STACEY POV
Bakasyon na hindi rin naman nagyaya si Mama na mag-out of town nakakasawa na daw kaya dito nalang kami. "Ma? alis lang po ako sandali"
"Stacey? 'wag magpapagabi sa daan huh? Alam mo naman na walang sinasanto ang mga taong tarantado" Haha 'to talagang si Mama kung pwedi lang e'record ginawa ko na kaso baka palayasin ako haha..
"Opo Ma, i will" sabay kiss sa cheeks "Bye Ma promise uuwi ako ng maaga 3pm pa naman po tsaka di po ako magpapagabi sa daan. I Love You sagad hanggang moon 'yan Ma"
"Anak ha?"
Si mama talaga.."Opo mama bye"
"Mag-iingat ka anak"
"Opo para sa inyo ni Papa"
Sa totoo lang wala naman akong pupuntahan gusto ko lang lumabas ng bahay ang boring kasi .Ang trabaho ko lang; nood ng TV, kain, tulog my geed! baka lumobo ako. Wala na ngang nakakapansin sakin ngayon pa'no nalang 'pag tumaba ako.
Nakita ko 'yung nagbebenta ng ano nga 'yun? dirty ice cream ba kamo? Aish basta 'yun ata pangalan 'nun.
"Kuya? Magkano po?"
"10 pesos po"
Kakakagat ko palang sa ice cream ng makita ko 'yung bata malapit sa park iyak ng iyak kawawa naman na'san na kaya 'yung mga kasama nito? huwag niyo namang sabihing naiwan nila? Aba! napakatanga naman yata. Malapitan na nga lang.
"Baby? what's your name?
"Shane po"
"Sinong kasama mo Shane? bakit ka umiiyak?" Naman sino ba kasing kasama nito kasi 'pag ito naiwan dito talaga iuuwi ko 'to sa bahay promise napakacute nung bata.
"Si Kuya Shann po ate, sabi niya sakin kanina dito lang daw po muna ako sa park maglaro babalikan naman daw niya ako" Aba! gago rin pala 'yung Shann na 'yun iwan ba naman 'tong bata dito sa park? Pa'no pagkinidnap? Aba anak ng tokwa ang tanga talaga kapag 'yun lumapit dito sasakalin ko talaga.
"Ganun ba baby? Ano bang kalukohan ng kuya Shann mo at iniwan ka dito? baby Shane? alam mo bang delikado dito ang mga batang katulad mo lalo na't nag-iisa marami kasing mga bad jan sa tabi-tabi. Halika hintayin na lang natin si kuya mo ha? Gusto mo ng ice cream? bibili si ate"
"Opo Thank you ate" sabay yakap sakin nung bata kyaaahh and sarap tuloy magkaroon ng kapatid. Lumayo siya ng konti sakin. "Ate? ano pong pangalan niyo?"
Ang saya siguro 'pag may kapatid no? kung may kapatid lang ako siguro proud siya na ate niya ako. Ay nga pala nagtatanong 'yung bata "Ah baby ako nga pala si ate Stacey"
"Ang haba naman po ng pangalan niyo ate"
"Hindi naman baby Ah"
"Diba po sabi niyo? Ah baby ako nga pala si ate Stacey"
Laptrip din 'tong batang 'to "Haha ikaw talaga. Stacey lang ang pangalan ko baby, hindi kasama 'yung ah baby ako nga pala si ate"
"Ahy hihi sorry po Ate ha? Alam niyo po ang bait bait niyo. Ate gusto kita para sa Kuya ko" Aba may nalalaman pang Ate gusto kita sa kuya ko. Haha iba na talaga ang panahon ngayon pati ba naman mga bata alam na alam na ang tungkol sa mga ganitong bagay.
"Baby? alam mo bumili na lang tayo ng ice cream kasi 'yung kay ate tunaw na."
"Sige Ate" nakakatuwa naman 'tong batang 'to 'san naman niya nakuha 'yung mga salitang 'yun?
Palapit na sana kami kay Manong ice cream ng biglang may humarang sa'ming gwapong lalaki. "Excuse me po" Huh? hindi nakikinig? baka bingi sayang naman. Tsk
![](https://img.wattpad.com/cover/16282766-288-k552971.jpg)
YOU ARE READING
The Art of Choosing (Completed)
General FictionMeet Stacey, isang babaeng naghahangad na mapansin ng isang lalaki. Pero paano nga ba kung natupad ang hangarin niya pero may sumunod pang isa ?? Paano niya ipaglalaban ang nararamdaman niya?? Mas magiging mabigat ba ang hinahangad niya O sa toto...