Tumitingin sa malayo
Tulala sa isang espasyo
Hinahanap ang bawat kasagutan
Sa mga tanong na nakaligtaanHabang dahan-dahang lumuluha
Iniisip ang mga maling nagawa
Paano maibabalik pa
Ang mga panahong lumipas na?Naguguluhan, nagugulumihanan
Sa dami ng tanong na pinabayaan
Nagiisip ng sagot sa bakit
Nagiisip sa dahilan ng sakitPaano na ang mundo ko
Kung nilisan mo na ito?
Mahahanap pa kaya ang layunin
Kung wala ng pag-asang hanapin?Naghahangad, nangungulila
Nangangarap pa ng huling tyansa
Hinahanap ang pagaaruga
Na minsan mong ipinadamaNagtatanong, nangangalap
Kung kulang pa ba ang pagsisikap
Naghihintay, nagbabakasakali
Kung babalik ka pang muli
![](https://img.wattpad.com/cover/130102154-288-k609582.jpg)
YOU ARE READING
Unsaid Words
PoetryI shut it up and wrote it down These words that are hard to pronounce I count to three and keep it in me Until the words cut me badly I closed it up and threw it away The words I want to let out but couldn't say So I keep quiet and remained silent B...