Chapter One

7.5K 97 0
                                    


"DRINK harder! Oh, yeah!" sigaw ni Harmony. Itinaas niya pa ang kopitang hawak niya. Sumigaw rin ang mga kaibigan niya.

Maingay. Gustung-gusto niya iyon sa mga oras na 'yon. Mabuti na rin na marinig niya ang ingay sa loob ng bar na iyon kesa sa ingay na nililikha ng kaniyang puso.

Harmony is deeply wounded like it's tearing her whole being. Ang nobyo niya ng anim na taon ay ipinagpalit siya sa isang bayarang babae. Bumaba na rin ang tingin niya sa kaniyang sarili dahil sa ginawa ng lalaki. Para na ring sinayang ni Harmony ang buong buhay niya sa piling ng lalaki.

Anim na taon. Shet. Parang nakapagpalaki ka na rin ng bata sa ganoong kahabang panahon. And it was all turned to dust.

Inisang lagok niya ang alak na laman ng kaniyang baso. Naramdaman niyang uminit ang likido nang bumaba iyon sa kaniyang lalamunan.

Hinawakan siya sa braso ni Ivy, bestfriend niya. "Ayos ka lang? Nakakarami ka na, ah," sabi nito.

Ngumiti siya sa babae. "Oo naman! Kaya ko pa," tugon niya sa kaniyang kaibigan.

"Nako, Harmony, 'wag mong daanin sa inom 'yang nararamdaman mo. Kalimutan mo na si Marlon. Marami ka pang makikilala diyan."

Inirapan niya si Ivy. "Alam mo, kung ganoon lang kadali 'yon, kahit hindi mo sabihin ay kakalimutan ko talaga siya," aniya. Inabutan niya ng isang basong alak ang kaibigan niya. "Oh. Uminom ka na lang din at damayan mo ako." Kinuha naman iyon ni Ivy at napailing na lang ito sa kaniya.

Halos mag-a-ala una na ng madaling araw sila nagpasyang umalis ng bar. Kasalukuyan silang nag-aabang ng taxi upang masakyan ni Harmony. Hindi na kasi niya makayanan ang init na nararamdaman niya kaya pinauuna na siya ng kaniyang kaibigan na makasakay pauwi.

Hilong-hilo na siya para magkaroon pa ng pakialam sa iba. Ang gusto niya lang ay makatulog na. Kaya nang may tumigil na taxi sa tapat niya ay kaagad niyang binuksan iyon.

"Teka, Hamony, hindi ka pwede diyan!" sigaw ni Ivy sa kaniya at hinila siya palayo sa taxi nang tinangka na niyang pumasok sa loob.

Nagpumiglas siya sa hawak ng kaibigan niya. "Ano ka ba, Ivy! May masasakyan na nga ako, oh. Sige na, maghanap na rin kayo ng masasakyan niyo pauwi. Mag-ingat kayo. Bye," sabi niya sa kaniyang kaibigan at sumakay na siya nang tuluyan sa naturang taxi.

"Sa Brgy. Sto. Cristo po tayo sa Q.C., Manong," saad niya sa driver ng taxi at kaniya nang ipinikit ang kaniyang mga mata at nagsimulang gumawa ng tulog.


"MISS! Miss! Hoy!" sigaw ni Ryan sa katabi niya ngunit sa kasamaang-palad ay hindi pa rin nagigising ang babae kahit anong paraan ng pagyugyog na ang ginawa niya rito.

Basta na lamang sumakay ang babae sa sinasakyan niyang taxi nang inihinto ng driver ang sasakyan dahil may nakasalubong itong kakilala na sana ay babatiin lang ng matanda. Hindi na nila napigilan ang babae dahil nakatulog na itong bigla. Halatang lasing na ang babae base na rin sa ikinilos nito.

"Ano na hong gagawin natin diyan, Boss? Sto. Cristo lang naman po ang sinabi niya at hindi 'yong mismong lugar kung saan siya nakatira," ani ng matanda.

Napasabunot na lang ng buhok si Ryan. Kung kailan pa naman antok na antok na siya dahil may tinapos siyang trabaho sa opisina kaya madaling araw na siya nakauwi ay doon pa magkakaroon ng aberya.

"Diretso pa rin po tayo sa bahay ko," tugon niya.

Nilingon niya ang babae. Maamo naman ang mukha ng babae, at hindi niya maipagkakailang maganda ito. Pero hindi nakalagpas sa kaniyang paningin ang luhang dumaloy sa pisngi ng babae.

Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang