11

531 2 0
                                    

"What are you trying to say, Mia? What do you mean na ikaw yung may kasalanan? Care to explain?" Tanong sakin ni France. Well, I guess this is the right time to tell it. Umupo ako sa upuan and now, katapat ko sila.

"Yes, ako yung may kasalanan. I'm sorry Alliana. I'm sorry." Saad ko.

"Spill the beans, Mia." Saad ni Alliana.

"Yung sinasabi ni Jade na time limit, alam ko 'yon. In the first place, pinili kong hindi sabihin sayo, Alliana, dahil alam kong ipagtatanggol mo lang si Jake." Panimula ko at yumuko.

"Remember nung humingi ng second chance si Jake sayo? Everybody's there. Complete tayo. Remember na tinanong kita kung bakit binigyan mo si Jake ng second chance? Labag sa kalooban ko na binigyan mo siya ng second chance nung time na yun. Why? Kasi it all started ng marinig kong mag usap sila Jade, Jake at ang mga minions ni Jade." Kumunot ang mga noo nila.

F L A S H B A C K

Nakita ko si Jake don sa may entrance ng bar sa Boracay. May nakita akong babae na lumapit sakaniya at sinundan niya yung babae. Out of my curiosity, sinundan ko sila. Nakita kong pumasok sila sa bar at dumiretso sa VIP Room. Walang guard. Walang bantay.

Tumayo lang ako sa tapat ng pintuan at pinakinggan ang pag uusap nila.

"Glad you made it, baby!"

"Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito?" Alam kong si Jake yon.

"Ang baby ko, masyadong atat. Can we toast first?"

"Spill it, Jade. Ano ba yon?!" Rinig kong tumaas ang boses ni Jake.

"Gusto mo na malaman?" Tanong ni Jade.

"Ok, fine. May favor sana akong ipapagawa sayo, e. If it's ok with you?" Tanong ni Jade.

"Find. What is it?" Tanong ni Jake.

"Before that, ipapaalala ko muna sayo ang rules ko. First, pag nag-oo ka na sa favor ko, no turning back. Second, sa favor na ipapagawa ko sayo, pag gagawin mo na, andon dapat ako. Dapat makikita ng naked eyes ko yung pinapagawa ko sayo. Last, don't you ever try to escape sa favor ko or else, i will hunt you down. Or, one of your loved ones will die in front of you." Saad ni Jade. Andami namang alam ng babaeng 'to.

Matagal bago may sumagot don sa sinabi ni Jade. Pero, nag-oo din si Jake pagkatapos.

"Okay, masunurin naman pala ang baby ko. Okay, so favor is, humingi ka kay Alliana ng second chance. Make it surreal na para bang hindi pinagplanuhan. Then, be sweet to each other. Then, after weeks or 1 month, dapat mahuli tayo ni Alliana na magkasama. Dapat makita niyang sweet tayo sa isa't isa. For short, iinisin natin siya. Then -" She was cut off by Jake. Nagulat ako sa kung ano man ang gustong mangyari ni Jade. Gusto ko na sana silang sugurin don, pero, there's something holding me back at pinakinggan muli sila.

"What?! You expect me to do that?!" Sigaw ni Jake.

"Aw, sweet heart, no turning back. That's one of my rules, remember? Now, let me finish." She said.

"Then, you will knock on their room door and hihingi ka ng tawad. You need to make her cry. For short, you'll play with her. That's easy, right? Yon lang ang favor ko sayo." Sabi ni Jade kay Jake. Gusto ko ng sugurin si Jade sa una palang. Pero, what if may mga bodyguards si Jade don sa loob? What if may baril silang hawak? Tanga mo, Mia. Best friend mo ang masasaktan after this shitty favor. Mas uunahin mo pa ba ang kapakanan ng buhay mo kesa sa kaibigan mo?

Napansin kong gumalaw ang door knob at bigla akong tumalikod ng mabilisan. But, it's late...

"Hoy, babae!" Rinig kong sigaw ni Jade at hinila ang buhok ko papasok ng kwarto.

