05

5.8K 365 270
                                    

"Wala ka pa rin update?" Tanong sa akin ni Jimin habang hawak-hawak niya yung phone niya.

"Jimin, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang magbasa ng story ko." Giit ko.

"Kung ayaw mong binabasa yung story mo bakit nagsusulat ka pa? At bakit pinapublish mo pa?" Sarkastikong tanong niya bago siya gumulong papalapit sa akin.

"Lumayo ka nga sa akin, at isa pa bakit nandito ka sa kwarto ko? For pete's sake, malapit ng mag alas dose ng gabi!" Sigaw ko bago ko siya sinipa papalayo sa akin.

"Rose, sampong hakbang lang ang layo ng bahay mo sa bahay namin." Sabay irap niya bago siya naupo sa tabi ko, nakitingin siya sa laptop ko kaya naman tinulak ko yung mukha niya papalayo sa akin.

"Hindi normal sa dalawang 18 years old na babae't lalaki na magkasama sa iisang kwarto ng alas dose ng gabi."

"Hangga't wala tayong ginagawang masama normal lang yun." Inis na sabi niya bago siya sumandal sa akin at nagsimula na naman siyang magscroll sa facebook niya.

"Bakit ba ayaw mo nalang umuwi, matutulog na ako."

"Hindi ka natutulog ng alas dose Rose, sinong niloloko mo. At isa pa, hindi mo sinabi sa akin kung saan ka nagpunta kanina, ang gabi mo hindi ka aalis sa pwesto mo pero pagdating ko doon wala ka na, tapos ano? Hindi mo sasagutin yung tawag ko, syempre mag-aalala ko, kapag namatay ka ako yung huli mong kasama, papaaano kung ako yung sisihin nila sa pagkamatay mo at makulong ako?"

Walang emosyon akong nakatingin sa kanya.

"Hindi mo ba naiintindihan Rose? Nag-alala ako kanina, akala ko makukulong na ako." Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hampasin siya.

"Nag-aalala ka lang pala kasi makukulong ka, bwisit ka." Singhal ko.

Napabuntong hininga siya bago niya ako hinarap ng mabuti. "Pero saan ka nga nagpunta kanina? Bakit iniwan mo ko dun sa school, ang sabi ko lang naman kanina ay sasamahan ko lang si Jennie na iabot yung attendance, actually si Taehyung dapat yung kasama niya kaso hindi namin makita si Taehyung kaya imbes na mag-aksaya kami ng oras kakahanap sa isang yun, ako nalang sumama sa kanya." Pagkwento niya.

Daldal talaga ng isang 'to.

"Oo na, ang dami mong sinabi."

Nakatingin lang siya sa akin na para bang naghahantay siya ng paliwanag ko pero hindi ko sasabihin sa kanya kahit anong mangyari kung bakit ako umuwi.

Hindi talaga nila makikita si Taehyung dahil kasama ko siya, pagkatapos kong umiyak sa harap niya ay hindi ko na alam kung papaano ko haharap sa kanya bukas, alam niya. Alam kong alam niyang umiiyak ako dahil nasaktan ako kay Lisa at Jungkook.

At kaibigan siya ni Jungkook.

Natatakot ako na baka makarating kay Jungkook yung balitang umiiyak ako, ayoko ng magmukhang tanga sa harap niya dahil ilang beses na akong nagmukhang tanga at paulit ulit na nagpapakatanga sa kanya.

"Hey..."

Naramdaman kong tinutusok niya Jimin yung pisngi ko, napayuko ako. Ayoko ng ganto, ayokong umiyak ako sa harap ni Jimin.

Usually kapag gantong oras umiiyak lang ako, kasi naalala ko yung pinagsamahan naming dalawa ni Jungkook, ang dami kong what ifs. Ang dami kong gustong baguhin, ang dami kong gustong itama pero wala kahit isa doon yung pwede kong mabago kasi nangyari na.

Ang kaylangan ko nalang gawin ay tanggapin lahat ng nangyari na.

Pero hindi ganun kadali, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tanggapin, akala ko dati madali lang tanggapin yung mga bagay na nangyari na pero hindi. Ang daming bumabagabag sa isip mo, at tuwing pumapasok sa isip mo yung mga bagay na yun kasabay nun yung paninikip ang dibdib mo. At kapag nag umpisa na yun, kasunod na nun yung pagbagsak ng luha mo.

ROSALINE (Short Story)Where stories live. Discover now