31. Iyong Ngiti

34 0 0
                                    

Minamahal kita aking sinta
Ito'y klaradong makikita sa aking mga mata
Minamahal kita ng hindi ko man lang namamalayan
Totoong ako nga'y napana ng hindi man lang inaasahan

Sa mga araw na nagdating
Pintig ng puso ko'y napapabilis mo pa rin
Tila ba ako'y sasabog na
Sa pagmamahal na naguumapaw ng sobra

Ngunit sa paglipas ng panahon
Kasabay ng pagdami ng aking kwestyon
Minamahal mo rin ba ako gaya ng nararamdaman ko sa'yo?
Galak din ba ang iyong napapala sa twing ngiti ko'y iyong nakikita?

Ngunit sa pagdaan ng oras, ako'y sumusuko na
Pagkat masakit palang makita ang mahal mong may mahal ng iba
Pagkadurog ng puso ang akin nang nadarama
Sa twing ngiti mo'y nasisilayan ko sinta

Sapagkat ang ngiting iyon na minsang bumihag sa akin
Ang ngiting iyon na nagpagulo ng aking damdamin
Ay di ko na masisilayan pang muli
Pagkat sa iba mo na ito hinahalili

Unsaid WordsWhere stories live. Discover now