Chapter LI

30K 760 42
                                    

Kith Sentosa POV

What happened? Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot matapos mabasa ang sulat mula sa reyna.

Galit sya at nagbabanta. Anong ginawa ko?  Hindi nya ba nagustuhan na may bagong kaibigan ang apo nya? Or mali ako ng sinabi? Kapatid? Why?

First time in history na sya mismo ang sumulat ng letter. Karaniwan ay mga manservant or mga private escort nya ang gumagawa ng letter na dinidikta nya. May nakalagay pang confidential.

Napabuntong hininga ako. Lumapit ako kay Karim Cervantes na seryosong nagtatype sa kaniyang mac.

"Karim, what do you think about it?" pinakita ko sa kanya ang liham ng reyna ngunit tila hindi nya nagustuhan ang ginawa ko.

"Mr. Sentosa, do you know that showing this letter to anyone is a sign of disrespect to her Royal Highness?" seryoso at naninitang wika ni Karim.

Napaatras naman ako. Kung kanina ay kinakabahan ako, ngayon naman ay doble ang kaba ko. Lalo na ng hinawakan ni Karim ang baril na nakapatong sa table nya. Shit!

"I'm sorry." Nanginginig kong paumanhin.

"I am warning you. The next time you showed this kind of letter to anyone, I will kill you. This is an act of treason just so you know." 

Nakayukong tumango ako at umalis sa harapan nya.

"As a piece of advice, do not include any siblings on your report. The Princess had a brother once but died in a tragedy with their parents." bumuntong hininga ang matanda. Kumalma at sandaling hinilot ang noo.

"This is top secret and even the Princess did not know anything about it. If you ever tell someone about what I have told you, I will kill you, I will find your parents, your siblings and even your ancestors. I will make sure they will all die in my hands."

Punyeta! Bakit sinabi pa nya iyon? Anong gusto nya, mawala sa landas ang lahat ng may apelyidong Sentosa? Sana hindi na lang nya sinabi ang pinakalilihim na sikreto ng palasyo. Fuck!

Mabilis akong lumabas ng silid ni Karim. Hype na matandang huklubang yun. Pinasa pa sa akin ang burden nya!

Kakaiba si Karim. Kung si Seymour ay ubod ng seryoso, si Karim ay seryoso ngunit mas playful. Para syang si Master Oogway ng Kungfu Panda, full of mystery and full of sayings.

Natawa ako sa naimagine kong itsura ng pagong at ni Karim Cervantes. Parehas silang matanda at parehas na kalbo at parehas din na may balbas na puti. Regaluhan ko kaya siya ng baston yung kamukha ng kay Master Oogway?

Wag na lang. Baka maging katapusan pa ng buhay ko yun!

Pero seryoso. Bakit hindi pa nagpapakita si Karim Cervantes kay Princess Petunia? Pati tuloy ako ay hindi rin makakilos ng maayos. Ano bang ginagawa ng matandang ito? Haysss

West International School

Gray POV

We are now under Petunia's hands. She will be our boss. At bukal sa loob ko ang pagtanggap sa kanya lalo na sa lahat ng kagrupo ko.

Humingi kami ng tawad sa kanya at higit sa lahat sinabi namin na nanganganib ang buhay naming lahat. Kaya hiniling namin sa kanya ang proteksyon na tanging sya lamang ang may kakayahan.

Nakaluhod kami habang nakaupo sya sa zen garden.

"Please. Allow us to be your underling. We want you to be our leader." nakayuko at nakaluhod na wika ni Hawk. Sumangayon naman kami.

"Our lives are at stake here. Territorio gang wants us dead. And they will do anything to kill us. Please help us!" nagsusumamong wika naman ni Lindy.

Ilang minuto pa kami nakayuko at hinihintay ang sagot nya. Subalit tahimik lamang sya. Tumingala pa kami subalit sa ibang direksyon sya nakatingin.

Nang lingunin namin ang tinitingnan nya, nakakita kami ng tatlong unggoy na nakasabit sa puno. De joke hahahahaha, sina Silver, Kyler at Wesley ang nasa puno.

Para silang mga tanga habang may hawak hawak na cellphone at may tinitingnan na kung ano.

"Baka nanonood sila ng scandal?" si Hawk. Hinuhulaan ang ginagawa ng tatlo sa puno.

"Pwede. Pero ang hula ko, porn yun, pwede ring hentai! Syempre, doon sila manonood sa walang makakakita sa kanila. Look at their faces, lahat nakanganga!" matter of fact na wika ni Stephen. Tila nagrereport ng kung anong weather forecast.

Samantalang sina Lindy at Rose ay tahimik na nagbubungisngisan. Parang mga baliw.

Ako na nag nahihiya sa mga kagrupo ko. Ano na lang ang sasabihin ni Petunia?

I cleared my throat at ipinarinig sa apat kong kagrupo upang kunin ang atensyon nila. Nagsitahimikan naman sila.

Hinihintay namin kung anong magiging sagot ni Petunia.

Ilang minuto pa, narinig na namin ang sagot nya. "TUGSTUGSTUGSTUGSTUGS!" wika ng headphone nya.

At sigurado kaming oo ang katumbas niyon kaya nakahinga kami ng maluwag.

Ngunit alam naman namin sa sarili namin na hindi talaga nakikinig sa amin si Petunia. Sinong makakadinig kung sing lakas ng drum ang headphone ni Petunia?! Wala. Nada.

Alam namin na niloloko lamang namin ang aming mga sarili, pero basta, yun na yun! Underling na kami ni Petunia! Hehehe

Bad PrincessWhere stories live. Discover now