Chapter 8

22 21 2
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw kaya sabado na ngayon. Andito ako sa kwarto,naka higa at iniisip kong ano kaya ang mangyayari sa date namin mamaya ni Alexander. 8:50 pa naman ang oras ngayon kaya ayos lang mag daydream mo na. Ang usapan kasi 11 ng umaga ang date namin para sabay kaming maglunch. Nakakairita nga eh kasi halos oras oras nalang niya ako nireremind tungkol sa date namin. Hiningi pa niya number ko sa mga pinsan kong baliw kaya parati nalang akong napipikon sakaniya,lalo na pag class hour kasi tinetext niya ako. Minsan nga inu-off  ko nalang cp ko. Pero kahit ganon mas nangibabaw parin ang kilig ko kesa mainis.

Pagtingin ko ulit sa wall clock ko ay 09:30 na kaya naligo na ako. Ng matapos na akong maligo ay pumili na ako ng damit na isusuot ko kesyo halos nahalongkat ko na mga damit ko sa cabinet wala parin akong napili.

Wala kasi si mommy dito sa bahay eh kaya wala akong katulong sa pagpili ng damit.

Nag-isip-isip muna ako saglit hanggang sa may naisip na akong style.

Simple lang naman, nag short jeans ako at hang T-shirt hanggang sa may pusod na kulay dark gray tapos naka converse white shoes lang naman with shoulder bag na color pink at naka ponytail. Perfect! I'm sure magma-mall lang naman kami at mag sine. Yun naman yung madalas na ginagawa ng magjowa diba? Ay tae! Di nga pala kami magjowa... Ah basta hindi ako nag-eexpect ng memorable date. Teka,first time ko nga pala to ngayon no? Dating with him.

Knock! Knock! Knock!

"Come in!" sagot ko sa kumatok.

"Ma'am may naghahanap ho sayo. Sabi niya kaibigan niyo daw kaya punapasok ko na."

"Ano daw ho'ng pangalan?" nagtatakang tanong ko kay manang Libet.

"Alexander daw po"

"Sige salamat manang! Pakisabi bababa na ako." At bumaba nanga si manang.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala si yaya Tes, sinama kasi siya nila daddy at mommy sa Baguio. May business daw silang pakay doon. Sa katunayan nga alam nila daddy na may date ako ngayon kaya lang nakakainis kasi pinagtulongan nila akong buyoin. Alam nga to ng mga pinsan ko eh pero di na sila nagreact kasi naging kaibigan narin nila ang grupo ni Alexander. Pero si Maxrill di pa niya alam na nilalapitan ako ni Alexander.

Pagbaba ko nakita ko nga si Alexander na nakaupo sa sofa. Pakiramdam ko nababaliw nanaman tong puso ko. Parang nagslow motion ang paligid,nang unti-unti na siyang tumingin sakin parang siya lang yong nakikita ko. In fairness huh! Gwapo siya sa suot niyang yan. Pero kahit anong suot niya ay bababagay naman sakaniya lahat.

Nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita siya. "Lalabas tayo tapos ganiyan suot mo? Hindi kaba nahiya?!" nangunot pa ang noo niya tapos nagsalubong mga kilay.

Wow huh! Di man lang ako pinuri! Pinagalitan pa ako!

"Eh sa itong gusto kong style eh! Ano ba?! Umalis nanga lang tayo!" pipihit na sana ako palabas pero nagsalita siya ulit.

"Magbibihis ka o ako magbibihis sayo?!" Kung makautos tong kumag nato parang katulong lang niya ako!

"Ayoko nga! Tsaka maganda naman tong outfit ko! Sayang naman kong palitan pa." pangangatwiran ko.

Totoo naman eh,gusto ko na tong suot ko tapos utos-utosan lang akong palitan?! Kaloka!

"Saan kwarto mo?" Hala! Bat biglang humimahon ang loko? Buti nga yon diba!

"Sa taas syempre." Pointing to the stairs as if we're looked at my room. "Don't tell me aakyat kapa ron para suyorin ang kabuoan ng kwarto ko? Kasi napapansin ko kanina kapa palinga-linga diyan eh!" protests ko.

At ngumisi pa talaga tong kumag na'to? So may balak ba talaga siyang? "Sino may sabi sayong ako lang puounta don?"

Ay putang ina mo! Sure ba siyang bibihisan niya ako? Aysh! Andami ko na tuloy natanong sa sarili ko.

"Hoy Mr. kung may plano kang bihisan talaga ako pwes di ka magtatagumpay! Atsaka alas dose na oh!" Hinarap ko talaga ang cellphone ko sa pagmumuka niya para makita ang oras! Nakaupo kasi siya sa sofa kaya abot ko muka niya. "Try kaya nating kumain nalang dito----." Hindi ko natapos pagsasalita ko.

Nanlaki mga mata ko sa ginawa niya. Bigla siyang tumayo at hinalikan ako dahilan para matigil ang pananalita ko.

Hindi siya gumalaw at tanging paglapat ng labi niya sa labi ko lang ang ginawa niya. ...

Para akong naistatwa. Nabalik lang ako sa reyalidad ng may lumayo na siya.

DUGDUG!! DUGDUG! DUGDUG!

Ang puso ko parang gusto ng kumawala sa lakas ng tibok.

Hinampas ko siya sa braso ng buong lakas ko. "Bakit mo ginawa yon?!" Galit na tanong ko sa kaniya.

Sinakop niya ang mga kamay ko para matigil sa panghahampas sakaniya bago nagsalita. "Any daldal mo kasi kaya pinatahimik nalang kita! Tara na nga!" kinaladkad niya ako palabas at sumigaw. "Yaya hihiramin ko muna alaga niyo at wag kayong mag-alala kasi ibabalik ko naman to!" At tuloyan nanga niya akong nailabas ng bahay.

Nagpupumiglas pa ako sa pagkakahawak niya para magmamagtol perk nabigo ako kasi mas hinihigpitan niya pagkakahawak sa kamay ko. Takenote holding hands kami! Kinilig naman ako. Hanggang sa naipasok na niya ako sa kotse niyang Ferrari kaya di nalang ako umimik pa.

Until Love Will Return (UnEdited)Where stories live. Discover now