08

4.7K 337 247
                                    

Ngayon na yung laban ni Lisa at Jungkook, required kaming lahat na pumunta para manuod para suportahan yung kaklase namin. Wala naman akong choice dahil manunuod rin si Jimin at isa pa gusto ko rin mapanuod kumanta si Jennie at Taehyung mamaya.

Wala na kaming sakit ni Jimin, kaya naman nagawa na naming makapasok ulit.

Pero ang hindi ko akalain na opening pala si Taehyung at Jennie, silang dalawa yung kumakanta habang rumarampa lahat ng contestant.

Halos manlaki ang mata ko ng kinanta nila yung Tonight ni Jessica at Ne-Yo. Nagsigawan lahat lalo na ng magsimula ng rumampa yung mga contestant. Mas lalong lumakas yung sigawan ng lumabas si Jungkook at Lisa, at halos mabingi na ako ng naghawak sila ng kamay habang rumarampa.

Pinaghahampas ako ni Jisoo nung kumindat si Lisa, kitang kita sa screen na kumindat siya kaya mas lumakas yung sigawan pero mas nangibabaw yung boses ng mga lalaki. Talon ng talon si Jisoo habang winawagwag ako, tapos si Jimin ay nakikisigaw na rin pagkatapos ay hinahampas naman niya si Yoongi na konting konti nalang ay masasapak na siya.

Nang magsimula yung pageant ay nakatulala lang ako, hindi ko na alam kung nasaan ba yung pageant, si Taehyung at Jennie na lang halos ang inaabangan ko pero mukhang hindi na yata sila kakanta ulit.

"CR lang ako guys." Sabi ko sa kanila.

"Ha? Malapit na yung question and answer, oh ayan! Magsisimula na pala." Sabi ni Jisoo sabay turo sa stage, nagsigawan na naman yung mga tao kaya alam kong simula na nga.

"Pero kaylangan ko na talagang mag-CR." Giit ko.

"Samahan mo naman si Rose." Utos ni Jisoo kay Jimin.

"Edi ikaw sumama, tsk. Kaya na niyang mag-isa yan. Malaki na yan, naninipa na nga yan eh." Sabi ni Jimin bago niya yung sinubo yung hotdog na hawak ni Yoongi.

Hanggang sa nabatukan tuloy siya ni Yoongi dahil kinain niya yung pagkain ni Yoongi, hilig kasing kumain ng hindi naman sa kanya, buti nga sa kanya.

"Oo nga naman, kaya ko ng mag-isa Jisoo. Para namang sa kabilang baryo pa ako magsi-CR." Tumango nalang si Jisoo dahil wala na siyang nagawa.

Naglakad na ako papunta sa CR. Panay ang excuse ko dahil masyadong madaming tao kaya naman natigilan akong bigla ng marinig ko yung boses ni Jungkook sa mic. Parang huminto yung tibok ng puso ko saglit bago ko tumingin ng diretso sa malaking screen sa harapan kung saan nakaflash yung mukha ni Jungkook.

"So the question for Mr. Jeon Jungkook is..." Binuksan nung MC yung hawak niyang envelope pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. "Single ka daw ba, tanong ng mga babae dito sa gilid."

Bahagyang natawa si Jungkook. "Nope." Nakangiting sabi niya.

May ilang napa-aww sa mga nanunuod at may ilan namang tumili. "Aba, kitang kita, walang halong duda, in love si Papi Chulo." Natatawang sabi ng MC habang tinuturo niya yung ngiting-ngiting si Jungkook.

"Actually, kasali din po siya dito. Pasok din po siya sa top 5." Kita mo yung pagiging proud ni Jungkook sa bawat pagbitaw niya ng salita.

"Sino dyan, turo mo dali." Sabi nung MC.

"Yun pong maganda na naka-bangs." Sabay turo ni Jungkook kay Lisa na ngayon ay pulang pula na, nakafocus kay Lisa ngayon yung camera kaya kitang kita yung pamumula ng pisngi niya.

"Aba, umi-star crossed lovers 'tong dalawa na 'to." Biro nung MC.

Romeo and Juliet? Sure, sobrang sikat ng pagmamahalan ng dalawang yun, parang yung relasyon nilang dalawa.

