15

485 4 1
                                    

Tonight is the night we're meeting daddy. Hay. Na miss ko na siya. After ilang months ng pag stay nila don sa America. May inasikaso pa raw kasi si Tita Kathrine kaya nagtagal pa sila doon. We're gonna eat dinner outside. Kami kami lang naman. Si daddy at ang mga kapatid ko.

Matatagalan daw si Daddy kasi mukha daw traffic.

"Ate, wala pa ba si Daddy? I'm excited to see him again." Oo, mukha ngang excited kang makita siya.

"Wala pa, baby eh. Sabi naman ni Daddy mag wait nalang tayo." Sabi ko kay Juliene.

"Ugh. That's why I hate traffic." Reklamo ni Julienne.

"Juliene, no one loves traffic anyways." Sagot ni Ate Sab.

8:00 daw ang time slot na pina reserve ni Daddy sa fave resto namin. It's almost 8 wala pa si Daddy. Ano na ba ganap? Tuloy pa ba? Last message sakin ni Daddy ay 6 pa. Sabi niya, hintayin lang daw siya at paalis na siya ng time na yon. Bakit parang antagal naman? Eh, medyo malapit lang naman ang condo nila dito eh. Ano ka ba, Mia. Baka naman may dinaanan pang iba. You know, office stuffs?

Binalewala ko muna yon at nilibang ang sarili sa paglaro ng RoS. Oo, RoS talaga lalaruin ko. Eh, magaling mang impluwensiya si Aljun eh. Ayan. Sakto, naglalaro din si Ate Sab at Ate Jamie. So, naki sali na ako.

Tawang tawa kami ni Ate Sab kasi hindi kami matalo talo ni Ate Jamie sa larong ito. Siya ang laging unang namamatay saming tatlo. Nagtatawanan lang kami habang naglalaro. Juliene is just sitting beside me at nanonood sa tablet niya.

"HOY! BASTOS!" Sigaw ni Ate Sab ng namatay ang avatar niya sa RoS.

Nagulat ako at tumunog ang cellphone ko. It's a call from Ricci. Hindi na ko nagdalawang isip na sagutin ito.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Babe? Babe, I have no time for explaining. But, listen to me, ok? Listen very carefully." Sabi ni Ricci. Ano daw? Na se-sense ko ng may hindi magandang nangyari.

"Ok, ok. Wait. Speaker phone kita." Sabi ko at ginawa ko yon. All ears naman sila Ate at Juliene.

"Guys, I'll be picking you up there, ok? Malapit na ko. There's no time to explain. I'll explain it later. Pero, hindi pa ngayon. Bubusina ako, ok? Get ready na, at na sa guard house na ko." Then, he hung up.

Natameme na ko pagkatapos ng tawag. Ewan ko ba. May something kasi sa katawan ko na nakakasense ng hindi maganda.

Naghanda na kami sa pagdating ni Ricci. Minake sure namin na nakasara ang buong bahay dahil yon ang bilin ni Mama.

Ilang minuto pa at nakarinig na kami ng busina. I checked the window first kung si Ricci nga yon.

Lumabas na kami ng house. Si Ate Sab na ang naglock ng front door. Nauna na kami sa kotse. As usual, ako sa passenger seat at sila ay na sa likod.

Nag drive na si Ricci na medyo mabilis. Ewan ko. Basta. May bumabagabag saking damdamin.

"Ricci, ano bang meron at ikaw ang nagsundo samin? Gosh. May lakad pa kasi kami nila Daddy. Si Dad ba nagutos na sunduin mo kami?" Tanong ni Ate Jamie.

"You'll see." Ricci said. Anong you'll see? Hindi nakakatuwa yang pa you'll see, you'll see na yan ah.

"Anong you'll see, Ricci? Panong you'll see?" Taka kong tanong.

Napansin naming papunta kami sa BGC. Pero bakit don? Wala naman kaming kinakainan don sa BGC. Usually, sa Makati kami kumakain.

