Chapter XIII

43.4K 1K 11
                                    

"Dafuq pre! Unli ka naman eh. Darating nga sya!"

Nauurat na si Wesley sa paulit ulit na tanong ni Silver kung susunod ba si Petunia sa kanila pagkatapos nilang lumabas sa Luneta Park.

Kasalukuyan silang nasa race circuit  habang hinihintay si Rye.. Kagaya ng utos ni Andres este Rye dalhin daw si Petunia dito, kung hindi nga lang umepal yung Andrew na yun, malamang kasama na nila ang babae.

Maya maya biglang may sumulpot na sportscar red Ferrari.Bumaba ang sakay non.

Nanlisik naman ang mata ni Silver pagkakita sa mayabang na ungas. Samantalang tahimik lamang si Kyler.

"I don’t know why you’d want us to come here. If you want a race, sure-

"Shut up! Hindi kami nakikipagusap sa hindi namin kilala!" masungit na singhal ni Silver.

"Tama, tama!! Bawal ang epal dito!"

"Tangna naman Wesley, talsik naman laway mo!" mahinang mura ni Silver.

Kunot noong nakatingin si Andrew sa mga kaharap. Tila hindi naintindihan ang mga sinabi. May palagay pa syang sinasadya ng mga ito na magtagalog para hindi nya maintindihan. "What did your friends say?" tanong niya sa tahimik na si Kyler.

"Let’s race. If you lose, you will leave Petunia alone. And if you win, we will let your presence here.”

“Are you kidding me?” natatawang sagot na tanong ni Andrew. Malamang hindi sya kilala ng mga amateur na ito. “Deal but if I win, you will help me with my princess. I want her to come with me to London!”

“Anong sinasabi mong prinsesa mo?”  halatang inis na sabat ni Silver. Sigurado syang hindi naman nya girlfriend si Petunia. “Kung gusto mong umalis, umalis kang mag isa mo!”

“Can you please speak in English?”

“Eh gago ka pala!” tuluyan nang napikon si Silver. Mabilis na lumapit kay Andrew at sinapak sa panga. Muntik na tong matumba sa suntok nya. “Huwag mo kong utusan. Andito ka sa Pilipinas, pwes matuto kang magtagalog!”

“Tama tama! Bawal ang hilaw na bakulaw dito!”

“Pakshet Wesley, talsik na naman ang laway mo!”

Akmang sasagot sana si Wesley na biglang sumulpot ilang pulgada sa kanya ang Aston Martin ni Rye. Napasinghap pa.sya sa kaba. “Pota naman Rye, papatayin mo ba ako?” masama ang loob na sigaw ni Wesley.

Bumaba ng sasakyan niya si Rye. Nilibot ang paningin sa paligid at nagdilim ang paningin dahil wala syang nabungaran ni anino ni Petunia. “Where’s the stupid girl?”

“Kasalanan ng hilaw na kapreng yan. Tanungin mo sya!” masama pa rin ang loob na sagot ni Wesley sabay turo kay Andrew.

Tila naman naintindihan ng lalaki ang pinaguusapan ng mga ito. “If you‘re asking about my princess, beat me first!”

Kunot noong tinignan ni Rye ang lalaki. Hindi nya kilala ito. Why did he call her my princess? Is he her boyfriend? Tss! Walang taste!  Nainis sya sa naisip sa pagaakalang may bofriend na si Petunia. Kuyom ang kamao. “If you lose, don’t show your fucking face here ever again. But if you win, I’ll spare your life!

“Seriously?! Hahaha” maangas na tumawa si Andrew. “But we already have a deal!”

Tila walang narinig na tinalikuran ni Rye ang lalaki. Sumakay sya ng Aston Martin nya. Ganun din sina Silver sa Bentley nya, si Kyler sa Mclaren nya at si Wesley sa Lamborghini na hiniram nya kay Rye.

Pumwesto sila sa starting line ng racetrack. Naiiling na sumakay naman si Andrew sa Ferrari nya.

Sikat ang grupo nina Rye sa speed racing. Halos lahat ng nasa benches ay pabor sa kanila. Kilala sila ng lahat. Kapag may drag racing, marami ang nakikipag pustahan.

“Kay Rye pa rin!”

“Sa pulang Ferrari ako, maiba naman.”

“Truce?”

“Harley-

“Nah, ayoko ng harley. Gusto ko yung Mustang mo!”

“Deal!”

“Mukhang maganda ang laban ngayon ah!” nakangising sabat ng kadarating na lalaki. Sa likod nito ay may lima pang kalalakihan.

“Shit pre, sibat na tayo!”

“Sina Aris yan!”

“Nakalabas na pala sila?”

“Balita ko, napatumba ang grupo nila  ng isang babae lang-

Hindi na naituloy ng lalaki ang kanyang sinasabi dahil napaigik.na lang sya sakit ng bigla syang sikmuraan ni Raphael. “Dude, hindi maganda sa lalaki ang pagiging tsismoso!” nakangising wika ni Raphael sabay sapak sa mukha ng lalaki. Hindi pa sya nakuntento, mabilis nyang tinadyakan ang tiyan nito.

“Mga pare, pwede bang makahiram ng Mustang at Harley nyo?” ngising malademonyong wika ni Aris. Halatang takot sa kanya ang mga kaharap. “May hahabulin lang kami.”

“O-oo naman bossing!” natatakot na sagot ng lalaki sabay abot ng susi.

Sinenyasan ni Aris si Splinter na samsamin ang mga susi. Nakangisi namang kinuha nito.

“Siguraduhin nyong itutumba yung grupo nina Rye. Isama nyo na rin yung bagong salta.” nakangisi habang nakatingin si Aris sa unahan ng racetrack habang nagpapainit ng makina ang grupo nina Rye.

Ilang sandali pa, ibinaba na ng babaeng naka mininskirt ang bandera hudyat na simula na ng kompetisyon.

Sumakay na rin ng sasakyan nila ang grupo nina Aris. Si Donatello sa Mustang, si Leonardo sa Porsche, si Michael Angelo sa Rolls Royce, si Raphael sa Camry at si Splinter sa Harley na motor.

Naunang umabante si Aris sakay ng kanyang Ford Gt.

“Let’s start the partyyyy! Sigaw ni Raphael bago mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

Bad PrincessWhere stories live. Discover now