"Mia?" Gulat ni Jake.

"Narinig mo ba ang pag uusap namin, ha?" Tanong ni Jade at hinila pa ulit ang buhok ko.

"Aray!" Sigaw ko. Oo, kasi pinag iisipan ko kung sasabihin ko ba ang totoo for the sake of my best friend.

"Answer my question!" Sigaw niya na nakakabingi.

"Oo, kanina pa! I heard the whole thing." Ang tanga mo Mia, bakit mo inamin?!

"Ah, kanina pa. Gusto mo bang hindi ka na makalabas ng buhay dito?" Threaten niya saakin. Mia, you're so stupid! Pag namatay ka dito, hindi mo masasabi kela Alliana ang plano ni Jade na saktan siya.

Natameme nalang ako don. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hinila ulit ni Jade ang buhok ko.

"Aray! Tama na, Jade!" Sigaw ko na may pagmamakaawa.

"Jade, tama na! Jade!" Sigaw ni Jake.

"Oh well, mabait naman ako eh. I will let go of you this time and this will be the last, bitch! Pero, before of letting you go, may mga paalala lang akong dapat mong sundin para walang mamamatay na kung sino man na malapit sa buhay mo. Lahat ng mga pinag usapan namin, lahat ng mga narinig mo, huwag mong sasabihin kay Alliana pati sa mga kaibigan mo. Pag nalaman kong alam ni Alliana ang plano, si Alliana mismo ang papatayin ko sa harap mo! You understand?" Um-oo ako and she let me go.

- E N D O F F L A S H B A C K -

Kinwento ko lahat sakanila ang nangyari.

"Pero, bakit hindi mo sinabi? Kahit alam mong hindi naman namin sasabihin na alam namin? Mia, hinayaan mo si Alliana na magkaganito. Hinayaan mo siyang masaktan!" Sigaw ni Francine at umiyak na ako.

"Ayoko nga kasi siyang mapahamak." Dahilan ko.

"Pero nakakayanan mo siyang makitang masaktan? Ganon ba yon?" Tumaas ang boses ni Ysa.

"Guys, kumalma nga kayo. Let Mia explain her side. Wala kayong maaayos na problema pag ganito." Saad ni Brent.

"Then explain." Masungit na utos ni Ysa.

"Tingin niyo ba madali sakin yon? In the first place, I was planning to tell it to you, guys. Pero, baka may mabigla saatin at biglang sumugod kay Jade or kaya masabi accidentally. Eh di napahamak si Alliana. I went with my decision na ok na huwag nalang sabihin sainyo. Para sa sitwasyon kong ito, sinasabi ko na hindi madali para sakin." Explain ko sakanila.

"Pero, anong nangyari? Nasaktan si Alliana. Hindi mo man lang siya naipagtanggol. Hindi ka man lang umimik kanina. Wala kang nagawa!" Sigaw ni Francine.

"Mas ok na saking makitang masaktan siya, kesa mawalan siya ng buhay sa harapan ko! Nakita ko siyang nasaktan kanina at labag yon sa kalooban ko! Kung umaksyon man ako kanina, mahirap na. Hindi man tayo singilin nung Jade na yon ngayon, eh baka naman magulat nalang tayo in a snap, may nawala na saatin. Intindihin niyo naman sana yung sitwasyon ko!" Pinunasan ko ang luha ko at unakyat patungo sa CR ng room at nag kulong ako don.

Ilang oras pa ang lumipas at nag facial routine na ako at lumabas na ng pintuan ng CR. Nakita kong naghihintay si Ricci, Brent, Kayla and Ellaine.

"Mia -" Pag suyo ni Kayla.

"Pagod na ako Matutulog na ko. Bukas nalang tayo mag usap. I'm sorry." Saad ko at dumiretso na ako sa kama ko at humiga na.

----------
Sabaw nanaman 'to for sure. I'm sorry. Anyways, I've updated 2 chaps, hope you like it! Love you! 💕

- Keana

ON HOLD // JUST HOLD ON | Ricci Rivero Where stories live. Discover now