"Honestly, hindi po ako komportableng tinatawag kaming star-crossed lovers ng mga tao, opo masaya po ako na kinukumpara po nila yung relasyon namin kay Romeo and Juliet pero hindi ko po kasi kaya na baka matulad yung relasyon namin sa nangyari sa kanila, star-crossed lovers kasi ay para bang pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo itinadhana, pero naniniwala po ako na kami, ni Lisa. Ay itinadhana." Paliwanag ni Jungkook na umani ng tili sa mga manunuod.

"Oh pak! Hindi pa nagsisimula yung question and answer niyan pero kabog na yung sagot ni Mr. Jeon Jungkook." Sabi ng MC.

"So eto na talaga." Sabi nung MC bago niya tiningnan ulit yung hawak niyang envelope. "Here's your question Mr. Jeon Jungkook..."

Tinakpan ko na yung tenga ko, yumuko ako bago ako nagtatakbo papuntang banyo, wala na akong pakialam kung may mabunggo ako o maapakan ako, gusto ko nalang pumasok sa banyo at ikulong yung sarili ko doon.

Kaya naman ng makarating ako sa CR ay nanatili lang ako sa loob ng cubicle ng ilang minuto, hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatulala lang habang nakaupo sa toilet. Wala akong ibang naiisip dahil paulit-ulit lang pumapasok sa isip ko lahat ng sinabi ni Jungkook kanina.

Pati na rin yung ngiti niya sa bibig niya habang pinapakilala niya si Lisa sa harap ng maraming tao, isang bagay na hindi niya ginawa sa akin.

Tsaka yung pagiging proud niya kay Lisa na kahit kaylan hindi ko naramdaman.

Hindi ako umiiyak, nakatulala lang ako. Siguro nagsasawa na rin yung katawan ko na umiyak. Dahil wala rin namang nangyayari, namamaga lang yung mata ko kapag umiiyak ako, nadidihydrate lang ako.

Lumabas ako sa cubicle and then narealize kong 30 minutes akong nakakulong sa cubicle. Nakita ko yung maraming missed calls ni Jimin sa akin pero pinatay ko lang yung cellphone ko bago ko lumabas sa cubicle, tiningnan ko yung sarili ko sa salamin.

Nagsimula na naman ako sa pagse-self pity ko, hanggang kaylan ko ba sasabihan ng hindi magaganda yung sarili ko? Napahinga ako ng malalim bago ko tiningnang mabuti yung sarili ko sa salamin. I look like a mess.

Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang daliri ko bago ako lumabas ng cubicle hanggang sa narealize kong kaya pala maingay ay dahil coronation na. Magkahawak si Lisa at yung isang kalaban niya mula sa kabilang section at si Jungkook... na may crown na sa ulo.

"And the winner is..."

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa stage, nakita kong nakapikit si Jungkook na para bang nagdadasal siyang... sana si Lisa yung manalo.

"Lalisa Manoban!" Sigaw ng MC.

Napangiti ako, hindi yun peke. Pero pagod na ako, pagod na yung mata ko, yung katawan ko.

Parang alam ko na yung mangyayari, para bang nabasa ko na 'to sa isang istorya... na ako yung sumulat.

Lumapit sa kanya si Jungkook bago siya yinakap ng mahigpit, habang siya rin. Nakayakap ng mahigpit kay Jungkook at halos ayaw nilang bitawan yung isa't isa hanggang sa alam ko na.

Alam kong masasaktan ako pero bakit, bakit nakatayo pa rin ako dito at pinapanuod ko silang dalawa.

Alam ko na yung susunod na mangyayari dahil hinihintay ko nalang na magdikit yung labi nilang dalawa.

Pero bago pa tuluyan magdikit yung labi nila ay bigla nalang nagdilim ang paningin ko, hindi dahil hinimatay ako kundi dahil may taong nagtakip sa mata ko.

"Hindi ko man magagawang alisin yung sakit pero kahit papaano mas mababawasan yung sakit kung hindi mo makikita."

"T-Taehyung..." 

ROSALINE (Short Story)Where stories live. Discover now