1

2.9K 25 2
                                    

"Anak, baba ka na. Andito na si Ricci." Rinig kong sabi ni Mama habang ako'y nag aayos ng gamit.

"Opo, Ma!" Binilisan ko na ang pag aayos at bago bumaba, sinigurado kong walang nakasaksak sa kahit anong outlet at pinatay na ang ilaw pagtapos.

"Oh ayan na pala siya." Rinig kong sabi ni Mama kay Ricci.

"Babe.." Bumeso si Ricci saakin at kinuha ang body bag ko. That's what I like about Cci. Napaka-gentleman. Kahit may bitbit siyang bag, kukunin niya pa rin ang bag ko. O kaya naman, kahit may mga bitbit na siyang paper bags, kukunin niya pa rin ang mga bitbit ko. I can really say that he is well-trained by Tito Paolo sa pagiging gentleman.

"Mauna na kami, Ma." Saad ko sabay beso kay Mama.

"Mauna na po kami, Tita." Pagpapaalam ni Ricci at bumeso na rin kay Mama.

"Mag text ka lang Ma, pag may kailangan ka ha?" Paalala ko kay Mama na tinanguan niya.

"Ricci, mag ingat sa pagmamaneho, ha? Mag text kung anong oras uuwi." Paalala naman saamin ni Mama at um-opo naman kami pareho.

Nilock ko na ang front gate namin para hindi na lumabas pa si Mama. Ricci opened the car door for me and I automatically said thank you to him.

Nang makaupo na si Ricci sa driver's seat, binigay na niya sakin ang aking bag at kinuha ko naman ito.

"Seatbelt, babe." Paalala ni Ricci saakin at agad ko naman itong sinunod.

Binuksan na niya ang makina ng sasakyan at bago ito paandarin ay nakita kong nag sign of the cross muna siya. I looked at Ricci and just smiled at him. He did exactly the same thing.

Maya maya pa, ay nagsimula ng magdrive si Ricci papalabas ng aming village.

"Babe, dadaanan muna natin sila Brent sa dorm, ha. Pina-carwash kasi ng mokong 'yon ang sasakyan niya. Ayaw niya rin daw sumabay kela Aljun kaya makikisabay nalang daw siya satin. Ok lang ba?" Saad ni Ricci.

"Oo naman. Walang kaso." Sagot ko habang nagso-scroll sa Twitter.

Nagpatugtog nalang muna kami para 'di boring at tahimik. Hindi ko kasi madalas kinakausap si Ricci pag nagda-drive siya. Nag uusap pa rin naman kami sa kotse pero syempre, small talks lang. Yung tipong, tanong niya, sagot ko. O 'di kaya vice versa.

"Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands..." Nagulat naman ako dahil saktong sakto sa lyrics na 'yon ay kinuha ni Ricci ang kamay ko and intertwined it with his.

"... Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad" Pagsabay ko sa kanta.

Ricci and I love LANY so much. Nung nabalitaan nga naming pupunta sila dito sa bansa, hindi na namin ito pinalagpas. Napaka-memorable ng araw na 'yon para samin, cause we celebrated our 2 years of being together as a couple.

"Babe, tagal kong 'di ka narinig kumanta. Ganda pa rin ng boses mo." Ricci complemented.

"Thanks for the compliment, babe." I replied and smiled at him. Maya maya naman ay nakisabay na rin sa pagkanta si Ricci.

Habang tuloy tuloy pa rin ang pagkanta namin, ay napaisip nanaman ako kung gano kasaya maging girlfriend ni Ricci. Napaisip ako kung gano ako ka-swerte na maging girlfriend ng isang sikat na basketball player. Hindi naman fame ang habol ko. Sa katunayan, lumalayo talaga ako pag maraming tao na ang nakapalibot saakin. Hindi ako sanay ; nakakapanibago. Camera shy nga ako eh.

ON HOLD // JUST HOLD ON | Ricci Rivero Where stories live. Discover now