso mo. Gets nyo ba?

"Alam niyo puro kayo shatshat shiyan,shalinan niyo nga ako ng isa pa?!" ang sarap e,diko napigilan sarili kong kuntrolin sa pag-inom.

"Hey Bella,you're already drunk. Mabuti pa ihatid na kita sa inyo," suwisyon ni Maxrill.

"Hey stop calling me Bella because you're not important person to me!" tugon ko.

Parang natamaan na talaga ako sa iniinom kong alak ah! Potek! Nahihilo na kasi ako at saka parang nasusuka ako kaya bago pa ako magdumi dito ay pupunta na akong CR.

"Maxrill saan CR niyo rito?"

"Samahan na kita,"

"Wag na,kaya ko naman sarili ko."

Magpupumilit pa sana siya pero pinigilan niya ang sarili niyang magsalita at itinuro nalang saakin ang daan papuntang CR.

Pinilit kong maglakad ng maayos kahit nahihilo na ako tapos nahihirapan pa akong maglakad dahil sa taas ng heel na suot ko. Nasa malapit na ako ng CR nang may nabunggo akong tao dahilan para tuluyan na akong matumba pero buti nalang ay nasalo niya ako.

"Miss ayos kalang?" anang lalaki.

Magsasalita na sana ako pero di ko na talaga kinaya tumakbo agad ako sa loob ng cr at nasuka na ako habang yung lalaki ay inaalalayan akong di matumba at hinahagod pa ang likod ko.

Eeehh! Ang pangit ng lasa nong sinuka ko! Itong gabing to talaga ang pinaka worst night ever in my life.
Uminom ako at ang masama pa ron ay nalasing ako.

"Miss itong tissue oh!"

Kinuha ko yong tissue'ng inabot niya ng di siya tinitingnan at ipinahid sa bibig ko.

Parang nabawasan ang pagka lasing ko ng kunti matapos magdura.

"Miss ayos kana ba?" nag-aalalang tanong saakin nong lalaki.

"Ayos lang ako salamat sa tissue at sapag-alalay sakin kanina," tugon ko habang pinuponasan ang gilid ng aking labi ng di parin tumitingin sakaniya. "Ako---" Hindi ko natuloy sasabihin ko pagharap ko sakaniya. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko na parang may nagkakarerang mga kabayo.

"Miss alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong titigan ng ganiyan baka kasi matunaw kagwapuhan ko niyan pero kong gusto mo talagang tinititigan ako pwede mokong kunan ng picture." may cofident sa sariling sabi ng lalaki.

Until Love Will Return (UnEdited)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum