09

4.6K 339 216
                                    

Inalis niya yung pagkakatakip niya sa mata ko at hinarap niya ako sa kanya, pero imbes na kay Taehyung tumama ang panignin ko ay napatingin ako sa likod niya at nakita ko si Jennie na nakasandal sa gilid habang tinitingnan ako.

Pinakita niya sa akin yung cellphone niya kung saan nakaflash yung maraming text ni Jimin.

"Hinahanap ka sa amin ni Jimin kanina sa back stage, syempre yung OA mong pinsan na si Hoseok akala tumalon ka na ng ilog or something, nag-alala silang lahat sa'yo. Mangiyak-ngiyak na si Jisoo kanina at iniisip niya na sana sinamahan ka niyang mag-CR." Sabi ni Jennie sa akin.

Napayuko ako ng marealize kong gulo na naman yung naidulot ko sa mga taong nasa paligid ko.

Lumapit sa akin si Jennie bago niya ako kinuha mula kay Taehyung, hanggang sa naramdaman kong niyakap niya ako. Mahigpit.

"Nag-alala kaming lahat sa'yo Rose." Nabakasan ko yung pagcrack ng boses niya. "Mabuti nalang naalala ko na may CR pa dito, buti nalang nakita ka na namin." Humikbi siya.

"Rose, tama na please. You don't deserve him, you don't deserve this." Bulong niya sa akin.

Naramdaman ko yung panginginig ng luha ko, napayakap ako ng mas mahigpit kay Jennie. Napatingin ako kay Taehyung na nginitian ako.

"You deserve the truth Rose, hindi ko na kayang isekreto sa'yo 'to. Pero Rose, akala naming lahat na mas maganda kung hindi mo nalang malaman kasi mas masasaktan ka lang pero papaano ka makakamove on kung hindi mo talaga alam yung dahilan ng break up nyo ni Jungkook." Naramdaman kong mas lalong humigpit yung yakap niya pero ng marinig niyang humihikbi na ako ay humiwalay siya ng yakap sa akin bago niya hinawakan yung braso ko, pinunasan niya yung luha ko gamit yung daliri niya.

"Rose, naalala mo nung Valentine's day?" Tanong niya sa akin. Hindi ako nagsalita, kasi hindi ko magawa.

"Yung sunflowers, yung chocolates." Paliwanag ni Rose pero tumango lang ako sa kanya, paulit ulit lang akong tumango sa kanya.

"That's for Lisa, akala niya yung locker mo--"

"I know, I know Jennie, I know." Mas lalong lumakas yung hikbi ko.

"Rose..." Nakita ko yung gulat sa mata niya pero nanatili lang siyang nakasteady.

"I know Jennie, It's just... I know, narealize ko lang. Matagal ko ng narealize at nung narealize ko yun gusto ko na siya." Mas lalong lumakas yung pagbagsak ng mga luha ko.

"Kaya naiintindihan ko si Lisa, Jennie. Naiintindihan ko siya, naiintindihan ko silang dalawa dahil in the first place never akong magiging bida sa isang istorya na hindi naman talaga para sa akin."

"Shh, Rose." Pilit niyang pinupunasan yung sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko na akala ko ay hindi na ulit babagsak, kasi akala ko pagod na yung mata ko.

"Naiinintindihan mo ba ko kung bakit hindi ako nagagalit sa kanilang dalawa? Kasi naiintindihan ko sila at yun yung masakit, kasi kung maibabalik yung panahon at malalaman kong mahal rin ni Lisa si Jungkook nung mga panahon na mahal ko na rin si Jungook, Jennie hindi ko alam kung anong kaya kong gawin. Masasaktan ko si Lisa, masasaktan ko siya kasi pipiliin ko si Jungkook kaysa sa kanya. Kagaya ng ginawa niya."

Nakita kong may bumagsak rin na luha sa mata ni Jennie pero mabilis rin niya iyong pinalis bago niya ako yinakap ulit ng mahigpit.

"Payakap din ako." Nakangusong sabi ni Taehyung, kahit hindi pa kami nakakasagot ni Jennie ay niyakap niya kaming dalawa. Pero tinadyakan siya ni Jennie kaya naman napalayo siya sa amin ng bahagya bago niya ininda yung sakit.

Natawa naman ako habang pinapanuod ko si Jennie na pinaghahampas si Taehyung dahil hinawakan pala siya nito sa pwet niya pero dinedeny ni Taehyung iyon.

Hanggang sa nakita ko si Jimin, Jisoo, Hoseok, at Yoongi na naglalakad papalapit sa amin at pareparehong mukhang nabunutan ng tinik ng makita nila ako.

Hanggang sa naramdaman ko nalang bigla yung mahigpit na yakap sa akin ni Jisoo habang iyak siya ng iyak. "Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo, dapat talaga sinamahan na kita sa banyo, simula ngayon sasamahan na kita sa banyo, kahit saang banyo ka pumunta huhu kahit dun pa sa banyo ng 2nd floor."

Kahit may bahagya pang luha sa mata ko ay natawa ako, alam ko kasing ayaw niyang magCR sa 2nd floor dahil may kwento na may multo daw doon.

"Jisoo, ayos lang ako." Sabi ko sa kanya pero ayaw pa rin niya akong bitawan, iyak lang siya ng iyak.

"Jisoo, bitawan mo na si Rose. Ikaw yata 'yang papatay sa kaibigan mo eh." Parinig ni Yoongi kaya naman bumitaw na si Jisoo sa akin bago niya pinunasan yung luha niya at hinarap ako kahit humihikbi pa rin siya.

Para namang isang taon akong nawala pero ang totoo ay mahigit isang oras lang akong nawala, papaano kung nachismis lang pala ako tapos ganto na sila, nakakainis naman pakiramdam ko tuloy, pinag alala ko sila ng sobra.

Napatingin ako kay Jimin na hanggang ngayon ay nakasandal lang sa pader habang nakatingin sa akin, nakacross arms siya at masyadong unusual yung ekspresyon ng mukha niya.

"Oy Jimin." Tawag ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"Hoy, nagagalit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya bago ko tinusok yung tagiliran niya.

Akala ko ay bubulyawan niya ako pero hindi, mas malala pa sa bulyaw dahil hinampas niya ako ng malakas sa braso ko, napasigaw ako sa sakit noon pero hindi niya ako tinitigilan dahil hinampas ulit niya ako pero sa kabila naman, kung makahampas siya sa akin parang hindi siya malakas at parang hindi ako babae ah!

"Ano bang ginawa mo ha?! Akala ko kinain ka na ng toilet!" Sigaw niya sa akin bago niya ako hinampas sa likod ko.

"Aray naman!" Sigaw ko bago ko siya ginantihan ng hampas, pinaghahampas ko siya hanggang sa manggigil na ako sa kanya at kinurot ko na siya sa tagiliran niya.

Napasigaw siya ng malakas dahil sa ginawa ko pero ng matapos ko siyang kurutin ay nakatinginan nalang kaming dalawa hanggang sa parehong kaming napangiti sa isa't isa.


ROSALINE (Short Story)Where stories live. Discover now