KBNT 8 First Day of Class

179 46 21
                                    

NIK POV

Pina POV na rin ako ni Ms. author sa wakas! haha. Hindi na ako magpapakilala. Alam kong kilala niyo na ako? diba AKO lang naman ang pinakagwapong Character sa story'ng 'eto HAHA.. 

(A/N: Kapal ng mukha)

Totoo naman e ikaw talaga Ms.Ganda

(A/N: Halaka ng Bola pa! Kwento ka na! bilis!)

Eto na po!

Simula nung araw na 'yun di na ako nagpakita pa kay Stacey ewan ko ba kung tama 'yung ginawa kong pag-amin sa kanya alam ko namang marami siyang pinagdadaanan nung mga panahong 'yun pero di ko napigilan ang sarili ko. Ayokong nakikita siyang nasasaktan ayokong nakikita siyang umiiyak tapos sa maling tao pa. Sa mga panahong nagsusumbong siya sakin sa mga nararamdaman niya hindi niya alam na MAS nasasaktan ako sa pinaggagagawa niya. Alam kong nagpakatanga ako at nagpakamanhid sa nararamdaman ko pero masisisi niyo ba ako kung kaligayahan kong makitang masaya ang taong mahal ko kahit na magmukha akong gago?

Dalawang linggo ko nang di nakikita si Stacey! Oo dalawang linggo na! Namimiss ko na nga siya ewan ko ba ang lakas ng dating niya sakin simula nung nakita ko siya sa park . Simula nung dumating siya sa buhay ko lagi ko na lang siyang hinahanap kahit nakapikit ako mukha niya nakikita ko.. *_* .Ganito ba talaga ang pakiramdam 'pag totoo ka nang nagmamahal??

"Hoy Nik! ikaw na" ha? ba't ang bilis nasa first row pa nga 'yung nagpapakilala kanina ah. 

No Choice naglakad na lang ako papunta sa harapan. Bakit ba kasi kailangan pa ng INTRODUCE YOURSELF 'pag first day of class..

"Ok, Mr. Dechavez, introduce yourself" Aish! ano pa nga bang magagawa ko

"Hi Everyone! I'm Nik Angelou Dechavez, 18 years of existence .. for more info just check my facebook account, twitter and instragram. And by the way Paki-follow na rin tutal napadaan naman na kayo'' 

Naghiyawan 'yung mga classmate kong babae anong problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng GWAPONG katulad ko? tsk--

"Hanep ka talaga Nik kung anu-anong kalukohan lumalabas jan sa utak mo. Sinama mo ba naman 'yun?" tanong sakin ni Rj

"Nakakainis kasi  college na tayo tol di tayo elementary pabayaan mo sila"  'yun lang nasabi ko kay Rj tapos dumuko na ulit ako sa desk ko..

"Excuse me Ma'am is this Room 143?" -girl

Wow naman! may number na ngang nakalagay sa labas ng door tapos tinanong pa? Tanga lang ang peg?

"Yes'' - Ma'am

"Thank you Ma'am" -Girl

Parang familiar boses niya ayy naku baka classmate ko lang dati na late'

"Sit beside Mr. Dechavez" -Ma'am

"Yes Ma'am"

Huh? at sa tabi ko pa talaga pinatabi. Naku for sure mababaliw 'to sa kagwapuhan ko!

"Hi" - Girl

Feeling close siya masyado sabi ko na nga ba e magkakagusto na kagad 'to sakin.

"I'm not talking to Strangers so you'd better shut up your mouth or els- - " nakaduko kong sabi

"Or else what??"

Aba 'tong babaeng 'to! Inayos ko muna mukha ko bago ko hinarap 'yung babaeng asungot!

.

.

.

.

The Art of Choosing  (Completed)Where stories live. Discover now