Walang ingay, walang gulo
Katahimikan ang inaasam ko
Mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig
Mga mapanghusgang salita na masakit sa dibdibKatahimikan ang gusto ko
Kahit isang minuto ibigay niyo
Mga bibig na kung tumalak ay mas matagal pa sa manok
Mga bibig na kung tumalak ay parang walang taposKatahimikan ang hinahangad ko
Parang awa niyo na pagbigyan niyo ko
Mga bibig na nagbubuga ng mga salitang parang usok
Parang lason na unti-unting papatay sa isip ng kahit sinoMga labing puro panlalait ang ipinagsisigaw
Na kung humusga akala mo'y malinis siya
Mga dilang kay talim ng pagkakatabas
Animo'y mga patalim ang mga salitang binibigkasTumahimik kayo, katahimikan ang ibig ko
Ang mga salitang binibitawan niyo ay nagpapatunay na isa kayong ipokrito
Mabuting itikom niyo na lang ang inyong mga bibig
Wala naman kayong magagandang ipinapahiwatig
![](https://img.wattpad.com/cover/130102154-288-k609582.jpg)
YOU ARE READING
Unsaid Words
PoetryI shut it up and wrote it down These words that are hard to pronounce I count to three and keep it in me Until the words cut me badly I closed it up and threw it away The words I want to let out but couldn't say So I keep quiet and remained silent B...