13. Hayaan Mo 'Ko

64 2 0
                                    

Hayaan mo 'ko na mahalin ka
Hanggang sa ako'y wala nang maramdaman pa
Hayaan mong ako'y isipin ka
Hanggang sa makabisa ko ang iyong pagmumukha

Hayaan mo lamang ako
Iyon lamang ang tanging hiling ko
Hanggang sa ako'y magkandalito-lito
Hanggang sa ako'y magsawa sa'yo

Hayaan mo 'kong alalahanin ka
Hanggang sa ika'y makalimutan ko sinta
Hayaan mo lamang ako na ibigin ka
Hanggang sa araw na ako'y magdusa

Hayaan mo lamang ako
Hayaan mong ako'y naghahabol sa'yo
Hanggang sa ako'y madapa at magdugo
Hanggang sa ako'y tumigil kakatakbo

Hayaan mong ika'y aking iyakan
Sa pag-ibig na wala namang katiyakan
Hayaan mong ako'y magmukhang martir kahit kailan
Masilayan ko lang ang iyong kagalakan

Hayaan mo lang sana ako
Kahit ako pa'y nagsusumiksik sa tabi mo
Hayaan mong sugatan ang aking puso
Isang ngiti mo lang naman ayos na 'ko

Ngunit sana kahit isang katiting ay magalinlangan ka rin
Nang sa ganoo'y ako'y matauhan din
Hahayaan kitang ipaintindi sa'kin
Yung mga salitang nagsasabing ayaw mo naman sa'kin

Unsaid WordsWhere stories live. Discover now