KBNT 10 I Love You (Ending)

114 28 6
                                    

STACEY POV

Bigla akong napabangon sa kama ko. "What? panaginip lang ba 'yun? pero bakit parang totoo? Pa'no ako nakauwi ? diba nasa may park ako kanina?"

Biglang pumasok si Mama sa kwarto ko "Anak may mga bisita ka"

"Sino po Mama?" 

"Si Shann atsaka 'yung girlfriend niya" sagot ni Mama habang naghahalungkat siya sa mga gamit ko.

"Ma? pa'no po ako nakauwi?" pagtatakang tanong ko kay Mama

"Aba? hindi ko alam anak kauuwi ko lang galing kay Tita Rona mo" Huh? baka panaginip talaga ang lahat pero hindi pwedi nasa may park talaga ako kanina

"Ah ganun po ba? sige pakisabi po kina Shann na kung pwedi dito na lang po kami sa kwarto ko kasi masama pakiramdam ko"

"Oh siya bababa na ako"

"Opo Ma"

Narinig kong nag-uusap sila sa may pinto banda "Hoy? anong pinag-uusapan niyong dalawa jan? mas mabuting pumasok na kayo dito para naman hindi ako Ma-out-of place sa inyong dalawa"

"Ahy hehe sorry po" -Gab

"Hi Gab? kamusta ka na?" tanong ko kay Gab habang nakangiti ako kay Shann

"Ikaw ang kamusta? ok ka na ba?" -Gab

"Ah? so kayo 'yung nag-uwi sa'kin kanina?" -Ako

"Oo nahimatay ka kasi kanina nung kinausap ka ni Shann. Ano ba kasing sinabi niya sa'yo?" Tanong ni Gab habang nakatingin kay Shann.

"Huh? totoo 'yun?" Nagsimula na naman akong umiyak . Bakit ba kasi napakababaw ng mga luha ko. Nakakainis! -Ako

"Stacey? hoy? Ano nga bakit ka umiiyak?" -Gab

"Si N-nik?" *sniff* na'san si Nik? sniff*" -Ako

"Stacey? huminahon ka nga muna teka lang" Biglang sambat ni Shann

"Hindi ko alam kung pa'no huminahon *sniff* sa lagay kong 'to. Bakit *sniff* parang napakadali lang para sa inyo 'yung *sniff* mga pangyayari? madali pa para sa *sniff* inyo ang mawalan ?" -Ako

"Makinig ka nga muna sa'min - -"  -Shann

"Ano pa bang sasabihin niyo huh? Sisisihin niyo ba ako sa mga nangyari? Bakit hindi lang naman siya ang nasaktan huh? " -Ako

"Teka nga mun- - " - Shann

"Umalis na kayo hindi ko kailangan mga paliwanag niyo. Labas!" -Ako

"Pero Stace?" -Gab

"Umalis na kayo! " -Ako

"Sana pinakinggan mo man lang kami" huling narinig ko kay Shann tapos sinarado na nila 'yung pinto ng kwarto ko.

.

.

.

Makalipas ang ilang linggo napansin 'ata ni mommy na pumapayat na ako . Hindi ko alam pero ang laki nang pinagbago ko simula nung nawala si Nik. Oo hindi ko man lang siya binisita nung burial niya. Hindi ko rin siya hinatid sa huling hantungan niya. Ayoko kasing isipin na wala na siya kasi BUHAY pa siya sa puso't isipan ko.

"Anak? maawa ka naman sa sarili mo. Tingnan mo 'yang sarili mo sa salamin. Hindi magiging masaya si Nik sa mga pinaggagagawa mo"

"Hindi rin naman ako masaya sa ginawa niya sa'kin Ma. Hanggang ngayon napakasakit pa rin"

"Anak walang may gusto sa mga nangyari 'wag mong sisihin ang sarili mo sa pagkawala niya"

"Pero Ma?"

The Art of Choosing  (Completed)Where stories live. Discover now