Chapter Ten

4.5K 122 23
                                    

NAKATITIG si Harmony sa kalangitan mula sa bintana ng kaniyang silid. Napalingon siya sa pintuan nang makarinig siya ng mga katok mula roon. Bumukas iyon at iniluwa ang kaniyang kapatid na si Melody.

"Ate, nandyan na naman si Kuya Ryan. Hindi mo ba siya lalabasin?" tanong nito sa kaniya.

"Sabihin mo natutulog pa ako."

"Sigurado ka? Ilang beses nang pumupunta rito si Kuya pero kahit minsan hindi ka nagpakita sa kaniya."

Inirapan niya ang kaniyang kapatid. "Mukha ba akong hindi sigurado? Sige na, lumabas ka na."

"Napakasungit mo. Nakakainis ka na. Lagi ka na lang ganyan. Diyan ka na nga!" litanya ni Melody at pabagsak na isinara ang pinto.

Nagbago na ang lahat simula nang umalis si Harmony sa bahay nila ni Ryan. Isang linggo na siyang nakabalik sa poder ng kaniyang mga magulang. Nagulat na lamang ang mga ito nang makita siya nitong dala-dala ang mga gamit niya. Hindi na nagtanong ang mga ito sa kaniya kung bakit siya bumalik doon at ipinagpapasalamat niya iyon dahil hanggang ngayon ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Ryan. At lalong ayaw niya munang makita ang lalaki.

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Harmony kay Ryan. Pakiramdam niya ay hindi niya pa lubos na kilala ang lalaki dahil sa nalaman niya. Alam niyang napakababaw ng dahilan niya para hindi niya kausapin ang lalaki tungkol doon, pero sana man lang ay naikwento iyon ng lalaki sa kaniya samantalang halos magpi-pitong buwan na silang nagsasama sa iisang bubong.

Nang sa tingin ni Harmony ay nakaalis na ang lalaki, lumabas siya ng kaniyang kwarto. Umupo siya sa sofa at binuksan ang telebisyon. Dumaan sa harapan niya ang kaniyang ina.

"Saan po kayo pupunta?" tanong niya rito nang mapansin na nakabihis ito.

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya. "Mag-go-grocery ako tapos pupunta ako sa Taytay. Nandoon kasi ang Daddy mo. Dinalaw niya ang auntie mo dahil may sakit daw. Maiwan ko na muna kayo. Nagmamadali ako dahil baka matraffic ako."

"Ako na lang po ang mag-go-grocery tapos dumiretso na kayo sa bahay ni auntie para hindi ka maabutan ng traffic."

"Ayy nako! 'Wag na. Magpahinga ka na lang diyan. At saka hindi ka naman pwede magbuhat ng mabibigat dahil malapit ka na manganak."

"Dadalhin ko naman 'yong sasakyan ko. Magpapatulong na lang ako doon sa mga bagger na dalhin 'yong groceries sa sasakyan. Gusto ko rin kasi lumabas muna."

Bumuntong-hininga ang kaniyang ina. "Sige, bahala ka. 'Wag kang magbuhat, ha? Magpatulong ka sa kanila roon." Inabot nito ang isang pirasong papel. "Nakasulat diyan lahat ng kailangan mong bilhin."

"Sige po. Ako na ang bahala rito. Ako na rin ang magbabayad," aniya.

"Sige. Salamat. Alis na ako."

"Ingat po kayo."

Bumalik si Harmony sa kaniyang silid at nagbihis ng damit-pang-alis. Pagkatapos niyon ay pinuntahan niya ang kaniyang kapatid.

"Aalis muna ako. Ikaw na muna ang bahala sa bahay," sabi ni Harmony kay Melody.

"Saan ka pupunta?"

"Mag-go-grocery mmuna ako. Nasaan si Jingle?" paghahanap niya sa bunsong kapatid nila.

"Nandiyan lang 'yan sa labas," tugon ni Melody.

Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR)Место, где живут истории. Откройте их для себя