KBNT 3.5 First Kiss

263 56 40
                                    

KBNT 3.5 Continuation

Naglakad na ako papuntang gate "Naman e magkaibigan talaga silang dalawa 'di mahilig magpakilala 'pag may katawag o sadyang hindi uso sa kanila 'yun?" tsk pagbukas na pagbukas ko ng gate bumungad sa'kin 'yung mukha ni Shann na *bakit-ngayon-mo-lang-binuksan-look* Ang gwapo niya talaga kahit galit .. ayyyyeeeii!

"Stace! hoy! ano ba? hindi mo ba talaga ako papapasukin?" 

"Ay! kabayong na nakajumper" gulatin ba ako? 'yan tuloy! Haha kabayong nakajumper! ano daw??

Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko ayyeeiii kinikilig ako waaaah baka eto na yung panaginip ko waaaaah pagtingin ko sa kanya Arggh nagpipigil siya ng tawa .."Anong kabayong nakajumper?"

"Ah.- -wala 'yung cartoon kasi na pinanood ko kanina may kabayong nakajumper" haha ang bilis ko talagang makahanap ng lusot haha good Stacey!

"Haha ang cute naman ano kayang itsura nun? parang ikaw lang ba 'pag nagjumper ka?" Aba? asar tong lalaking 'to huh? 

"Oo ka itsura ko pero mas KAMUKHA mo 'pag nagjumper ka! BAHALA ka sa buhay mo!" pinagsarhan ko ulit siya ng gate. Duh! whatever nakakarami na 'yong lalaking 'yun ah kung 'di ko lang crush 'yung lalaking' yun baka tinadyakan ko na 'yun!

"Ang init-init dito Stace maawa ka naman sa baby skin ko" kapal ! porket anak mayaman takot na sa araw? anyareee!

"Ewan ko sayo! bahala ka sa buhay mo kahit na maging negro ka jan hindi na kita pa-papasu-kin!" Ah! bakit nauutal ako .

"Weee? di nga?"  Asar talaga ooh! bahala ka akala mo hindi ko tototohanin huh? hmp.

"OO! totoo hindi ako nagjojoke.Manigas ka jan! "

"Hindi naman umuulan ng snow para manigas ako dito huh? Baka ibig mong sabihin matunaw ako dito?" Ayy bobo! anong akala niya sa sarili niya? yelo? bakit ba kasi ako nagkagusto dito sa taong 'to.

"Aba? at sumagot ka pa ganun? ewan ko sayo 'di ko lang talaga alam kung bakit nagkagusto ako sayo. Papasok na ko, maiwan ka na nga jan!"  papasok na talaga ako ng bahay! 'wag niyo akong pigilan 'wag.

"Kahit na sabihin kong I LOVE YOU? hindi mo pa rin ba ako papapasukin?"  ano daw kamo? where are you?bingi pa naman ako

"Anong WHERE ARE YOU? nababaliw ka na ba? " 

"Stacey naman maawa ka sa balat ko namumumula na ooh" kawawa naman pero galit parin ako sa kanya "Stace? nakikinig ka ba sa'kin? ang sabi ko kanina I LOVE YOU! hindi WHERE ARE YOU?! "

Ansakeet sa tenga! ano daw? how are you? "Paki ulit nga" pinagbuksan ko na lang siya ulit hindi ko kasi marinig ng maayos e

"Pambihira naman Stace kailangan pa bang ipagsigawan ko sa buong street niyo na MAHAL KITA!" wapak

Ano daw mahal niya ako? huh? teka? i love you pala 'yung sinabi niya kanina? ba't ang bingi ko? kyyaaahh teka? nananaginip na naman ba ako? ahh!  bahala na

*tsup*

"Ahhh!! Ba't ka lumingon!" hindi na talaga ako nananaginip! pecachu naman ooh pahamak "sorry  akala ko kasi nananaginip na naman ako'' kyaaaaaahhhh! kainin na ako ng lupa nakakahiya naman aahhh! sa cheeks lang naman dapat 'yun e bigla kasi siyang lumingon wtf* nakakahiya ahhhh! wala na first kiss ko ahhh! anlandee ko kasi 'yan tuloy!

*tsup*

 WAAHH! bakit siya gumanti! "HOY!"

The Art of Choosing  (Completed)Where stories live. Discover now