Chapter I

77.8K 2.1K 410
                                    

Nanginginig si Leona Grace habang pinagmamasdan ang pangugulpi ng mga kaaway ng kapatid nyang si Leon Knight.

Hilam sa luha at punong puno ng takot ang dalaga habang nakatingin sa duguan na kapatid. Tila wala na itong buhay.

"Tang ina, nakaganti rin sa wakas!"

"Dapat lang sa iyo yan! Mayabang ka eh!"

"Ano Leon, ngayon mo ilabas ang tapang mo!" sabay hampas ng baseball bat sa duguang mukha ng nakahandusay na lalaki.

"Bilisan nyo na mga pare, isunod na natin ang magandang kapatid nyan, mukhang masarap!" nakangising sabi ng isang lalaki.

Lalong nanginig sa takot si Leona Grace. Kung hindi sya kikilos, siguradong papatayin din sya ng mga ito. Kailangan humingi sya ng tulong. Kailangan nyang makatakas sa eskinitang ito at tumawag ng pulis.

Akmang tatakbo na sya subalit may nabangga sya sa likod. Napaupo sya sa lakas ng impact. Hilam sa luhang tiningnan nya ang taong nabangga nya.

Isang babae pala. Nakasuot ito ng gray na jogging pants, white tshirt na may nakaprint na "DON'T ASK ME STUPID QUESTIONS. Naka tsinelas lang ito at may wireless headphone sa ulo. May hawak itong isang clear plastic bag na may lamang mga pagkain.

Kahit nanghihina at nanginginig sa takot, pinilit nyang tumayo at lumapit sa babae. "M-miss, please tulungan mo kami. Ang kapatid ko, p-papatayin nila." nagmamakaawang wika nya.

Subalit tila hindi sya naiintidihan nito.

"TUGS TUGS TUGS TUGS"

Malamang naka full blast ang volume ng wireless headphone nito dahil naririnig nya pa ang sound ng TUGS TUGS TUGS TUGS...

"P-parang awa mo na Miss, tulungan mo kami. T-tumawag ka ng pulis." iyak nya pa.

"TUGS TUGS TUGS TUGS".

No choice kundi hatakin sa tainga nya ang headphone. Mukhang wala syang plano makinig.

"Heyyyy!" angal ng babae.

"T-tulungan mo kami please."

Di sya tinignan ng babae pero bigla nitong pinahawak sa kanya yung dala nitong plastic bag na may laman na mga ulam. Mukhang dinner nya.

Mula sa bulsa, inilabas nya ang ipod nano nya. In-end ang music at biglang nawala ang sound sa headphone nya. Nakabluetooth ang music nito sa wireless headphone. Muli nyang ibinulsa ang ipod nano nya.

Nilagay nya sa leeg nya ang headphone tapos tumingin sa kanya. "What?" maangas nyang tanong.

Naiiyak na itinuro nya ang limang lalaki na pinagtutulungan gulpihin ang bugbog sarado nyang kapatid. Anim sila lahat, ngunit yung isa ay nagvivideo lang.

Tumango tango lang ang babae. Tapos pinulot nya sa sahig ang nakakalat na paddle, yung ginagamit sa pang hazing.

Nanlaki ang mata nya ng bigla nitong ihagis sa grupo ng kalalakihan.

"Tangina! Sinong bumato nito?!" galit na mura ng isa sa tinamaan na lalaki.

Napaurong sa takot si Leona Grace samantalang ang babae ay tila nagmamaang-maangan sa ginawa nya. And worst, tinuro pa sya!

"Anak ng teteng! Gusto mong makatikim ha?!" nanggalaiting sigaw pa nito.

Umiling iling sya at lalong lumakas ang iyak sa takot lalo na ng nagsilapitan yung anim na lalaki. Nakatutok sa kanilang dalawa yung camera ng lalaking nagvivideo.

Nakita nya na hinubad ng babae ang tsinelas nya at biglang ibinato sa lalaking nagvvideo. Sapul! Tumilapon pa yung cellphone.

Shocked silang lahat!

