Chapter Nine

2.6K 59 4
                                    

HALOS magpi-pitong buwan nang nagsasama sa iisang bahay si Harmony at Ryan. Everything's perfectly okay. It was something Harmony didn't expect to happen at first. Ryan got promoted, and Harmony filed a maternity leave. Everything's fine. Nahirapan lang siya noong una dahil iyon ang unang beses na bumukod siya sa kaniyang pamilya.

Nang lumaon ay minabuti ng kanilang mga magulang na permanente na silang magsama ni Ryan. They bought a house, and Harmony loved it.

"Gusto mo na bang magpakasal tayo?" tanong ni Ryan kay Harmony habang nakayakap ito sa kaniya.

They were sitting in the sofa watching If I Stay. Hinawakan ni Harmony ang maumbok niyang tiyan.

"Pagkapanganak ko na lang siguro. Ayoko namang maglakad nang botsog papuntang altar," sagot niya sa lalaki.

Tumawa si Ryan. "Botsog talaga?"

"Oo. Look at my tummy. It's really big. Mahihirapan lang akong maglakad at saka baka sa kalagitnaan pa ng paglalakad ko ako maglabor. 'Wag na muna para iwas aberya."

"Okay, if you say so. Pero hindi na ako makapaghintay na dumating ang panahon na maging legal na mag-asawa na tayo."

Marahang tinapik ni Harmony ang pisngi ni Ryan. "Ako rin naman, pero hindi talaga pwede sa ngayon."

Nagkibit-balikat lang si Ryan.

"Punta tayo sa mall," anito.

Tumaas ang isang kilay ni Harmony. "Ano namang gagawin natin doon?"

"Dalawang buwan na lang manganganak ka na. Kompletuhin na natin ang mga gamit ng bata."

"Ayoko nga. Tinatamad ako."

Napakamot sa ulo si Ryan. "Exercise mo na rin 'yon para hindi ka mahirapang manganak. Mabuti na ring makapamili na tayo ngayon hangga't kaya mo pa. At saka makakapamili ka rin ng gusto mo para sa bata."

Inismiran ni Harmony si Ryan. "Sige na nga," pagpayag niya sa kagustuhan ng lalaki.

Inalalayan siya ni Ryan para makatayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

"Magbibihis lang ako," aniya sa lalaki dahil nakadamit-pambahay lang siya samantalang ang lalaki nama'y nakapang-alis na dahil galing ito sa opisina.

Halos tatlumpung minuto ang lumipas bago lumabas ng kwarto si Harmony.

"Tara na," sabi niya kay Ryan.

Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo nito. "Ang tagal mo naman!" bulalas nito.

Namaywang si Harmony. "Ikaw kaya ang magbuntis!"

Lumapit sa kaniya ang lalaki at hinawakan ang kamay niya. "Joke lang. Nagulat nga ako dahil ang bilis mong magbihis eh. Tara na po, mahal," anito at dahan-dahan siyang hinigit palabas ng bahay nila.

"Bwisit ka talaga," pabulong na sambit ni Harmony.

Lumingon sa kaniya si Ryan at kinindatan siya. Napailing na lang si Harmony.

Dinala ni Ryan si Harmony sa Alabang Town Center. Tumigil ang lalaki sa paglalakad sa tapat ng isang restaurant doon.

"Gusto mo munang kumain bago tayo mamili?" tanong nito sa kaniya.

"Busog ako," tugon niya.

"Himala!"

Hinampas ni Harmony sa braso si Ryan. Napangiwi ang lalaki.

Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR)Where stories live. Discover now