"Ricci. Answer me. Ano ba talagang meron?" Medyo napataas na ang boses ko sakaniya dahil sa sobrang kaba. Hindi siya sumagot sakin.

We stopped.

"Sa ospital?! Anong ginagawa natin dito, Cci?" Nagtataka kong tanong.

Palinga linga kaming magkakapatid. Hanggang sa.... nakita ko si Mama nakaupo don at nakayuko. Nakita ko rin ang pamilya ni Daddy.

"Ma! Ma, anong nangyari?" Tanong ko. Hanggang sa nakita ko si Daddy nakahiga sa isang hospital bed na may bandage sa ulo at may doktor at maraming nurse ang nag aassist sakaniya. Nang makita ko si Daddy, sobrang nanghina ako. Ramdam ko ang pagbagsak ng aking tuhod at ang aking mga luha ay pumatak na. Naramdaman ko rin ang pagyakap sakin ni Ricci.

"Naaksidente ang Daddy niyo." Naiiyak na sabi ni Mommy. Napansin ko din na nagsisi-iyakan na din sila Ate at miski si Juliene ay umiiyak na at katabi si Mommy ngayon.

Ngayon ko lang napansin na andito rin pala sila Brent at ang Pamilya Rivero. Lahat sila andito.

'Pano?' 'Bakit?' yan ang mga tanong na pumasok sa utak ko.

Pinaupo nila kami.

"Bakit? Bakit si Daddy pa ang kailangang maaksidente? Marami namang tao diyan oh. Yung mga walang magawa sa buhay. Bakit hindi nalang sila yung nasaktan? Bakit hindi nalang sila yung nakahiga diyan? Bakit Daddy ko pa? May atraso ba si Daddy at kailangan niyang maranasan yan? Bakit siya pa?!" Hagulgol ko sa ospital.

"Please babe. Kumalma ka muna. Everything will be fine sooner or later. Just trust God, and He will do the rest." Paghawi sakin ni Ricci.

"I hope so, Ricci. I hope so everything will be fine." Sabi ko at paunti unti na kong tumigil sa pag iyak.

"Mom, sino may gawa niyan? Ano ba yan Mom? Set up? Planned? O sadyang aksidente yan na hindi sinasadya. Dahil kung hindi, makakatikim saakin yung gumawa niyan." Sabi ni Ate Sab na puno ng galit.

"Guys, chill muna tayo, ok? Huwag niyo muna pangunahan ng galit. We will do everything to figure out kung sino may gawa niyan if ever." Sabi ni Tito Paolo.

"Achi, everything will be okay." Paalala ni Riley at niyakap ako. Pasalamat ako at nakilala ko ang caring na batang 'to.

Ilang oras pa at lumabas na ang doktor at nurse sa Emergency Room.

"Doc, kamusta na po si Daddy?" Pinangunahan ko na sila dahil patay na patay na kong malaman kung kamusta na si Daddy.

"Your dad is ok, hija. He needs some rest. Yun nga lang, matindi ang damage niya sa ulo that can lead to amnesia. Hindi siya pwede ma release ng hospital, not unless, ok na yung pakiramdam niya. Kailangan din natin siyang hintayin magising to check on his feeling right now. Kung may amnesia ba siya or what. Kung may sumasakit pa ba na bahagi ng katawan niya. So far, yon pala ang na observe namin at ang result. Excuse me, I have to go." Nagpasalamat kami bago siya tuluyang umalis.

_______________

What ya think guys? Is the accident planned, set up or sadyang accident siya? If ever it's planned, who do you think ang pwedeng gumawa nito sakaniya? Guys! Finally, we've reached 1K! Thank you to everyone who read and who will read my book. Thank you for sparing some time to read my book. It means a lot to me. So this is your reward guys! I promise to update this book every Friday, Saturday and Sunday. HEHEHEHE. Kailangan kong bumawi sainyo e. I didn't updated for a long time. Enjoy! Happy 1K!

- Keana

ON HOLD // JUST HOLD ON | Ricci Rivero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon