26

442 6 6
                                    

Nagising nalang si Ricci ng maramdamang bumukas ang pinto ng sasakyan. Nilabas na nila si Ricci sa sasakyan. Matahimik ang paligid. Mukhang tago ang lugar na ito.

Nakatakip pa din ang mukha ni Ricci at nakatali pa din ang kaniyang mga kamay. Bumukas ang pinto.

Tinanggal nila ang aking takip sa mata. Nanlaki ang dalawang mata ni Ricci sa nakita.

"MARK?!" Gulat na gulat si Ricci.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Ako ang nagpapunta sayo dito—" So siya ang boss na tinatawag ng kaniyang mga tauhan?

"IKAW?! AKALA KO KAIBIGAN KITA? AKALA KO KUNG ANO NA NANGYARI KAY RASHEED NG DAHIL SAYO!" Sigaw niya. Napa-aray siya sa sakit ng may tumama na kahoy sakaniyang ulo.

*evil laugh ni Mark*

Lumalabo na ang paningin niya, but, he shook it off. Nagkasagutan pa sila ni Mark. Oo, Mark Salamat. Yung manager kong tinuring kong kaibigan na ta-traydorin din pala ako. Kada sigaw ni Ricci kay Mark, ay siyang pag palo sakaniyang ulo ng dos por dos.

"Ricci, kumalma ka nga—"

"Paano ako kakalma?! Walang hiya ka! Nasira mo pa ang selebrasyon namin ni Mia!" Sigaw niya at kagaya nga ng sinabi ko, ay pinalo nanaman siya ng kahoy. Tangina naman ng mga lalaking to eh. Binayaran ba kayo? Tangina. If pera is all you need, pwede naman kayong bigyan ni Ricci.

"Sige, isang satsat mo pa ay di lang palo ng kahoy ang matatanggap mo." Napatihimik si Ricci. Wala na siyang choice. He couldn't do anything now.

"Iisa lang naman ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito." Nanatili ang matalim at nanggagalaiting tingin ni Ricci kay Mark.

"Remember Claudia? Claudia Barretto? Oh, you do remember her. Your so-called-crush. Ngunit hindi na siya mahalaga sa iyong tingin sapagkat ngayon ay mayroon ka nang Mia Dela Fuente."

"Mark, pwede ba? Wag na tayong mandamay pa ng ibang tao. Nananahimik si Claudia. For sure, panibagong issue nanaman yan." Ricci warned him na may matulin pa ding tingin.

"Kayo nalang. Dump that dela fuente your in a relationship with. Hindi naman pumapatok ang pangalan mo dahil sakaniya. Walang kwenta."

Mas lalong nag apoy ang galit ni Ricci kay Mark.

"HINDI SIYA WALANG KWENTA! MAHAL KO SIYA! MAHAL NA MAHAL!" Sigaw ni Ricci at pinalo nanaman siya for the nth time.

"DAMI MONG SATSAT, MAKINIG KA MUNA!" Mabigat na ang paghinga ni Ricci dahil sa galit at gusto niya nang kumawala.

"Starting next week, you need to go out with Claudia. Ako na bahala dun kay Claudia. Basta dapat starting next week ay makasama mo na siya, and... on weekends next week, kailangan niyong magpakita in public. Be sweet. Do everything para mapaisip kayong kayo na. Ikaw nalang bahala sa Mia mo mag explain, and.... she needs to say yes. Kung kailangan mong hiwalayan, hiwalayan mo!"

"NO! HINDI AKO MAKIKIPAGHIWALAY KAY MIA. MINAHAL KO SIYA NG BUONG BUO, MARK! ALAM MO YAN! HINDI MO BA NAKIKITA NA SA TUWING MAGKASAMA KAMI AY SOBRA ANG NGITI NA IGINAGAWAD NIYA SAAKIN? MARK, PLEASE. WAG MO NAMAN GAWIN YUN. MAHAL KO SI MIA. HINDI KO SIYA HAHAYAANG MASAKTAN." Parang awa ni Ricci kay Mark.

"Ricci, your life will get worst pag hindi ka pumayag sa gusto ko. You should remember this day that I warned you about this if you'll say no. Bahala ka. You'll see, Ricci. Basta, sinasabi ko na sayo." Babala ni Mark kay Ricci. Naglakad na si Mark papunta sa pintuan.

"Siya nga pala. Kapag sinabi mo to sa magulang mo, pamilya, kaibigan, miski diyan sa Mia mo, mamamatay silang lahat! Pakawalan na yan! The meeting is over!" Pagkasabay nun ay ang pagkalampag ng pinto. Gaya nga ng sabi ay pinakawalan na si Ricci. Akmang aalis na si Ricci, kaso, hinatak siya ng isang lalaki.

"Kapag sinabi mo to sa pamilya mo, malalago ka samin. Hindi lang samin, kung hindi din sa boss namin. Pakatandaan mo yan. Alam namin kung san ka nakatira." Babala din ng lalaki na tauhan ni Mark.

Lumabas na si Ricci. Kinapa kapa niya ang bulsa nang mapagtantong, wala sa kaniya ang cellphone niya. "Fuck" He hissed.

——————————————————

Nandito ako sa loob ng sasakyan. Nag Grab nalang ako pauwi. We're supposed to celebrate today. Pero, wala eh. Minsan na nga lang kami makapag celebrate ng anniversary namin, naudlot pa. Mas nakaka-disappoint pa don, sabi ni Ricci babalikan niya ko. Sabk niya babalik daw siya. Pero, walang Ricci na bumalik. Umasa ako kasi sinabi niya yon. Umasa ako kasi mahal ko yon eh. Dapat pagkakatiwalaan ko yung sinabi yan. Pero, asan ba siya? Kaya lang naman ako umuwi dahil saraduhan na ng resto at mall, andon pa ko... naghihintay sakaniya.

Sana man lang tinext niya kong hindi siya makakabalik. Pero, miski text o tawag, wala akong natanggap. Is he already breaking up with me? Ano na ba ang nangyari? Hindi ko na alam eh. Wala na kong ka alam alam. Today, I was supposed to be happy. Pero, ngayon, hindi ko nakilala yung sarili ko. Nawindang ako ngayon. Ansakit ng ulo ko, at yung puso ko. Asan ka na ba Rivero ko? Asan ka na? Bakit hindi ka nagparamdam? Ni text o tawag wala? Hindi mo ba naalala na may taong naghihintay sayo? Hindi mo ba ko natandaan? Are you breaking up with me? Sana kung oo, sinabi mo na kaagad hindi yung ganto. You left me stunned and dumbfounded.

Hindi ko na alam mararamdaman kung makita man kita muli. Huminto na ang sasakyan. I paid him and everything. Pumasok ako sa bahay ng wala sa sarili.

"Anak?"

"Mia?" Lumapit saakin si Mama at ang dalawa kong Ate.

My tears fell. Hindi ko na namalayan ang nangyayari. They hugged me so tight. Yon ang kailangan ko. A hug from my loved ones. Umiyak ako sakanila.

"What happened, Anak?" Mommy asked.

"Ma, pagod na po ako. Magpapahinga nalang po muna siguro ako. Bukas ko nalang po ikukuwento." Sabi ko at umakyat na patungong kwarto.

——————————————————

Buti nalang nakakuha ako ng taxi papuntang St. Claire's. Nakita ko ang sasakyan ko don at ang... cellphone na hinahanap ko pa kanina. Jusko. Ano na kayang nangyari sa Mia ko? Andon pa kaya siya?

Dali dali akong nag drive patungo sa mall. I saw the resto.... It's closed already. Tumingin ako sa paligid. Wala. Walang Mia dito. Shet, Ricci. What have you done?! Fuck. Nakauwi ba siya ng maayos? Tangina namang buhay to!

I called her. I tried calling her multiple times.... but, there's no answer. I hope your safe, Mia. I hope you are.

Wala na kong nagawa at umuwi nalang sa bahay.

"Cci? Cci? Anong nangyari? Bakit parang antagal niyo naman ni Mia sa labas?" Tanong ni Kuya Prince.

"Kuya, pasensya na kung natagalan. Naglibot libot pa kasi kami eh." I faked. Pano ko itatago ang lahat? Shit naman. Help me, Lord. Ikaw lang makakatulong sakin, in times of this. Tell me what to do.

Umakyat na ako. I changed into my sleeping wear. Nahiga ako sa kama at itinulog nalang.

—————
Hallu! Happy 3k everyone! 😘 Heartbreaking chap to for me so far. Excited na ko for the following chaps.

Kamusta naman mga MiCci shippers diyan na patuloy sumusuporta kela Mia at Cci? Ok pa ba kayo? luv luv 💕

ON HOLD // JUST HOLD ON | Ricci Rivero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon