Chapter XXII

35.6K 869 3
                                    

Someone's POV

West International School

"Are you sure it's her?"

"Hmmn, yeah."

Nagkatinginan ang dalawang nilalang na tahimik na nag uusap. Nasa itaas sila ng mayabong na puno. Walang nakakapansin sa kanila.

Mula sa telescope nila, minamatyagan nila ang isang babaeng may kasamang tatlong lalaki. Halata sa kilos nila na hindi sila pangkaraniwang estudyante.

The long haired girl wore short skirt and school blouse uniform. She's a looker. She walks with confidence like a Queen. She's respected, adored and everybody seems to like her.

Bigla itong tumingin ng matiim sa puno na kinapu-pwestuhan nila. Pigil hininga silang dalawa.

"Mukhang alam nyang nagmamatyag tayo."

"Hmmn, yeah."

Kitang kita nila sa telescope na biglang dumukot ng bagay ang babae sa bulsa nito.

Alam na nilang dalawa ang kasunod non, ihahagis sa kanila ang shurikken. Akmang aalis na sila ng puno ng biglang may isa pang babae ang humarang sa target nila. Hindi natuloy ang pag atake sa kanilang dalawa. What a luck!

"Swerte, may asungot."

"Hmmn, yeah."

Gulo gulo ang buhok ng babae. Nakasuot ito ng school uniform ngunit may jogging pants din sa skirt, at may suot na apron. May hawak itong balde sa kanang kamay, samantalang sa kaliwa naman ay pang mop.

Kung hindi lamang ito nakasuot ng school uniform, pagkakamalan nilang baliw ito.

Napalatak at napahagikgik sya. Kitang kita kase nila sa telescope na hinampas ng 'baliw na janitress' ang target nilang babae.

Sinugod ng tatlong lalaki ang babaeng baliw. Akmang susuntukin sya ngunit mabilis na binato ni Haye, ang kasama ko, ng lollipop ang kamay ng isa sa lalaki. Tumusok ang handle ng lollipop sa kamay nito. Dugo!

"Bakit mo tinulungan yung baliw na babae? Dahil natuwa ka?"

"Hmmn, yeah."

Tangina dis! Wala talaga syang ibang alam sabihin kundi Hmmn, yeah. Bagay na bagay sa pangalan nyang Haye na binaligtad na Yeah.

Paglingod ko, tatlong shurikken ang sunod sunod na dumating sa akin. Buti na lang mabilis ang reflexes ko, naiwasan lahat.

Wala na ang babaeng baliw, ngunit andoon pa rin ang tatlong lalaki at si Lumina Sentori, ang babaeng binabantayan namin.

Si Lumina ang isa sa pinakamalakas na maaari naming makalaban kapag nagsimula na ang palaro sa underground society. Kanya kanya kaming teknik kung paano maaalis sa landas ang mga posibleng maging karibal, makuha lang ang isa sa pwesto ng Territorio Gang.

"Alis na tayo."

"Hmmn, yeah."

Someone's POV

Mula sa rooftop ng school, pinagmamasdan ng limang nilalang ang dalawang lalaki sa puno na nagmamatyag kay Lumina Sentori.

Alam nilang plano ng dalawang lalaki na patayin si Lumina, kagaya ng plano namin.

"Bantayan natin ang mangyayari." wika ng isang lalaki na seryosong pinapanood sina Lumina at ang mga kasama nito.

"She's weak. If I lose my patience, I'm gonna kill her." wika naman ng isang iritadong babae.

"Bes, calm down. Omg!"

"Tss, ang ingay!" kunot noo naman na saway ng isang lalaking may hawak na libro.

"HAHAHAHAHA shit!" biglang humagalpak ng tawa ang isang lalaki na may buhok ng parang sa mohawk.

Tumawa din ang apat na kasama nya. Kitang kita nila ng hampasin ni "Petunia", yeah kilala nila ang babaeng baliw, si Lumina. Mukhang may ginawa si Lumina na ikinagalit ni Petunia weirdo.

Mukhang may rumble na magaganap. Alam namin na walang pakialam si Petunia sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya, wala rin syang takot at higit sa lahat, sa sobrang weird nya, wala pang isang araw na pumapasok sya sa school, sikat na agad sya.

She's weird but ordinary. She's noticeable, but she's walang pakialam. She's unaffected. She just walk and move like no one is around her. At kahit isang beses, hindi pa nila nakitang nakipag usap kanino man ang babaeng baliw!

Sumugod kay Petunia ang tatlong lalaki, subalit mula sa puno na kinalalagyan ng dalawang lalaking nagmamatyag kay Lumina, nagbato ang isa ng what the f- lollipop?

Nagkatinginan silang lima. Bukas sara ang bibig nila.

Isang pangkaraniwang lollipop lang yun, pero nagawa nya pa rin tusukin at paduguin ang kamay ng lalaki, lalo na sa malayong distansya? Shit!

Hindi pangkaraniwan ang dalawang lalaking yun!

"Kailangan natin magsanay at gumawa ng plano kung gusto nating mapabilang sa Territorio Gang!"

"Malalakas ang kalaban. Dapat seryosohin natin ang pagsasanay!"

"Lintek. Nagsisimula na silang i- eliminate ang posibleng kalaban!"

"We need to plan right away!"

Bad PrincessWhere stories live. Discover now