"Shit!" sigaw nong lalaking naka cap na may hawak na cellphone. Mabilis nitong pinulot ang cellphone nya.

Lumapit pa yung babae sa lalaking may cellphone na binato nya. At parang baliw na naki usyosa pa! Tinignan din kung nasira ang phone.

"Pasalamat kang babae ka at hindi nasira!" inis nitong sabi.

"Aisssst tama na yan Splinter. Ipagpatuloy mo ang pagvvideo.Hawakan na yang kapatid ni Leon! Isama nyo na rin tong paki-alamerang babaeng to!" naiiritang sigaw ng tila leader nila.

Hinawakan nong dalawang lalaki yung braso nong babae subalit bigla nitong hinablot yung sumbrero ni Splinter. Mabilis nyang isinuot sa ulo.

"Tangina, pakialamera talaga!"

Tuluyan ng nabwisit yung mga lalaki at kitang kita ni Leona Grace na tinadyakan yung makulit na babae sa tiyan. Hindi pa nakontento, sinampal pa ng malakas sa pisngi.

"T-tama na, wag nyo na syang saktan." naluluhang awat nya.

"Tsk tsk tsk. Pagsabihan mo tong pakialamera mong kaibigan kung ayaw nya masaktan!"

Hawak hawak ng dalawang lalaki sa braso ang babae. May dugo sa gilid ng labi nito.

Nakatingin sa mukha ng babae yung leader na si Aristotle.

"Hmmn, maganda ka rin pala huh!"

Akmang hahawakan pa nito sa mukha ang babae subalit biglang umigkas ang paa nito at sinipa ng malakas sa tiyan yung leader. Talsik!

"Fuck! Aristotle!" nabiglang sigaw nila.

"Basagin ang mukha ng babaeng yan!"

Lumapit yung dalawang lalaki na may hawak na baseball bat subalit bago pa nila maihampas ang baseball bat, marahas na hinatak ng babae ang braso nya, sa lakas ng impact, napasama ang dalawang lalaking mayhawak sa kanya kaya ang ending, sila ang nahampas ng baseball bat sa ulo. Bagsak ang dalawa.

Lalong nagpuyos sa galit ang mga ito. Sabay sabay sumugod. Akmang hahampasin nilang muli ngunit malakas niyang sinangga ang baseball bat at binigyan ng flying kick sa mukha ang isa. Mula sa likod, pa traydor sana syang hahampasin ng isa subalit inilagan nya ito at mabilis sinuntok sa sikmura. Bagsak!

Dalawa na lang ang natitira. Yung Aristotle at Splinter na nagvvideo na naman.

Nakita ni Leona Grace na pinunasan ng babae ang sulok ng labi nya na may dugo. At marahang inayos ang cap sa ulo. Tila nais itago ang mukha.

Namamangha man si Leona Grace sa lakas ng babae, subalit hindi ito ang oras ng panonood kaya minabuti nyang tumakbo sa nakahandusay na kapatid. Inalalayan nya ang ulo ng walang malay na si Leon Knight.

Samantala, naglabas ng baril si Aristotle at itinutok sa babae, ngunit tila hindi sya natatakot. Unti unting lumalapit ang babae kay Aristotle hanggang sa mabilis nyang takbuhin ang distansya nila. In a snap, she's right in front of Aristotle, holding his gun and disarming it in a second.

Laglag sa sahig ang iba't ibang parte ng baril. Tulala sila sa bilis ng babae. Nakangisi nito binigyan ng flying kick sa mukha ang hindi makagalaw na si Aristotle. Bagsak!

"S-sino ka ba?" Natatakot na tanong ni Splinter habang nakatutok sa kanya ang camera ng cellphone. Sya na lang ang natitira sa grupo nila.

"My name is... Bond." seryosong wika ng babae.

"B-bond?" takot na ulit ni Splinter.

"JAMES BOND." nakakalokong wika ng babae bago sya binigyan ng upper cut. Tulog!


****Please vote and comment. Thank you!

Bad PrincessWhere stories live. Discover now